You are on page 1of 74

LARAWAN SURI :

LARAWAN SURI :
MODYUL 12:
PAMAMAHALA SA
PAG GAMIT NG ORAS

INIHANDA NG: PANGKAT IKA-APAT


Sa modyul na iton,inaasahang maipamamalas mo ang
sumusunod na kaalaman,kakayahan at pag-unawa:
12.1 Nakikilala ang kahalagahan sa pagtukoy ng sariling paraan
ng pamamahala sa paggamit ng oras.
12.2 Nasusuri ang tunay na kahalagahan ng pamamahala sa
paggamit ng oras.
2.3 Nahihinuha ang Batayang Konsepto ng
aralin.
2.4 Natataya ang sariling kakahayan sa
pamamahala ng oras batay sa pagsasagawa ng
mga gawain na nasa iskedyul ng mga gawain
Pamamahala sa Paggamit ng Oras

Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala sa tao. Ang


konsepto ng pagiging katiwala ay nagmula sa prinsipyo
na mayroong nag mamay-ari ng mga bagay at
inilalagay ng may-aring ito ang isang tao upang
pangasiwaan ang kaniyang mga pag-aari. Tayo ay
ginawang katiwala ng may-ari ng lahat bg bagay---isa
na rito ang oras.
Bilang katiwala, itinawag tayo gamitin ang oras nang
may pananagutan sapagkat hindi ito magbabalik
kailanman. Kakambal sa katotohanang ito ang
tungkulin na gamitin natin ang oras nang maayos sa
ating paggawa para sa kabutihan ng lahat sa sarili,
pamilya, lipunan, at bansa. Ang pagiging katiwala ng
oras ay tungkulin natin sa buhay at marapat na landas
ng ating buhay.
“ Bilang kabataan, simulan nang hugutin sa bawat oras mo ang

lahat na kaya mong gawin at lahat na kaloob sa iyo na maaari

mong gamitin upang makaambag sa kaunlaran ng bansa.”


Mapamamahalaan mo Ang oras dahil ito at pirmihan
(constant) na pasulong at hindi pabalik. Ang pamamahala
mo sa paggamit ng oras ay hindi pagmamanipula nito,
kundi ang pagsusumikap na mapamahalaan ito nang
mabuti sa paggawa mo ng mga bagay para sa iyong sarili,
sa pamilya, kapuwa, at sa lipunang iyong kinabibilanganm
Ngayon, may nahihinuha naba kayo kung
Ano ang kahulugan ng pamamahala sa
oras?
KAHULUGAN:

Ang pamamahala sa oras ay tumutukoy sa kakayahan mo sa


epektibo at produktibong paggamit into sa paggawa. Ito ay isang
tahasang aksiyon ng pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa
isang ispesipikong gawain. Sa pananagutan ng pamamahala sa
paggawa ng oras tataas ang produktibidad,pagkamanisa,at
kagalingan mo sa paggawa.
PAGTAKDA NG TUNGUHIN SA PAGGAWA
PAGTAKDA NG TUNGUHIN SA PAGGAWA

