Professional Documents
Culture Documents
Kanal Panukala
Kanal Panukala
Pamagat ng Proyekto
Paglalagay ng mga kanal sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangaldan
V. Petsa
Ang proyektong ito ay ipapa-apruba sa ika-14 ng Pebrero sa kasalukuyang taon.
Magtatagal ang proyektong ito hanggang sa susunod pang mga henerasyon.
VI. Rasyunal
Ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangaldan ang napili ng mga estudyante sa
ika-labindalawang baitang ng Accountancy, Bussiness and Management. Ang nasabing
eskwelahan ay laging binabaha kahit na sa kaunting patak ng ulan lamang. Napili ng mga
estudyanteng bumubuo ng proyektong ito ang pagpapalagay ng mga kanal sa nasabing
eskwelahan dahil gusto nilang madagdagan ang kaligtasan ng mga kapwa nila
estudyante, mga guro at ang mga namamahala sa eskwelahan.
Mababawasan ng proyektong ito ang mga sakit na idudulot ng baha tulad ng
leptospirosis na nagmumula sa ihi ng mga daga, pagkakaroon ng malaria at dengue na
nagmumula sa mga itlog ng lamok sa mga lugar na matubig na hindi dumadaloy at ang
pagkakaroon ng impeksiyon sa sugat. Ang magiging resulta ng proyektong ito ay ang
pagkakaroon ng kaligtasan sa kalusugan ng mga estudyante, mga guro at ang mga
namamahala sa eskwelahan. Maiiwasan din nito ang pagliban sa klase ng mga estudyante
at guro.
VIII. Badyet
Sa Proyektong ito, inaasahan ang badyet na igugugol sa paggawa ng kanal sa
Pambansang Mataas na Paaralan ng Mangaldan.
IX. M
GA
BE
NEP
ISY
ON
G
DU
LO
T
NG PROYEKTO
Ang pagpapalagay ng karagdagang kanal sa Pambansang Mataas na Paaralan ng
Mangaldan ay magiging malaking tulong at kapaki- pakinabang para sa mga mag-aaral,
guro at sa mga namumuno sa paaralan. Tinitiyak ng proyektong ito na matugunan ang
mga pangangailangan ng mga mag-aaral at iba pang namamalagi sa paaralan. Kaligtasan
at kapakanan nila ang benipisyong maidudulot ng proyektong ito para sa kanila.
Mababawasan din ang pagbaha sa tuwing umuulan at hindi na gaanong magkakaroon ng
putik sa daan.
Ika-1 ng Pebrero sa taong Pagpaplano sa paggawa ng kanal Municipal Engineering Office
2020
Municipal Planning and Development
Office
Ika- 10 ng Pebrero sa taong Paghahanda sa mga materyales Municipal Planning and Development
2020 na dapat bilhin. Office
Ika- 17 ng Pebrero taong 2020 Pag umpisa sa paggawa ng Municipal Engineering Office
kanal.
Department of Public Works and
Highways