You are on page 1of 7

Alizza Clare Marie M.

Tangliben STEM 12- Prowess

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat: Tawag ng Tanghalan sa Sta. Elena High School


II. Proponent: Alizza Clare Marie M. Tangliben
III. Kategorya ng Proyekto:
Ang Gawain ay isang patimpalak sa kantahan na
pagbibidahan ng mga piling mag-aaral ng Sta. Elena High School
kung saan ipapakita ng mga mag-aaral ang kanilang mga talento
sa pagkanta.

IV. Petsa: 
Gaganapin ang gawain sa Pebrero 19, 2020 bilang
pagdiriwang na rin sa ika-20 taon ng paaralan.  

V. Rasyonal:
Gaganapin ang patimpalak upang mabigayan ng
pagkakataon ang mga mga manonood, kabilang na ang mga
guro, magulang, at iba pang taong may kinalaman sa paaralan,
na makapagpahinga, maaliw, at magsaya. Sa pagsasagawa rin
nito ay mabibigyang pagkakataon ang mga kasali na
maipamalas ang kanilang talento. Bukod pa rito, ito ang
magiging pangunahing kaganapan sa selebrasyon ng ika-20 taon
ng paaralan. Kinakailangang gamitin ang stage ng Sta. Elena
High School pati na rin ang quadrangle para sa mga manunuod o
audience. Kakailanganin din ng mga gamit tulad ng sound
system, lightings, at mga upuan. Makatutulong ito sa mga mag-
aaral at mga guro na makapagpahinga sa akademikong usapin
at mag-aliw sa pagpapakita ng talento at pagnuod sa mga talent
ng mga mag-aaral.

VI. Deskripsyon ng Proyekto: 


Ang proyektong ito ay isang patimpalak ng mga piling
mag-aaral ng Sta. Elena High School kung saan sila ay
magpapakitang gilas ng kanilang mga talento. Ito ay gaganapin
sa Sta. Elena High School Quadrangle sa Pebrero 19, 2020 araw
ng Miyerkules mula 3:00 pm – 8:00 pm. Ang mga estudyante ay
aanyayahing bumili ng tiket upang makadalo sa gawain at
magsisilbing madla ng mga kapwa mag-aaral. Ang mga
magulang ng mga kasali ay libre ang tiket pati na rin ang mga
guro.

VII. Badyet: 
AYTEM HALAGA
Lightings PHP 5000
Sound system PHP 5000
Tarpaulin PHP 700
Tropeo at ibang premyo PHP 1000
KABUUAN PHP 11,500

VIII. Benepisyong Dulot ng Proyekto:


Unang makikinabang nito ay ang mga sasali sapagkat mailalabas
na nila ang talentong nais ipakita sa madla, maaari pa silang manalo ng
papremyo. Isa rin sa mga makikinabang sa proyektong ito ay ang mga
mag-aaral ng Sta. Elena High School. Ang patimpalak na ito ay
magsisilbing pahinga nila mula sa mga aktibidad nila sa paaralan. Bukod
Alizza Clare Marie M. Tangliben STEM 12- Prowess

pa rito ay makikinabang rin paaralan ng Sta. Elena High School dahil


magkakaroon ng entrance fee o bayad sa tiket ang mga nais dumalo na
mga estudyante. Ang malilikom na pera ay maaaring gamiting pondo ng
school para sa mga susunod pang mga proyekto.
Alizza Clare Marie M. Tangliben STEM 12- Prowess

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat: Pagsasaayos ng Science Lab ng Sta. Elena High School


II. Proponent ng Proyekto: Jeffrey Maximoff
III. Kaligiran ng Proyekto:
Ang science lab ay isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng isang
paaralan. Marami na ang mga makabagong kagamitan na ginagamit ng
ibang mga paarlaan upang maturuan ng maayos ang kanilang mga mag-
aaral, patungkol sa agham. Ang pagkakaroon ng maganda at bagong
science lab sa paaralan ay magandang paraan upang mahikayat at
maengganyo ang mga estudyante na matuto at mag-aral. Ang mga mag-
aaral sa Senior High School ay mayroong mga asignatura na
kinakailangan ang ang laboratory kaya naman sila ay higit na
makikinabang dito.
IV. Deskripsiyon ng Proyekto:
Pagsasaayos at pagdadagdag ng mga laboratory equipment sa
Science Lab ng Sta. Elena High School.
V. Layunin ng Proyekto:
Magkaroon ng maayos na laboratoryo na may mga makabagong
kagamitan na na maaring magamit ng mga mag-aaral ng Sta. Elena High
School na makatutulong sa kanilang pag-aaral ng Agham.
VI. Badyet:

