You are on page 1of 49

SAN JOSE NATIONAL HIGH SCHOOL

Edukasyon I
sa LOVE

Pagpapakatao E
S
IX
Aralin 2
Kahalagahan ng
Pamamahala sa
Paggamit ng
Oras
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
❑Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o
kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto
kaakibat ang wastong paggamit ng oras para dito.
(EsP9KP-lllg-10.1)
❑Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng
kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o
produkto kasama na ang pamamahala sa oras na
ginugugol dito. (EsP9KP-lllg-10.2)
Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
❑Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at
paglilingkod nang may wastong pamamahala sa oras
upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng
bansa, at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong
Kaniyang ipinagkaloob.(EsP9KP-lllh-10.3)
❑Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto nang
mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa at wastong
pamamahala sa oras.(EsP9KP-lllh-10.4)
Ang oras
ay______

Kumpletuhin ang pahayag.


Gawain sa Pagkatuto #1: “Iba ang Magaling!”
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang bawat bilang ng mga
katangian o mga dapat naisasaalangalang bilang palatandaan na
may kalidad at kagalingan ang isang produkto o paggawa. Isulat
lamang ang sagot sa iyong kwaderno. (1-15)
Mga Palatandaan
___1. Ginagawa ang mga bagay na dapat gawin
___2. Inuunawa ang layunin ng mga gawain at mga
panuto o alituntunin ukol dito para sa malinaw na
direksyon ng gawain at maiwasan ang pagkakamali
___ 3. Agad na sinisimulan ang isang gawain nang hindi
na kinakailangang pang pagplanuhan pa
___4. Nagnanais na ang produkto o anumang
gagawin ay makatutulong sa kapuwa hindi
lamang sa sarili, at sa ikalulugod ng Diyos
___5. Tinitiyak lamang na anumang bunga ng
kanyang paggawa ay magdadala sa kanya ng
kasikatan, kayamanan at kapangyarihan
___6. Pinagplaplanuhan ang anumang gawain
bago ito simulan upang maiwasan na masayahang
ang panahon at kagamitang iuukol dito
___7. Itinataas sa Diyos ang paghingi ng
karunungan at lakas upang maging
matagumpay ang anumang.
___8. Umiisip ng bagong ideya, konsepto o
pamamaran upang higit na mapabuti ang gawain.
___9. Tinatapos lagi nang may kalidad ang
anumang gawain sa loob ng itinakdang panahon.
___10. Gumagawa ng pagsasanay kung
kinakailangan upang mabuti at mapabilis ang
pagbuo ng isang produkto/paggawa ng gawain.
___11. Binabago kung kinakailangan ang gawain kahit pa
tapos na ito upang masunod o mahigitan pa ang
pamantayan sa paggawa ukol dito
___12. Nagpapasalamat sa Diyos sa matagumpay na
natapos na mga gawain
___13. Nag-uusisa at nagsasaliksik sa mga bagay na bago
o hindi alam maisagawa lang ang bagay nang mahusay
___14. Naniniwala lamang sa sariling kakayahan, at hindi
nakikinig sa pananaw, komento o suhestiyon ng iba
___15. Hindi sumusuko sa hamon ng anumang gawain
anumang hirap nito
0-6 Kailangang-kailangan ang mga kasanayan sa
paggawa ng Gawain o produkto ng may kalidad.
7-9 May mga kasanayan sa paggawa ng Gawain o
produkto ng may kalidad.
10-12 Mapauunlad pa ang mga kasanayang taglay sa
paggawa ng Gawain o produkto ng may kalidad.
13-15 Malaki na ang mga antas ng mga kasanayan sa
paggawa ng Gawain o produkto ng may kalidad.
Pamamahala sa Paggamit ng Oras

Bilang katiwala, tinatawag tayo na


gamitin ang oras nang may
pananagutan sapagkat hindi ito
maibabalik kailanman.
ORAS
•Ito ay tumutukoy
sa panahon,
pagkakataon,
saglit, araw at sa
gaano katagal ang
iginugugol sa isang
paggawa.
Tuklasin ang mga Dapat Unahing Gawin at
Paggugulan ng Oras Bilang isang Kabataan

