You are on page 1of 1

Naisip niyo na ba kung gaano kahalaga ang ating mga magulang sa ating

buhay? Naisip niyo na rin ba kung paano mabuhay nang walang kinagisnan at
kinalakhang mga magulang. Sila ang humuhubog at lumilingang ng ating pagkatao.
Naging gabay sa tuwing tayo’y may pagkukulang at sa mga panahong dumarating
ang mga pagsubok sa buhay.

Napakalaki na talaga ng pinagbago ng ‘noon’ sa kasalukuyan. Kung noon ay


palaging nasusunod ang utos, gusto, at payo ng ating mga magulang, sa kasulukuyan
nagagawa na natin silang suwayin. Minsan pa nga ay nasasagot pa natin sila at
nakakalimutan na natin silang igalang. Hindi natin naiisip na kung hindi dahil sa
kanila, wala ako, ikaw, at tayong lahat sa mundong ito. Nakakalimutan na rin nating
ang napakasimpleng paraan ng paggalang, ang paggamit ng simpleng po at opo. Pati
na rin ang mga katagang ‘mahal kita’ upang maipadama natin sa kanila ang ating
pagmamahal.

Sa kabila ng pagbabagong nagaganap, wag nating kalimutan na magulang pa


rin natin sila. Napalaki nila tayo ng maayos at napag-aral sa disenteng paaralan. Sa
mga panahong nagdaan, inalagaan nila tayo. Kahit kailan, hindi sila mapapagod na
magbantay para sa ating kapakanan. Ibibigay nila sa atin ang lahat-lahat ng mayroon
sila sapagkat hindi nila tayo kayang tiisin. Tandaan na sa bawat sermon at galit na
ipinapakita nila sa ati, ay katumbas ito ng pagmamahal at paglalamasakit para sa
kanilang pinakamamahal na anak, na gagabay sa ating paglalakay tungo sa matuwid
na direksyon at tagumpay.

Kaya naman ngayon, habang kapiling pa natin sila, iparamdam natin kung
gaano sila kahalaga sa ating buhay. Magpasalamat din tayo sa lahat ng kanilang
ginawang pagsisikap upang mabigyan nila tayo ng magandang buhay. Humingi rin
tayo ng tawad sa mga kasalanan nating nagawa sa kanila. Suklian natin ang kanilang
sobra-sobrang pagmamahal at paglingkuran natin sila habang sila ay kapiling pa
natin. Habang may panahon pa upang mayakap sila at sabihing “mahal na mahal kop
o kayo mama at papa at nagpapasamlamat ako na kayo po ang aking naging mga
magulang.” Pahalagahan, mahalin at bigayang respeto natin ang ating mga
magulang. Ang bawat galit at lungkot ay ibabawan natin ng pagmamnhal.

You might also like