Professional Documents
Culture Documents
Ang oras ay kaoob na ipinagkakatiwala sa tao. Ang konsepto ng pagiging katiwala ay nagmula sa prinsipyo
na mayroong nagmamay-ari ng mga bagay at inilalagay ng may-aring ito ang isang tao upang pangasiwaan
ang kaniyang mga pag-aari. Tayo ay ginawang katiwala ng may-ari ng lahat ng bagay- isa na rito ang oras.
Bilang katiwala, tinatawag tayo na gamitin ang oras nang may pananagutan sapagkat hinti ito magbabalik
kailanman.
Kakambal sa katotohanang ito ang tungkulin na gamitin natin ang oras nang maayos sa ating paggawa para
sa kabutihan ng lahat-sa sarili, pamilya, lipunan, at bansa.
Mapamamahalaan moa ng oras dahil ito ay pirmahan (constant) na pasulong at hindi pabalik. Ang
pamamahala mo sa paggamit ng oras ay hindi pagmamanipula nito, kundi ang pagsusumikap na
mapamahalaan ito nang mabuti sa paggawa mo ng mga bagay para sa iyong sarili, sa pamilya, kapuwa, at sa
lipunang iyong kinabibilangan.
Ang unang laban para sa itaas ay susundan naman ngayon ng pagpupunyagi na angkupan ng tamang oras
ang mga kakailanganing ritwal o paghahanda ng sarili bago pa umalis ng bahay patungong eskuwela o
trabaho. Halimbawa sa mga ito ay ang: panalangin, pagligpit ng higaan, iba pang pang-umagang gawaing
bahay, pagligo, pagkain at iba pa.
Sa paggawa sa mga bagay na hinihingi sa iyo rito ay nalilinang sa iyo ang mga pagpapahalaga tulad ng;
-pagkamasigasig
-Kasipagan
-pagkamabisa
-at pagiging epektibo sa paggawa bunga ng paryoritisasyon
May Malaki kang maibabahagi para sa kabutihan sa lipunan, Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
tunay na pagbabago na walang iba kundi ang gawing, “On Time” ang “Filipino Time!”
Pamamahala sa pagpabukas-bukas
Kung itinutuon moa ng iyong atensiyon sa paggawa ng ibang bagay sa halip na ituon ito sa bagay na ayon sa
iyong prayoridad at sa prayoridad ng iyong paaralan, organisasyon, o pinagtatrabahuhan-ikaw ay
nagpapabukas-bukas.
Ayon sa sikolohiyang si charry lay, ang pagpabukas-bukas ay puwang (gap) mula sa oras na binabalak
mong gawin ang isang bagay at sa aktuwal na oras ng iyong paggawa. Ang puwang ng oras na ito ay siya na
sanang kukumpleto o tatapos sa bagay na iniiwasan o ipinagpapaliban mong gawin.
1. Pagpapaliban ng gawain – inaantala mo ang paggawa sa mga bagay na puwede mo naming gawin agad
– agad.
Mañana Habit – ito ay ang kinagawiang pagpapabukas ng isang gawain sa kultura nating Pilipino.
Maaaring tinatamad, ayaw gumawa o hindi alam kung papaano isasagawa ang isang gawain kaya
pinagpapaliban na lamang ito.
2. Pag – aaksaya ng oras – ay ang paggamit nito nang walang katuturan ng dahil sa mga “ distractions “
isang halimbawa ay ang paggamit ng mga social networking site.
3. Hindi maayos na paggawa ng iskedyul – likas sa atin ang palakaibigan. May mga pagkakataong
tanggap lang tayo ng tanggap ng mga imbitasyon. Hindi na rin minsan natitingnan kung ano ang
pinakamahalaga at dapat unahin. Sa paggawa ng wastong iskedyul, maaaring iwaksi na ang mga gawaing
hindi masyadong mahalaga.
4. Sobrang pag – aalala - may mga taong pinapangunahan ng takot at sobrang pag – iisip kaya may
nasasayang na sandali. Sa halip na mag – alala, marapat na gumawa kaagad.
Ang ORAS ay tumutukoy sa panahon, pagkakataon, saglit, araw at sa kung gaano katagal ang
iginugol sa isang paggawa.
Ang oras o panahon ay isang mahalaga at kakarampot na yaman. Ito rin ang itinuturing na mainam na
pambalanse sa lahat ng bagay. Ngunit, kahit bigyan tayo ng 24 oras bawat araw, hindi ito binibigyan ng
kaukulang pansin.
Mayroon tayong tinatawag na Filipino Time sa ating kultura. Kapag ang magkakaibigan ay may
usapan na magkikita at dumating ang isa sa lagpas ng itinakdang oras, tinatawag iyong Filiino time. Ibig
sabihin, hindi
siya marunong tumupad sa pinagkasunduang oras.
Ang taong marunong magpahalaga sa oras ay siyang may mahusay na nagagawa. Hindi siya
naaantala o nahuhuli. Nakakatapos siya ng gawain sa tamang oras.
Ang pagiging maagap na tao ay nagpapahiwatig na may pagpapahalaga siya sa oras ng ibang
tao. Hindi niya nanaisin na masayang ang sariling oras pati na ri ang oras ng kaniyang kapwa. ang ganitong
uri ng tao ay itinuturing ang panahon o oras bilang isang kayamanan.
1. Pagtukoy sa iyong layunin na magbigay ng direksyon sa nais mong matupad. Magplano para sa iyong
buhay.
Ang pagpaplano ay hindi kung kalian ka nasa sitwasyon o nasa pangkasalukuyang panahon.
3. Pagtasa sa mga gawain. – kung ito ay malawak, simulan sa pinakamaliit na gawain hanggang sa mabuo
at matapos ang gawain. Ang pagsisimula sa pinaka payak at madaling gawain ay makapagdudulot ng
kasiyahan o “ sense of achievement. “
4. Pag – aayos ng mga konkretong hakbang o plano ng pagkilos upang matapos nang maayos ang gawain. -
magtakda ng araw kung kalian tatapusin ang gawain. Iwasang malihis sa ibang gawain.Mag focus.
5. Gumawa. Itakda ang oras. Gantimpalaan ang sarili tuwing may natatapos na gawain.
6. Tasahin kung nagawa ang nararapat na gawin.maging matiyaga at kapakipakinabang. Huwag susuko.
Pagpaplano ng Oras
Upang magabayan ka sa pagpaplano ng oras, narito ang ilang maaari mong gawin.
a. Timbangin ang iyong oras para sa pag – aaral, trabahong bahay, pagtulog at pamamahinga.
d. Alamin kung gaano kahaba ang kinakailangang gugulin para sa pag – aaral ng mga asignatura.
e. Mag – aral sa tamang lugar. Humanap ng lugar sa loob ng tahanan kung saan maaaring mag –
aral.
f. Planuhin kung paano kahaba ang kinakailangang gugulin para sa pag – aaral ng asignatura