Hango sa aklat ni Stephen Covey


“The Seven Habits of Highly Effective People”
Kailangan Kaagad-agad
Quadrant A Quadrant B
Mga prayoridad na kailangan kaagad- Mga prayoridad na mahalaga ngunit hindi
agad at mahalaga kailangan kaagad-agad
Quadrant C Quadrant D
Mga prayoridad na kailangan kaagad- Mga prayoridad na hindi kailangan
agad ngunit hindi mahalaga kaagad-agad at hindi rin mahalaga
Gawain sa Pagkatuto #2
Panuto: Sa loob ng 10 minuto, magbigay ng mga
ginagawa mo bilang isang kabataan at ilagay kung
saang quadrant ito kabilang.
Kailangan Kaagad-agad
Quadrant A Quadrant B
Mga prayoridad na kailangan kaagad- Mga prayoridad na mahalaga ngunit hindi
agad at mahalaga kailangan kaagad-agad
Quadrant C Quadrant D
Mga prayoridad na kailangan kaagad- Mga prayoridad na hindi kailangan
agad ngunit hindi mahalaga kaagad-agad at hindi rin mahalaga
Kung
napapamahalaan
ko ng maayos ang
aking oras ako
ay_______________.

_______________.
Ang pamamahala sa
oras ay tumutukoy sa
kakayahan mo at
produktibong paggamit
nito sa paggawa.
Gawing “ON-
TIME” ang
“Filipino-
Time”
Ang kakulangan naman sa epektibo
at produktibong pamamahala sa
paggamit ng oras sa paggawa ay
maaring magdulot sa iyo ng
____________________________.
kabiguang umabot sa dedlayn, hindi
mabuting daloy ng paggawa, mababang
kalidad ng trabaho, hindi magandang
reputasyon sa paggawa,o di kaya ay
mataas na lebel ng tensyon.
Pamamaraan sa Paglikha ng mga Kondisyon sa
Mabisang Paggamit ng Panahon

rganisado
1. Maging o_______________.
angalagaan
2. P_______________________ ang iyong oras kung
nasimulan na ang mga hakbang para sa paggawa.
ampanan ang mga dapat gawin nang
3. G_________________
nakatuon ang damdamin sa mabuting bunga na
iyong nais mangyari.
atalo ng mga maling
4. Huwag hayaang m_______
ugaling nakaugalian na.
Bakit Mahalaga ang Wastong Pamamahala
ng Oras at Panahon?

1. Ang oras at panahon ay espesyal na biyaya


mula sa Diyos na hindi maaring iimbak para
gamitin sa nais na panahon.

2. Ang wastong pamamahala ng panahon ay


nakatutulong na gawin ang mga kailangang
gawin o proseso sa itinakdang panahon upang
mangyari ang mga mithiin.
3. Sa wastong pamamahala sa oras at panahon,
natutuklasan ang mga prayoridad ng mga dapat
gawin kaagad-agad.
4. Nagiging mulat ang tao na may 24 na oras
lamang sa isang araw at magdamag kaya
nakabubuo ng mga piniling hakbang na
mahalagang gawin sa isang araw.
5. Nauunawaan na ang matiyagang pagganap sa
mga prayoridad sa bawat araw ayon sa
itinakdang iskedyul ay palapit ng palapit sa
hangaring matupad ang iyong gawain.
6. Nakatutulong ang wastong pamamahala sa
oras upang hindi maaksaya ang panahon at
lakas upang magawa ang mga dapat tapusin sa
tamang panahon o iskedyul.