Upang masimulan ang epektibong pamamahala sa paggamit ng


oras,kailangan ang pagtakda ng tunguhin (goal) sa iyong paggawa.
Kung alam mo ang iyong patutunguhan, makita kung ano talaga
ang gawain kailangan gawin at tapusin, at ang angkop na
pagkasunod-sunod ng mga ito. Kung walang tumpak na tunguhing
natakda,masasayang ang iyong oras sa mga nakakalilito at mga
nagkakasalungat ng mga prayoridad mo sa paggawa.
Sa pagtakda ng tunguhin ,may isang paraan na
subok na. Ito ay ang SMART. Kung maalala mo
subok mo na rin ang paraang ito noong ikaw ay
nagtakda ng iyong mithiin saModyul 13 ng Baitang
7. Babalikan natin ang paraang ito upang magabayan
ka sa pagtakda mo naman ngayon ng iyong tunguhin
sa paggawa.
* Specific (tiyak). -Tiyak ang iyong tunguhin kung
ikaw ay nakakasisiguro na ito ang iyong nais na mangyari
sa iyong paggawa.
. * Measurable (nasusukat) - Kailangan na ang isusulat
mo na tunguhin sa iyong paggawa ay kaya mong gawin at
isakatuparan. Dapat mo ring pagnilayang mabuti kung ito
ba ay tumutugma sa iyong mga kakayahan sapagkat kung
hindi ay hindi mo rin ito maisakatuparan.
Attainable ( Naaabot ) - Ang tunguhin mo ay
makatotohanan,maaabot at mapanghamon.
Nararapat ang masusi mong pagpapasiya para
rito. Kailangan mong isaalang-alang ang mga
kakaharapin mong hamon sa proseso ng
iyong paggawa.
* Realistic – Mahalagang tignan mo ang kaangkupan
ng iyong gawain sa pagtugon sa pangangailangan ng iyong
kapuwa at timbangin mo ang mga ito upang makita mo
ang higit na makabubuti.
. * Time Bound (nasusukat sa panahon) – Kailangan na
mag bigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo
maisasakatuparan ang iyong tunguhin. Ang haba ng
panahong gugulin mo ay may kaugnayan sa pagtupad
niyo.
•Ano ang paraan na subok na sa
pag takdang ng tunguhin sa
paggawa?
Para kanino ka bumabangon?

Bumabangon ako…
Inuumpisahan ko ang aking
araw…
PAGSIMULA SA TAMANG ORAS
PAGSIMULA SA TAMANG ORAS
>Ang una mong laban sa itaas ay susundan mo
naman ngayon ng pagpupunyagi na angkupan ng
tamang oras ang mga kakailanganing ritwal o
paghahanda ng sarili bago pa umalis ng bahay.
•Minsan ba ay tinatamad ka? Siguro
nga araw-araw ngunit naiisip mo ba
na mayroon kabang nagawa sa isang
araw?
PAMAMAHALA SA PAGPAPABUKAS -BUKAS

Madalas ,nariyan ang tukso sa magpabukas-


bukas. Ang pagkaroon ng ganitong disposisyon
ay nakaaapekto sa acting kakayahan pumunta sa
paaralan o sa trabaho sa tamang oras upang
simulan ang gawain at tapusin ito sa takdang
oras.
Nilalabanan mo ba ang tuksong ito? Paano?
Kung itinutuon mo ang iyong atensiyon sa
paggawa ng ibang bagay sa halip na ituon ito sa
bagay na ayon sa iyong prayoridad at sa prayoridad
ng iyong paaralan, organisasyon, o pinagtratrabaho
ikaw ay nagpabukas-bukas.
CLARRY LAY
> Ayon kay Clarry Lay, ang
pagpabukas-bukas ay ang
puwang(gap) mula sa oras na
binabalak mong gawin sa isang bagay
at sa aktwal na oras ng iyong
paggawa.
MGA INDIKASYON NG PAGPAPABUKAS-
BUKAS
MGA INDIKASYON NG PAGPAPABUKAS-BUKAS

Gusto mo bang alamin kung gaano ka kadalas nagpabukas-bukas?


Narito ang mga indikasyon na ikaw ay maaring nagpabukas-bukas:
# Pagahanap ng dahilan na iwanan ang isang gawaing nasa mataas na
prayoridad.
. # Pagpapaliban ng isang gawain dahil hindi mo pa ito gustong gawin.
. # Paggawa ng mga bagay na hindi kasing halaga sa mga nakalista sa iyong
prayoridad at.
. # paghihintay kung kailan malapit na ang dedlayn saka ka pa lamang gagawa.
• Ano ang ginagawa mo upang
maiwasan an pagpabukas-bukas ng
mga Gawain?
MGA PARAAN UPANG MAPAGTAGUMPAYAN ANG
MAGPABUKAS-BUKAS:
MGA PARAAN UPANG MAPAGTAGUMPAYAN ANG
MAGPABUKAS-BUKAS:

