You are on page 1of 5

Pagdadagdag ng Upuan sa Gym ng University of Cebu Lapu-Lapu and Mandaue

nina Marie Maxine Nucos, Mechaila Rosales, Moira Angeline Pedroso, Noriele Ferolino
at Sarah Marielle S. Aniñon, Panukalang Proyekto para sa Asignaturang Filipino, UCLM

A. KATEGORYA NG PROYEKTO

Ang proyektong ito ay naghahangad na masolusyonan ang kakulangan ng upuan


tuwing klase sa Physical Education. upang magkaroon ng sapat, komportable, at
maayos na mauupuan ang mga estudyante.

B. KABUUANG PONDO

Ang kabuuang gastos sa proyektong ito ay nasa P40,000. Nasa susunod na


pahina ang kabuuang detalye ng nasabing badyet.

C. DESKRIPSYON NG PROYEKTO

Ang proyektong pagdagdag ng mga upuan ay nakakatulong sa mga estudyante


para sila ay maging komportable at para mas mapaayos ang kanilang paraan ng
pagklase sa asignaturang Physical Education. Dahil dito mas mapapahusay ng mga
guro ang kanilang pagtuturo at mas mapapabuti ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

D. BENEPISYO NG PROYEKTO

Matutugunan ng proyektong ito ang kakulangan ng mga upuan. Ito ay


makapagbibigay ng mas komportableng learning environment at magsisilbi rin itong
pahingahan ng mga mag-aaral.

E. LAYUNIN NG PROYEKTO
Hangad ng proyekto na magkaroon ng mas komportableng learning environment
para makapahusay ang pagtuturo ng mga guro at ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Upang maisakatuparan ang mga ito, isasagawa ng pag-aaral ang mga sumusunod:

1. Maglahad ng plano at badyet upang matugunan ang kakulangan ng mga


upuan.

2. Maipakita ang kahalagahan at benepisyo ng pagkakaroon ng sapat na upuan


ng mga mag-aaral.

3. Mailahad ang mga impluwensiya ng learning environment sa pagkatuto ng


mga mag-aaral.

F. KABUUANG GASTOS

AYTEM HALAGA KABUUAN


Bench Plastic Chair P3,469 x 11 P38,159

G. RASYONALE NG PAG-AARAL

Mahalaga ang ginagampanan ng upuan sa ating buhay sa paaralan. Katuwang


natin ito sa paglalakbay tungo sa kaalaman. Magagamit natin ito kapag sumusulat ng
mga lecture notes habang may diskusyon. Kapag walang upuan sa paaralan
siguradong ang mga mag-aaral ay mahihirapan sa pagsusulat. At maaaring maging
dahilan pa ito upang ang mga mag-aaral ay mawalan ng gana sa pag-aaral. Mas
pinapadali nito ang proseso ng ating pagkatuto. Bukod sa mga nabanggit, may isa
pang maaaring gamit ang upuan. Ang mga estudyante ay madalas antukin kapag nasa
loob ng klase. Karamihan sa kanila ay laging nakasandal o di kaya ay nakapatong ang
ulo sa mesa ng mga upuan. Kaya’t masasabi na nagagamit ang upuan bilang tulugan o
pagpahingaan.

Tunay nga na malaking pakinabang ang dala ng upuan sa mga mag-aaral. Kung
wala ito, magiging mahirap ang buhay nila sa loob ng paaralan. Ngayong nalaman natin
ang kahalagahan nito, marapat lang na pangalagaan ito. Wala man itong buhay ay
mahalaga pa rin ito.

H. REBYU NG KAUGNAY NA PAG-AARAL

Ayon kina Earthman at Lemasters (1996), mayroong epekto ang pisikal na


kapaligiran ng mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto at gawi. Mahalaga ang
impluwensiya ng kapaligiran at ang kagamitan sa performance ng isang estudyante.
Ang relasyon sa pagitan ng school environment at kagamitan ay nakakatyulong sa ugali
at paggawa ng mga aktibidad ng isang estudyante.