7. Marami ang mga bagay sa kapaligiran


na maaring maging dahilan upang
ipagpaliban ang iskedyul ng pagtupad sa
isang proseso o gawain.
“Pokus”
Bakit Mahalaga ang wastong Pamamahala
ng Oras at Panahon?
Dahil ito ay Espesyal na biyaya ng Diyos
Upang mangyari ang mga mithiin
Malaman ang mga Prayoridad
Makabubuo ng mga hakbang sa paggawa
Magampanan ang itinakdang iskedyul
Maiwasan ang pag-aaksaya ng oras
Upang magkaroon ng pokus sa ginagawa
Kagalingan sa Paggawa
Ayon sa Laborem Exercens, ang paggawa
ay mabuti sa tao dahil sa pamamagitan
nito naisasakatuparan niya ang kanyang
tungkulin sa sarili, kapuwa at sa Diyos.
Ang pagsasagawa ng isang gawain o paglikha ng
mga produkto ay nangangailangan ng sapat na
kasanayan at angking kahusayan.
Paano naisasabuhay ang kagalingan sa Paggawa?
1. Nagsasabuhay ng mga
pagpapahalaga.
2. Pagtataglay ng mga
positibong kakayahan.
a. Katangian sa Paggawa(LDV)

3. Nagpupuri at
nagpapasalamat sa Diyos
1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga.

9,12,1,9,14,13,11,1,8
MALIKHAIN
Madaling nakikilala at natatanggap
ang isang produkto o serbisyo kapag
bago ito at patok sa panlasa ng tao.
Sino ang
nakaimbento
ng videoke?
Roberto del Rosario
7,1,14,1,16,11,1,9,19
KASIPAGAN
Dahil dito ang nagiging
resulta ng kanyang
pagsasagawa ng gawain
ay maayos, kahanga-
hanga at kapuri-puri.
1,19,9,19,1,7,7,9,13
MASIGASIG
Paano niyo masasabing ang tao ay masigasig sa paggawa?
Ito ay pagkakaroon ng kasiyahan,
pagkagusto at siglang
nararamdaman sa paggawa ng
Gawain o produkto.
25,1,20,9,1,7
TIYAGA
Ang likha ng taong may
kagalingan sa paggawa ay
bunga ng inspirasyon, turo
at gabay na nakukuha niya
sa ibang tao.
NILAPISID
DISIPLINA AS
SA ARSILI
SARILI
Ang kagalingan ng
gawain o produkto
ng taong may disiplina
sa sarili ay para sa
ikabubuti ng lahat.
2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing
Kasanayan . 3 Yugto (Morato,2007) Macro-Skills
1.Pagbasa
A. Pagkatuto BAGO ang paggawa 2.Pagsulat
3. Pakikinig
❑Pagbuo ng mga layunin 4. Pagsasalita
❑Paglalarawan ng mga inaasahang kalalabasan 5. Panonood
❑Pagtukoy ng paraan ng paggawa
❑Paghahanda ng mga gagamitin
❑Pagtukoy ng mga tutulong sa paggawa ng gawain
❑Pagtatakda ng kakailanganing panahon.
B. Pagkatuto HABANG Ginagawa

Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang


istratehiyang maaring gamitin upang mapadali
ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong
hakbang upang maisagawa ang proyektong
napili at mga posibleng kakaharaping problema
at solusyon sa mga ito.
C. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain
Ito ang yugto ng pagtataya sa naging resulta o
kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito,
malalaman mo ang mga kilos at pasiya na dapat
panatilihin at baguhin.
Ang kagalingan sa paggawa ay nasusukat
ayon sa maayos na pagsasakatuparan ng mga
hakbang na dapat isaalang-alang sa paggawa.
2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing
Kasanayan . 3 Yugto (Morato,2007)

A. Pagkatuto BAGO ang paggawa

B. Pagkatuto HABANG ginagawa

C. Pagkatuto PAGKATAPOS ng paggawa


Ang mga sumusunod na Katangian ay Makatutulong din Upang Magkaroon
ng Matalinong Pag-iisip na Kailangan Upang maisabuhay ang Kagalingan sa
Paggawa.

Ang mga ito ay ipinamalas ni Leonardo sa Vinci, ang itinuturing na


pinakadakilang henyo sa lahat ng panahon (Gelb, 1998)