AYTEM HALAGA
Konstruksyon PHP 150,000
Lab Equipment PHP 200,000
Aircon PHP 40,000
Lamesa PHP 20,000
Safety Equipment PHP 5,000
Kabuuan PHP 415,000

VII. Kapakinabangang Dulot


Ang pagkakaroon ng maayos na laboratoryo ng paaralan ay
magiging malaking tulong sa mga mag-aaral ng SEHS. Dahil dito ay may
pagkakataon sila na paglinangin ang kanilang mga kaalaman at
kakayanan patungkol sa agham. Dahil din dito ay mas mauunawaan nila
ang agham sapagkat maaari nilang makita at maisagawa ang mga
eksperimento gamit ang kanilang sariling mga mata at kamay. Bukod pa
rito ay makasasabay ang paaralan ng Sta. Elena High School sa ibang
mga paaralan pagdating sa pasilidad at sa kakayanan ng mga estudyante.
Alizza Clare Marie M. Tangliben STEM 12- Prowess

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat ng Proyekto: Sex Education Seminar Para Sa Mga Mag-Aaral


Ng Sta. Elena High School
II. Proponent ng Proyekto: Bb. Hannah Montana
III. Kategorya ng proyekto: 
Ang gawain ay isang seminar para sa mga estudyante bilang
pagbibigay impormasyon at gabay sa iba't ibang paksa na may
kaugnayan sa pakikpagtalik at sekswalidad
IV. Deskripsyon ng Proyekto:
Ang sex education seminar ay tatalakay sa mga “values,”
paniniwala, reproductive health, at iba pang mga paksa na may
kaugnayan sa pakikipagtalik. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral
ang mga bagay-bagay tungkol dito dahil madalas ay hindi agad ito
naituturo ng maayos na nagreresulta sa maagang pagkakabuntis,
pagkakaroon ng sakit, at iba pa. Ipapaliwanag dito ang mga
mahahalagang impormasyon upang hindi malito o maguluhan ang mga
mag-aaral sa mga sensitibong at esensyal na impormasyon.

V. Petsa: Ang seminar ay magtatagal ng 4 oras mula 8:00 ng umaga


hanggang 12:00 ng hapon ng Disyembre 10, 2019

VI. Rationale:
Sa panahon ngayon ay padami nang padami ang mga suliraning
may kaugnayan sa pakikipagtalik at sekswalidad ng mga kabataan, pati
na rin sa mga nakatatanda. Talamak ang teenage pregnancy at mga
nagkakaroon ng HIV/AIDS at pabata na rin nang pabata ang mga
naaapektuhan nito. Isang kadahilanan dito ay ang kawalan ng kaalaman
ng mga tao dahil hindi masyadong napaguusapan pang-araw-araw.
Madami ang nahihiya kapag ito na ang pinaguusapan. Kaya naman ang
proyektong sex education seminar ay napapanahon. Ito ay naglalayong
buksan ang isipan at bigyang kaalaman ang mga mag-aaral sa isang
bagay na maaaring makaapekto sa ating lahat. 100 estudyante ang
inaasahang dadalo sa seminar.
VII. Gastusin ng Proyekto:
Sa proyektong ito tinatayang nasa PHP 1,000 ang kabuuang
halaga na ilalaan sa sumusunod na pagkakagastusan:

AYTEM HALAGA
Pagkain ng speaker PHP 200
Sertipiko ng speaker na may frame PHP 200
Sertipiko ng mga dadalo PHP 400
Props PHP 200
Kabuuan PHP 1000

VIII. Benipisyong Dulot ng Proyekto:


Ang makikinabang ay ang mag-aaral ng Sta. Elena High School.
Ang layunin nito ay ang malaman ng bawat mag-aaral ang mga bagay na
dapat malaman tungkol sa sex tulad ng anatomiya ng tao, pakikipagtalik,
reproductive health, responsibilidad, at karapatan.
Alizza Clare Marie M. Tangliben STEM 12- Prowess

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat ng Proyekto: Magtanim ay ‘di biro, halina’t magtanim ng puno.

II. Proponento ng proyekto: Daniel Shiminey

III. Kategorya ng proyekto: 


Ang gawain ay isang programa para sa pagpapabuti ng kalikasan
sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno.