Ayon kina Browers at Burkett (1989), ang kapaligiran ay mayroong epekto sa


kapasilidad at kakayahan ng isang estudyante. Ang maayos na pasilidad at kapaligiran
ay nakakatulong sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang maayos na paligid ay
isa sa mga mahahalagang salik na nakakaapekto sa akademikong kakayahan ng isang
estudyante.

Sa aklat ni Dr. Lizzete F. Knight na Maximum Learning and Teaching:


Transformation in the Classroom (2009), isinaad niya na sa isang salik na mahalaga sa
proseso ng pagkatuto ang kapaligiran. Ang paghahanda ng isang magandang
kapaligiran ay nakakaapekto sa motibasyon ng pagkatuto.

I. BALANGKAS NG PAG-AARAL

 Maitala ang solusyon at kabuuang badyet ng proyekto.

 Magkaroon ng komportable at sapat na mauupuan ang mag mag-aaral tuwing


PE class.

J. METODOLOHIYA

Isasagawa ng mga mananaliksik ang pangangalap ng datos sa pamamagitan ng


mga sumusunod:
1. Survey Questionaire - Ang questionaire ay isang instrumentong sa
pananaliksik na binubuo ng kalipunan ng mga katanungan para sa layuning makakalap
ng impormasyon mula sa mga taga tugon. Ang mga mananaliksik ay gagawa ng mga
tanong ukol kakulangan ng upuan at kung papaano makakatulong ang proyekto sa mga
estudyante. Ito'y pasasagutan sa piling mag-aaral ng Unibersidad ng Cebu Lapu-Lapu
at Mandaue. Ito ay binubuo ng sampong tanong para sa mga mag-aaral.

2. Panayam - ang mga mananaliksik ay pipili ng iilang mag-aaral na


makakapanayam. Isasagawa ito upang makakalap ng mas detalyadong impormasyon
na makakatulong sa pag-aaral.

K. TALAAN NG GAWAIN

MGA GAWAIN PETSANG ILALAAN SA GAWAIN


Pangangalap ng datos Nobyembre 16 - 30
Paghingi ng pahintulot sa interbyu Nobyembre 16 - 19
Pagsulat ng katanungan sa interbyu Nobyembre 19 - 30
Interbyu sa mga estudyante Disyembre 7 - 11
Pagsasaayos ng mga nakalap na datos Disyembre 14 - 18
Pagbasa ng mga kaugnay na proyekto Disyembre 19 - 23
Pagsulat ng Introduksyon Disyembre 28 - 30
Pagsusuri sa problema ng kakulangan ng Enero 4 - 7
upuan
Pagtatala ng posibleng solusyon Enero 8 - 12
Konsultasyon sa tagapamahala ng Enero 14 - 15
paaralan
Pagsulat ng unang burador Enero 19 - 24
Paghahanda ng presentasyon Enero 25 - 28
Pagsusumite ng pinal na kopya Enero 30
Presentasyon sa pananaliksik Pebrero 1
L. TENTATIBONG SANGGUNIAN

Bowers, H. J., & Burkett, C. W., (1987). Relationship of student and achievement and
characteristics in two selected school facility environment settings. Retrieved
from: https://eric.ed.gov/?
id=ED286278&fbclid=IwAR3lxgfIoH7k4cCH8I8mWvq8HQwtO-0-
JLookoZU3fPMutF95_cJ6ANQ1Eo

Earthman, G. I., & Lemasters, L., (1996). Review of research on the relationship
between school buildings, student achievement, and student behavior,
presented at Council of Educational Facility Planners, International Annual
Meeting, Tarpon Springs, Florida.

Knight, L. F., (2011). Maximum learning & teaching: transformation in the classroom.
Philippines: Church Strenthening Ministry. Print.

You might also like