1. Pagiging P_________
alatanong (Curiosita)
2. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan,
Pagpupunyagi (Persistence) at ang Pagiging bukas
na M______
atuto sa mga Pagkakamali (Dimostrazione)
3.Patuloy na Pagkatuto gamit ang Panlabas
na Pandama bilang paraan upang mabigyang-
buhay ang karanasan (Sansazione)
4. Pagiging bukas sa Pagdududa,
Kawalang Katiyakan (Sfumato)
5. Ang Paglalapat ng B_______
alanse sa Sining,
Siyensya, Lohika at Imahinasyon (Arte/Scienza)
6. Ang pananatili ng Kalusugan at
Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)
7. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay
ng Lahat ng Bagay (Connesione)
Ayon sa Law of E________,
cology
“Everything is connected to everything else”
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa Diyos
Ang pinakamahalaga sa lahat ng
pagpapahalaga upang masabi na ang
paggawa ay kakaiba, may kalidad at
kagalingan ay kung ito ay naayon sa
kalooban ng Diyos at iniaalay bilang
paraan ng papuri at pasasalamat sa
Kaniya.
Gawain sa Pagkatuto #3: You Complete Me
Panuto: Kumpletuhin ang bawat patlang ng angkop na letra upang makabuo ng
tamang salita. Gawin ito sa iyong kwaderno.
1.__ A__ __K__ __I__ Madaling makikilala at matatanggap ang isang
produkto o serbisyo kapag bago ito at patok sa panlasa ng tao.Ang
produkto o gawaing lilikhain ay bunga ng mayamang pagiisip at hindi
panggagaya o pangongopya ng gawa ng iba.
2. K__S__ __ __ G__ __ N Ang produkto o gawang likha ay bunga ng
kahusayan at buong pagmamahal sa ginagawa.Dahil dito ang nagiging
resulta ng kanyang pagsasagawa ng Gawain ay maayos, kahanga-hanga at
kapuri puri.
3. M__ __I__AS__G Ito ay pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at
siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto.
4. T__ Y__ __A Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay
bunga ng inspirasyon, turo at gabay na nakukuha niya sa ibang tao.
5. D__S__ __L__ __A S__ __A__I__I Ang kagalingan ng
gawain o produkto ng taong ito ay para sa ikabubuti ng lahat. Alam ang
hangganan ng kanyang ginagawa at mayroong paggalang sa ibang tao.
Gawain sa Pagkatuto # 4
• Sa isang bond paper, gumawa ng iskedyul ng mga gawain sa inyong tahanan o
paaralan sa isang Linggo. Ilagay ang petsa, araw, oras, gawain at kung ito ba
ay naisagawa sa loob ng isang linggo. Pagkatapos, lakipan ito ng pagsusuri sa
iyong sariling kakayahan sa pamamahala sa oras. Maging malikhain sa paggawa.

Petsa Araw Oras Gawain


1
2
3
4
5
6
7
Puntos Natamong
Mga Pamantayan Puntos

Kasanayan at kaalaman sa pamamahala ng 5


paggamit ng oras.
Nilalaman Iskedyul ng gawain 5
Kaangkupan sa Personal na Sitwasyon 5

KABUUAN 15
• Maaring gumawa ng sariling format ng “One
Week Schedule”. Siguraduhin lamang na
mailagay ang petsa, araw, oras, gawain.
Ipamalas ang kagalingan sa
paggawa!
Gawain sa Pagkatuto # 4
Harap Likod
“One Week Schedule” Totoong nangyayari sa Iskedyul

• Mga pagninilay na tanong pagkatapos ng gawain:


1. Nasunod mo ba ang iyong ginawang iskedyul? Bakit?
2. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iskedyul o
time management? Ano ang mabuting naidudulot nito
sa iyo?
PERFORMANCE TASK 2
Panuto: Mula sa mga nakikitang kagamitan sa inyong tahanan,
gumawa ng isang bagay na maaaring pakinabangan. Maaaring
gumawa ng mga palamuti o decor o isang produkto/proyekto na
maaari mong pagkakitaan/makatulong sa iba.Pagplanuhang mabuti
ang gagawin. Magtalaga ng oras kung kailan sisimulan at kailan
tatapusin ang gawain. Ipamalas ang kagalingan sa paggawa.
Mga Pamantayan Puntos Natamong
Puntos
Konsepto 10
Orihinalidad at Pagkamapanlikha 5
Presentasyon/Oras ng Pagpapasa 5
Hakbang at Wastong pamamahala sa panahon 5

KABUUAN 25
Natutunan ko
Isasapuso ko
Gagawin ko

You might also like