• Tukuyin kung anong mangyayari kung hindi mo makumpleto ang


gawain. Isipin kung ano ang magiging epekto nito sa iyo, sa mga
kasamahan mo, at sa mga taong iyong pinaglilingkuran.
• Paalalahan ang iyong sarili na mahalaga ang mararamdanan ng
taong nakatataas sa iyo sa hindi mo paggawa sa ipinapagawa niya sa
iyo. Kung ito ay ang iyong pag-aaral, alalahanin mo ang
mararamdanan ng iyong mga magulang na nag sasakripisyo upang
mapaaral ka. O kung ito ang iyong hanapbuhay ,isipinmong
pinapasahuran ka ang dahil Dito.
• Pag pasiyahan ang paraan ng pagbibigay mo ng gantimpala sa iyong
Sarili kapag makumpleto mo na ang gawain na ayaw mong gawin.
Karapat-dapat piling pampremyo sa Sarili ang mga bagay na hatid ay
kabutihan.
• Hilingin sa kasama mo sa paggawa na ipaalaalabsa iyo kung
ginagawa mo ba ang bagay na sinabi mong gawin. Ito ay isang
positibong paggamit ng “peer pressure”.
• . Paalalahanan ang iyong sarili na hindi mo kailangan magustuhan
ang gawain upang gawin mo ito.
• Planuhin ang iyong araw ayon sa kung ano ang
pinakamahalagang mga bagay na kailangan mong tapusin sa araw
na iyon.
• Unahin ang pinakamadali o pinakamabilis na gawin upang
maramdaman mo ang tuwa na may natapos ka at makaroon ng
positivong disposisyon sa kasunod na gawain.
• . Humingi ng payo sa iba na may kasanayan lalo na kung hindi mo
pa nararanasan ang paggawa na ganitong gawain. Makatutulong ito
na maihanda mo ang iyong sarili sa mga maaari mong kakaharapin
na mga sagabal bago mo pa sila maranasan.
Mahalagang tandaan mo na hindi lahat na
pagpapaliban sa iyong gawain ay isang
pagpabukas-bukas. Kung iiwan mo mo ang isang
gawain para sa isang mas importante pag gagawin,
hindi ka nagpabukas-bukas. Ang tawag dito ay
pamamahala sa paggamit ng oras at prayoritasyon.
Bakit kailangan ang prayoritisasyon???
PRAYORITISASYON

• Ang pagbibigay ng prayoridad kung


ano ang kailangang gawin at tapusin sa takdang
oras ay napakahalaga.
Mga dapat gawin sa pag Pagraranggo ( Mula sa Dahilan ng
hapon pinakamahalaga, RANK
( ilista ang bawat Gawain 1, hanggang sa hauling Pagraranggo
ayon sa kung ano ang mahalaga RANK 4 o
maisip.) 5,ayon sa dami ng
gagawin sa maghapon)
→ ANO SATINGIN MO ANG PAGKAKA IBA SA
IMPORTANTE AT SA KAILANGAN AGAD?
PAGKAKAIBA SA IMPORTANTE AT SA KAILANGAN AGAD

