You are on page 1of 2

Marami sa atin ang hindi gaanong iniisip ang sarili nating pangangalaga at pinapabayaan ang

sarili kung kaya’t tayo’y nanghihina at nagkakasakit o di kaya’y nagkakaroon ng hindi kaaya-

ayang amoy at di mukhang presentable sa mata ng mga tao. Dahil ang lahat ng ating ginagawa ay

nakakaapekto sa ating pisikal, mental/emosyonal, at pakikipagsalamuha sa ibang tao kung kaya’t

ang pag-aalaga sa ating katawan ay lubhang kapaki-pakinabang, pati na rin sa ating pag-iisip.

Ang pangangalaga sa sarili ay may iba't ibang anyo, hindi ito nangangailangan ng detalyadong

plano. Ang pag-aalaga sa sarili ay maaaring kasing simple ng paghinga ng malalim kapag

napansin mong nagiging stress ka na o paglalaan ng “break time” sa sarili upang magpahinga o

di kaya’y gumawa ng mga bagay na nakakapagpasaya sa atin. Sa pamamagitan ng pagpapanatili

ng iyong pisikal at mental na kalusugan, malamang na mas magiging handa ka upang

mahawakan at labanan ang mga laban at pagsubok sa buhay.

Mga bata pa lamang tayo ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang na pangalagaan ang ating

mga sarili upang lumaking maayos at magmukhang presentable sa mata ng ibang tao. Nagsimula

sa pagturo sa atin ng tamang pagsisipilyo, pag aayos ng buhok at pagpapanatiling malinis ang

katawan pagkatapos ng klase hanggang sa ating paglaki ang mga tinuro ng ating mga magulang

ay nadala natin at natuto din tayong mag ayos at pangalagaan ang ating sarili. Sa pamamaraan na

kumakain ng masusustansyang pagkain sa tamang oras upang maging malakas ang

pangangatawan at natutulog ng maaga, hindi umaga upang hindi manghina at magkaron ng sapat

na tulog. Magpahinga kapag nadedrained o pagod na. Mag ehersisyo upang lumakas ang

resistensya o magyoga upang maging kalmado at palakasin ang konsentrasyon, focus, at

memorya. Maligo araw araw upang hindi magkaron ng di kaaya ayang amoy. Magsipilyo tatlong

beses sa isang araw para maganda ang ngiti at kapag nakaipag usap sa ibang tao ay mabango ang
ating bibig. Gawin ang mga bagay na nagpapasaya kapag walang ginagawa. Uminom ng 8 tubig

na baso ng tubig o higit pa sa isang araw. Ayusin ang mga gamit na nakakalat upang

makapagkosentrasyon sa mga gawain. Ilibre ang sarili sa kainan o bumili ng bagong damit sa

mall sa tuwing nagkakaroon ng maliit man o malaking tagumpay sa buhay.

May mga panahon naman tayo na napapabayaan ang pag-aalaga sa ating sarili dahil kapag tayo

ay abala at nalulula, kahit isang maliit na pagpapaliban ay parang isang luho. Kaya talagang

nakakalimutan o di na naglalaan ng oras para kumain ng tanghalian, mag-ehersisyo, at mag-hang

out kasama ang mga kaibigan. Kung kaya’t nakakaramdam tayo ng pagkawalang gana at

pagkamatamlay. Kung kaya’t mahalaga ang pangangalaga sa sarili dahil naiiwasan ang tinatawag

na “overload burnout” kung saan sa sobrang pagsagad natin sa ating katawan na magtrabaho at

mag isip tayo ay parang nagiging lantang gulay na. BInabawasan ang negatibong epekto ng

stress at natutulungan tayong maging pokus ulit sa gawain. Ang pangangalaga sa sarili ay hindi

isang gantimpala. Ito ay bahagi ng proseso. Minsan nakasanayan na nating "gantimpalaan ang

ating sarili" ng tanghalian o kahit na isang paglalakbay sa banyo, gayunpaman, na nakakalimutan

natin kung ano mismo ang ibig sabihin ng pag-aalaga sa ating sarili.

You might also like