You are on page 1of 13

PAMAMAHALA

SA PAGGAMIT
NG ORAS
“Oras na!... Time na!
Paano mo itinuturing
ang oras? Paano mo ito
ginagamit?
Gamitin ang oras nang may pananagutan
sapagkat hindi ito magbabalik kailanman
Kakambal sa katotohanang ito ang
tungkulin na gamitin natin ang oras nang
maayos sa ating paggawa para sa
kabutihan ng lahat- sa sarili, pamilya,
lipunan, at bansa
Mahalaga na mayroong sapat na oras
para sa:
• Sariling pag-unlad
• Oras para sa pamilya
• Oras para sa paglilingkod sa kapuwa at sa
lipunan
• Oras para sa pamamahinga at paglilibang
• Oras para sa iyong ugnayan sa Diyos
Ang pamamahala sa oras
 Ay tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at
produktibong paggamit nito sa paggawa
 Ito ay isang tahasang aksiyon ng pagkontrol sa
dami ng oras na gugugulin sa isang ispesipikong
gawain
 Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit
ng oras tataas ang produktibidad, pagkamabisa,
at kagalingan mo sa paggawa
Ang kakulangan sa epektibo at
produktibong pamamahala sa paggamit
ng oras ay maaring magdulot ng:
 Kabiguang umabot sa dedlayn
 Hindi mabuting daloy ng paggawa
 Mababang kalidad ng trabaho
 Hindi magandang reputasyon sa paggawa
 Pagtigil sa karera
 Mataas na libel ng tensiyon
• Sa pagtakda ng tunguhin,
may isang paraan na subok
na. Ito ay ang SMART.
TIYAK (SPECIFIC)

• Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw


ay nakasisiguro na ito ang iyong nais
na mangyari sa iyong paggawa.
NASUSUKAT (MEASURABLE)
• Kailangan na ang isusulat mo na
tunguhin sa iyong paggawa ay kaya
mong gawin at isakatuparan. Dapat mo
ring pagnilayang Mabuti kung ito ba ay
tumutugma sa iyong kakayahan
sapagkat kung hindi ay hindi mo rin ito
maisasakatuparan
NAAABOT (ATTAINABLE)
• Ang tunguhin mo ay makatotohanan,
maaabot, at mapanghamon.
Nararapat ang masusi mong
pagpapasiya para rito. Kailangan
mong isaalang- alang ang mga
kakaharapin mong hamon sa proseso
ng iyong paggawa
REYALISTIKO (REALISTIC)
• Mahalagang tingnan mo ang
kaangkupan ng iyong gawain sa
pagtugon sa pangangailangan ng
iyong kapuwa at timbangin mo ang
mga ito upang makita mo ang higit
na makabubuti.
NASUSUKAT SA PANAHON (TIME
BOUND)
• Kailangan na magbigay ka ng
takdang panahon o oras kung kailan
mo maisasakatuparan ang iyong
tunguhin. Ang haba ng panahong
gugulin mo ay may kaugnayan sa
pagtupad nito.
Malaking bahagi na iyong maibabahagi
sa paaralan, pamayanan, at bansa:
• Ito ay sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng tunay na
pagbabago na walang iba kundi
ang gawing, “ON TIME” ang
“FILIPINO TIME”

You might also like