> Dapat kilala mo kung ang kailangang gawin agad


nahinihingi sayo ay tunay ba na mahalaga ayon sa
kaugnayan nito sa iyong tunguhin, prayoridad, at sa papel
mo sa edukasyong iyong kinaroroonan.
> Kailangang matutuhan mo sa dalawang sitwasyong ito
ang mahiihiwalay ang tunay na emerhinsiya o importante na
sitwasyon mula sa sitwasyon na kailangang tugunan agad
subalit hindi Naman gaano ka importante.
NARITO ANG MGA TANONG NA
MAKAKATULONG SA IYO SA PAGPAPASIYA
KUNG ANO ANG NARARAPAT PILIIN KAPAG
IKAW AY NASA GITNA NG DALAWANG
SITWASYON:
1. Ito ba ay tunay na importante o kailangan lang agad ng
taong humingi ng aking tulong?
2. Ano ang maaring mangyari kung hindi ko ito tugunan agad?
3. Mayroon ba talaga akong importanteng bagay na
kailangang gawin agad kaysa Dito?
“ In work, don’t
count the hours you
put in, but what put
in the hours”
PAG KILOS NANG MAY
KAMALAYAN SA AGARANG Ang malalim na kamalayan sa
PANGANGAILANGAN
kahalagahan ng paggawa ay makatutulong
sa pag-unlad ng lipunan. Bilang kabataan
na punong-puno ng kaloob na enerhiya at
nag-uumapaw na
“ In work don’t kasiglahan,responsibilidad mo na simulan
count the hours you nang hugutin ang bawat oras mo --- lahat
na kaya mong gawin at lahat na biyaya na
put in, but what you
maaaring gamitin upang makambag sa
put in the hours” kaunlaran ng bansa.
Mahalaga na tayo ay magkaroon ng makalayan sa
agarang pangangailangan ng ating bansa. Ito ay magtutulak
sa atin na linangin ang ating kagalingan sa paggawa at
gamitin ito para sa ikauunlad natin at ng ating bansa. Ang
kagalingan ay nangangailangan ng pagkakaroon ng atensiyon
sa bawat detalye ng gawain, pagsaalang-alang sa kalidad,
paggalang sa pagiging produktibo at pagmamahal sa
pagiging epektibo.
Ang kamalayang ito sa agarang pangangailangan ng
ating bansa. Ito ay magtutulak saatin na linangin ang
ating kagalingan sa paggawa at gamitin ito para sa
ikauunlad natin at ng ating bansa. Ang kagalingan ay
nangangailangan ng pagkakaroon ng atensiyon sa
bawat detalye ng gawain, pagsasaalang- alang sa
kalidad, paggalang sa pagiging produktibo at
pagmamahal sa pagiging epektibo.
PAG-IISKEDYUL
PAG-IISKEDYUL
> Namumuhay ka sa mundong punong-puno ng
mga bagay na maaaring aagaw ng iyong atensiyon at
oras mula sa iyong ginagawa. Ang pagkakaroon ng
iskedyul ay isang mabisang paraan upang
mapangasiwaan mo ang mga bagay na mahalaga sa
iyo at sa iyong paggawa.
> Malaking bahagi sa pamamahala sa paggamit ng oras
ay mula sa epektibong pag-iiskedyul ng iyong mga gawain.
Kung alam mo na ang iyong mga tunguhin at prayoridad sa
paggawa, ay handa ka ng gumawa ng iskedyul na
magpapanatili sa iyo sa direksiyon ng iyong paggawa at
magpo-protekta sa iyo mula sa tensiyon.
> Sa pagbuo ng iskedyul, hindi mo lang isaalang-alang
ang iyong mga prayoridad na gawain. Maglaan ka rin ng
panahon para sa mga hindi inaasahang mga pangyayari
na maaring gugulo sa iyong iskedyul. Kapag nakabuo ka
na ng matibay na iskedyul na sumasalamin sa iyong mga
prayoridad at personal na tunguhin, panalo ka na!
Mapamamahalaan mo na ang paggamit ng iyong ng
iyong oras at magkaroon ng balanse ang iyong buhay.
> Sa tulong ng iyong iskedyul maiingatan mo
na walang masasayang na oras sa pamamagitan
ng paglalaan nito sa mga bagay na tunay na
mahalaga.
Halimbawa: Kung ang pakay mo sa paggamit
ng kompyuter ay upang kumuha lamang ng
impormasyon para sa iyong takdang aralin,
mapipigilan ka ng iyong iskedyul na matukso
mag Facebook dahil nakasaad sa iyong iskedyul
na mag-aral ka pa para sa iyong ibang
asignatura
Narito ang mga hakbang sa pagbuo ng iskedyul:
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG ISKEDYUL
MGA HAKBANG SA PAGBUO NG ISKEDYUL

1. Magsisimula sa pagkakaroon ng “master schedule” . Ito ang


talaan ng mga araw sa isang linggong iton at ang mga
gawain na nakatakda na sa iyong iskedyul.
2. Gumawa ng tsart at isulat dito ang lahat na nakatakda
gawain na Alam mo na.
3. Magkaroon ng hanay sa tsart para sa mga oras sa mga
gawaing nakatakda bawat araw.
4. Siguraduhing nasa iskedyul din ang iyong oras para sa
pamamahinga
5. Ang natitira na lamang ngayon ang mga oras na magamit
mo upang matulungan kang maging produktibo sa iba pang
mga maaari mong gawin sa iyong buhay. Kailangan mong
gamitin ang iyong talaan sa iyong mga prayoridad na
gawain bilang gabay sa pagtakda mo ng oras sa mga
gawaing ito upang maging kompleto na ang iyong iskedyul .
6. Patuloy na kumpletuhin ang mga araw sa mga iba’t
ibang gawain na itinakda mo sa kani-kanilang mga
oras sa iyong iskedyul.

