You are on page 1of 9

BALIK-ARAL:

PAMAMAHALA SA
PAGGAMIT NG ORAS
Sa modyul na ito, ang mga estudyante ay inaasahang
maipamalas ang mga sumusunod;

 Nakikilala ang kahalagahan sa pagtukoy ng paraang SMART


ukol sa pamamahala sa paggamit ng oras;
 Nakabubuo ng slogan kung paano pamamahalaan ng wasto
ang oras
 Napahalagahan ng may gusto at buong puso ang wastong
paggamit ng oras.
“ORAS NA!!!.........
TIME NA!”
ANO ANG ORAS?
 Ang oras ay kaloob na ipinagkakatiwala sa tao. Ang konsepto ng pagiging katiwala ay
nagmula sa prinsipyo na mayroong nagmamay-ari ng mga bagay at inilalagay ng
may-aring ito ang isang tao upang pangasiwaan ang kaniyang mga pagmamay-ari.

 Bilang katiwala, tinatawag tayo na gamitin ang oras nang may may pananagutan
sapagat hindi ito magbabalik kailanman. Kakambal sa katotohanang ito ang
tungkulin na gamitin natin ang oras nang maayos sa ating paggawa para sa kabutihan
ng lahat , sa sarili, pamilya, kipunan at bansa.

 Ang oras ay di tulad ng salapi na maaaring ipunin sa isang alkansiya o bangko na


kapag kailangan mo ng extra na dalawang oras para sa isang araw ay makakuha ka
rito.
PAGTATAKDA NG TUNGUHIN SA
PAGGAWA
Upang masimulan ang epektibong pamamahala sa paggamit ng oras kailangan ang pagtakda
ng tunguhin (goal) sa iyong paggawa. Sa pagtakda ng tunguhin, may isang paraan na subok
na ito ay ang SMART.

SPECIFIC (TIYAK)

MEASURABLE (NASUSUKAT)

ATTAINABLE (NAAABOT)

REALISTIC (REYALISTIKO)

TIME BOUND (NASUSUKAT SA PANAHON)


PAGTATAKDA NG TUNGUHIN SA
SPECIFIC (TIYAK) PAGGAWA
Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais na angyari sa iyong paggawa.
MEASURABLE
(NASUSUKAT)
Kailangan na ang isusulat mo na tunguhin sa iyong paggawa ay kaya mong gawin at isakatuparan. Dapat
mo ring pagnilayang Mabuti kung ito ba ay tumutugma sa iyong ga kakayahan sapagkat kung hindi ay
hindi mo rin ito maisakatuparan.

ATTAINABLE (NAAABOT)

Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maabot at mapanghamon. Nararapat ang masusi mong pagpapasiya
para rito. Kailangan mong isaalang-alang ang mga kakaharapin mong hamon sa proseso ng iyong paggawa.
PAGTATAKDA NG TUNGUHIN SA
REALISTIC PAGGAWA
(REYALISTIKO)
Mahalagang tingnan mo ang kaangkupan ng iyong Gawain sa pagtugon sa pangangailangan ng iyong
kapuwa at timbangin mo ang mga ito upang Makita mo ang higit na makabubuti.

TIME BOUND (NASUSUKAT SA PANAHON)

Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kalian mo maisasakatuparan ang iyong
tunguhin. Ang haba ng panahong gugulin mo ay may kaugnayan sa pagtupad nito.
PANGANGASIWA O PAMAMAHALA NG
ORAS
1. Pagsismula sa Tamang Oras
Ang hamon sa pamamahala sa paggamit ng oras ay nag-uumpisa sa bawat pagsimua
ng araw mo. Hinihikayat ka na simulan mo ang bawat araw bilang isang bayani.
Alam mo ba na may Malaki kang maibabahagi para sa kabutihan ng iyong paaralan,
sa pamayanang iyong kinabibilangan at sa bansa? Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng tunay na pagbabago na walang iba kundi ang gawing “ON TIME” ang “FILIPINO
TIME!”

2. Pamamahala sa Pagpapabukas-bukas (Mañana Habit)


Ito ay ang puwang (gap) mula sa oras na binabalak mong gawin ang isang bagay at sa
aktuwal na oras ng iyong pagawa. Ang puwang ng oras na ito ay siya na sanang
kukumpleto o tatapos sa bagay na iniiwasan o ipinagpaliban mong gawin.

You might also like