You are on page 1of 4

Vjion Belo

Lakbay Sanaysay

Pag sinabing Laguna ang unang naiisip ng mga tao ay ang mga outlet stores sa Nuvali sa
sta.rosa, at ang buko pie at cassava cake, o ang mga hot spring resorts sa calamba at los baños.
At ang Enchanted Kingdom ng Pansol.

kung lalakbayin mo pa ang mga simpleng bayan dito at ang makukulay nilang kwento ay
makikita mo ang kahalagahan ng laguna sa ating kasaysayan, ang mga natural wonders at ang
mga pagkain dito na mas lumago pa sa mga taong nakalipas. Ayain niyo na ang inyong mga
kaibigan at pumunta sa isang makasaysayang paglalakbay sa makasaysayang Pila, Laguna.

Diniklara bilang isang National Historical Landmark, ay ibabalik kayo ng Pila sa nakaraan
gamit ang Town plaza at ang mga lumang bahay na itinayo sa panahon ng mga espanyol sa
pilipinas. Ang Pila ay idiniklara ng espanya bilang La Noble Villa de Pila dahil sa kabutihan ng
mga tao dito, sa katunaya ay dito rin matatagpuan ang pangalawang printing press sa pilipinas na
itinayo ng mga franciscans noon at dito rin matatagpuan ang pinaka matandang diksyonaryo na
tinatawag na “Vocabulary de Lengua Tagala”. Isa sa mga pwede niyong puntahan ay ang San
Antonio De Padua Parish Church na ginawang national shrine noong ika-23 ng abril 2019 .

National Shrine of San Antonio de Padua Church


Ang municipal hall ng pila.

at ang mga makasysayang bahay tulad ng Corazon-Rivera House.

Jose Agara/Rosario Villarica House.


at ang Teodoro Rivera Alava/Soledad Agara House. meyroong higit 30 na mga makasaysayang
mga gusali sa Pila.

Upang makarating sa Pila Heritage site gamit ang pampublikong sasakyan ay sumakay ng bus
simula cubao o buendia patungo sa sta.Cruz, Laguna. at kung galing ka ng Alabang ay sumakay
sa bus papuntang calamba at mag jeep papuntang sta.Cruz, laguna. Sabihin lamang sa kundoktor
ng bus na ibaba kayo sa Pila town proper(loob ng pila) dahil minsan ay sa highway ang daan ng
bus.

Ang Pila ay isang magandang lugar para bisitahin dahil sa magagandang tanawin at mga lugar
dito at huwag kalimutan ang mababait na tao. sa susunod na gusto niyong bisitahin ang pila ay
huwag niyo kalimutan ang mga magagandang lugar na iponakita ko sainyo.

You might also like