IV. Deskripsyon ng Proyekto:


Ang pagtatanim ng puno ay isa sa mga paraan ng tao upang
subukang sagipin ang kalikasan. Mahalagang gawin ito ng mga tao dahil
palala na nang palala ang problema ng global warming. Ang programa na
ito ay naglalayong makapagtanim ng 10000 puno sa buong Marikina.
Layon din nitong maipabatid sa mga mamayan na may magagawa sila
upang makatulong sa problema ng polusyon at global warming. Mahahati
ang 10000 na tao upang magtanim sa lahat ng mga barangay sa
Marikina.

V. Petsa: Ang pagtitipon ng mga kalahok at pagbabahagi ng mga itatanim na


puno ay magsisimula sa kani-kaniyang mga barangay hall ng 8:00 ng
umaga. Pagdating ng 9:00 ay pupunta na sa lugar kung saan itatanim ang
mga puno. Magaganap ito sa Disyembre 10, 2019.

VI. Rationale:
Ang global warming ay maituturing na isa sa pinakamalalaking
problema na kinakaharap ng ating mundo. Kabi-kabila na ang mga
nagaganap na pagputol ng puno dahil sa urbanisasyon at iba pang
pangangailanagn ng tao. Sa dami nang pinuputol na puno ay nakakalbo
an gating mga kagubatan dahil hindi ito agad napapalitan ng bagong
tanim na puno. Mas marami na rin ang nagkakasakit ngayon, lalo na sa
siyudad, dahil sa polusyon mula sa hangin. Kaya naman ang programang
ito ay lubhang makatutulong sa komunidad at pati na rin sa kalikasan.

VII. Gastusin ng Proyekto:


Sa proyektong ito tinatayang nasa PHP 100,000 ang magagastos
sa buong Lungsod ng Marikina. Kasama na rito ang puno na itatanim,
labor at transportasyon ng mga kinakailangang gamit

VIII. Benipisyong Dulot ng Proyekto:

Sa pamamagitan ng proyektong ito ay mababawasan ang polusyon


sa siyudad ng Marikina. Na magreresulta sa pagbaba ng mga
nagkakasakit sa baga. Bukod pa rito ay maaaring makatulong ito sa
pagpapalamig sa temperatura ng siyudad.
Alizza Clare Marie M. Tangliben STEM 12- Prowess
Alizza Clare Marie M. Tangliben STEM 12- Prowess

PANUKALANG PROYEKTO

I. Pamagat: Sports Fest sa Sta. Elena High School


II. Proponent: Alizza Clare Marie M. Tangliben

III. Kategorya ng Proyekto:


Ang Gawain ay isang programa na maituturing rin na
patimpalak sa larangan ng sports. Ito’y pagbibidahan ng mga
piling mag-aaral ng Sta. Elena High School.

IV. Petsa: 
Gaganapin ang gawain sa Marso 20, 2020 bilang panapos
na pagdiriwang ng taong panuruan.

V. Rasyonal:
Ang pagsasagawa ng patimpalak ay mabibigyan ng
pagkakataon ng mga mag-aaral na ipakita ang kanilang galing sa
sports. Sa buong taong nakalipas ay puro akademikong gawain
ang inaasikaso ng mga mag-aaral ngunit sa araw na ito ay
malaya silang makakikilos at makapaglalaro. Bukod pa rito,
mabibigyang sigla rin ng mga manlalaro ang mga manonood ng
kanilang mga laban. Gaganapin ito sa quadrangle ng Sta. Elena
High School.

VI. Deskripsyon ng Proyekto: 


Ang proyektong ito ay isang patimpalak ng mga piling
mag-aaral ng Sta. Elena High School kung saan sila ay
magpapakitang gilas ng kanilang mga talent sa sports. Ito ay
gaganapin sa Sta. Elena High School Quadrangle sa Marso 20,
2020 mula 8:00 am – 5:00 pm. Ang mga estudyante ang
magsisilbing madla ng mga manlalaro kapwa mag-aaral.

VII. Badyet: 
AYTEM HALAGA
Mga gamit panlaro PHP 10000
Sound system PHP 2000
Tarpaulin PHP 700
Tropeo at ibang premyo PHP 1000
KABUUAN PHP 13,700

VIII. Benepisyong Dulot ng Proyekto:


Makikinabang dito ang mga manlalaro sapagkat mailalabas nila
ang kanilang talento at makapagdadala ito ng kasiyahan sa kanila. Maaari
pa silang manalo ng papremyo. Ang patimpalak na ito ay magsisilbing
pahinga ng mga mag-aaral mula sa mga aktibidad nila sa paaralan.
Mabibigyan sila ng masiyang panapos sa taong panuruan.

You might also like