7. Siguraduhin ding magtira ng espasyo para sa mga


hindi inaasahang darating na gawain.
Kung may iskedyul ka na sa mga
mahahalagang gawain sa iyong buhay at
magiging marapat ka rito makikita mo na
magiging epektibo at produktibo ka sa
iyong paggawa at kukunti ang tsansang
mahulog ka sa bitag ng pagpabukas-bukas.
Ang paglalaan ng oras para sa
pamamahinga,paglilibang, at
• Ang paglalaan ng
pagkakawanggawa pagkatapos ng oras para sa
iyong paggawa ay magbibigay pamamahinga,paglili
bang, at
balanse sa iyong buhay. Magbibigay-
pagkakawanggawa
daan ang mga ito na magkaroon ka ng pagkatapos ng iyong
panahon kung saan mas makatutulong paggawa ay
magbibigay balanse
ka sa pagpapaunlad ng bansa. sa iyong buhay.
Ang sumusunod ay siyang maaaring piliin na paraan
ng pamamahinga:
• Maaari kang mananatili sa bahay upang matulog,
kumain, at mag relaks.
• Maaari ka ring pumunta sa isang tahimik na lugar upang
doon matulog,kumain, mag relaks,maglakad-lakad sa
paligid, magnilay, at manalangin.
Narito ang mga paraan ng paglilibang:

• Kung ang katatapos lamang na intektuwal na paggawa,


maaarinkang maglibang sa pamamagitan ng mga manwal na
gawain na hindi minadali.

• Maaari ka ring makipag-bonding sa iyong pamilya sa


pamamagitan ng pamamasyal,pagkain sa labas,panonood ng
sine,o pag piknik.
• Maaari mong ipagluto ang iyong pamilya, maglinis
ng bahay, magdilig ng halaman,at iba pa.

• Paalalahanan ang sarili na ang pipiliing paraan ng


paglilibang at yaong makabubuti sa iyong Sarili at
sa iyong kapuwa.
Para sa mga paraan ng pagkakawanggawa:
Maaaring pumumili mula sa sumusunod:
• Pagpapakain sa mga nagugutom.
• Pagpapainom sa mga nauuhaw.
• Pagbibigay ng damnit sa mga walang saplot.
• Pagdalaw sa mga preso sa piitan.
• Pagbibigay ng matutulungan sa mga walang tirahan.
• Pagdalaw sa mga maysakit.
• Pagtuturo at pagbibigay ng gabay sa mga taong
nangangailangan nito
• Pagpapasaya sa mga taong dumaranas ng lungkot at
trahedya sa buhay.
• Pakikipagdiyalogo sa taong nakagawa sa iyo ng
kamalian.
> Ang pagsasapuso mo sa kahalagahan ng
pamamahala sa paggamit ng iyong oras ay
nakaaapekto para sa iyong sariling pag-unlad, para sa
pamilya,para sa lipunan at sa bansa, at higit sa lahat sa
iyong ugnayan sa Diyos na siyang nagkaloob ng lahat
ng ito sa iyo.
Panuto: Hahatiin kayo namin sa
tatlong pangkat at sagutan ang
inyong nabunot na mga problema at
ipaliwanag sa klase ang inyong sagot.
Pumuli kayo ng isang mag-uulat.
TAYAHIN NG IYONG PAG-UNAWA
Panuto: Sagutin ang sumusunod sa kuwaderno.
1. Ipaliwanag: “Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala ng Diyos
sa tao.”
2. Bakit mahalaga ang pagtakda ng tunguhin sa paggawa at ano
ang mabisang paraan.
3. Ano ang maitutulong ng prayoritisasyon sa iyong paggawa?
Ipaliwanag.

You might also like