You are on page 1of 1

Alizza Clare Marie M.

Tangliben Lathalain 9 – STE A (Einstein)

Oras na Kapaki-pakinabang

Nahihirapan ka na ba? Madami ka bang kailangang gawin? Hindi ka


ba sigurado sa kung ano ang uunahin mo? Nagkukulang ba ang oras mo
sa dami ng mga gawain? Hindi mo na ba nagagawa ng maayos ang mga
gawain? Nahihirapan ka bang humabol sa nakatakdang pasahan? O gusto
mo lang talagang maayos ang oras mo? Karamihan sa atin ang
nakakaranas ng mga ito. Narito ang mga “tips” na maaring makatulong
upang masolusyunan ang mga problema mo sa oras.

Isang pamamaraan upang mas maging kapaki-pakinabang ang


iyong oras ay ang paggamit ng “Ivy Lee Method” na ginawa ni Ive Lee,
isang productivity consultant, noong 1981. Una, magsulat ng anim (hindi
maaring lumagpas) na pinaka-importanteng bagay na kailngan mong
gawin sa loob ng isang araw. Irango ang mga ito ayon sa kanilang
importansya. Magpokus lamang sa pinaka-unang gawain at gawin ang
susunod sa oras na matapos ito. Pag hindi natapos ang lahat ng nasa
iyong listahan, ilagay ang mga natirang gawain sa listahan para sa
susunod na araw.

Maari ka rin namang mag-takda ng eksaktong oras na nakalaan


para sa isang gawain. Halimbawa, 15 minuto ka lamang pwedeng kumain,
o kaya naman pagdating ng 6:00 P.M. ay dapat magsimula ka na sa
ikalawang proyekto. Gamit nito ay maiiwasan ang pagpapaliban dahil may
hinahabol kang oras at nakikita mo na ang mga dapat mong gawin.

Marami pang maliliit na “tips” upang mas maging episyente ang


iyong paggawa at ang pag-gastos ng oras. Katulad ng pagpapahinga
bawat 5 minuto bawat 20 minutong paggawa dahil nahihirapan ang utak
kapag dirediretso. Wag mag “multi-tasking” dahil (ayon sa mga pag-aaral)
ito ay mas nakatatagal at hindi nagagawa ng maayos ang mga gawain,
hindi din ito kaya ng kapasidad ng ating utak. Tanggalin din ang mga
bagay na maaring makagulo sa iyo katulad ng tugtog, telebisyon, laruan,
atbp.

Ang mga “tips” na nabanggit ay magsisilbi lamang gabay para sa


atin sa ating mga pang araw-araw na gawain, bilang estudyante,
trabahador, o kahit sinong indibidwal na importante ang oras. Gabay
lamang ito at nasa atin pa din magmumula ang sipag at tiyaga upang
totoong magawa ng maayos at matapos ang mga bagay na kailangan
nating gawin sa ating buhay upang umusad ang paggawa.

You might also like