You are on page 1of 12

GROUP 2 REPORT

MGA MIYEMBRO:
 MELVIN M. JAROMAY
 JOSHUA RUBIANES
 ROSE ANN PERUCHO
 ANGELA BAROGA

GURO:
 MRS. ROSALINDA YANEZA
PROSIDYURAL
SEMINAR
ALAMIN:

ANO NGA BA ANG KALUSUGANG PANGKAISIPAN / MENTAL HEALTH?

 Ang mental health ay ang kalagayan ng pag-iisip ng isang tao. Ito ay ang paraan ng pag-iisip,
nararamdaman at pagkilos ng isang tao upang makasa ay sa buhay. Kapag ikaw ay may
magandang mental health ay nagagawa mo ang responsibilidad mo sa lipunan at
natatanggap mo ang realidad ng buhay.
PAANO MAPAPANGALAGAAN
ANG PANGKALUSUGANG
PANGKAISIPAN/MENTAL HEALTH
 Maging panatag. Maglaan ng oras at lugar para payapain ang iyong isipan.
Magpasalamat, magmuni-muni, o gumamit ng iba pang relaxation technique o
paraan sa pagpapahinga. Tulutang matuon ang iyong isipan sa Diyos habang
binibigyan mo ng panahong makapagpahinga ang iyong isipan at katawan.
 Makipag-ugnayan. Ang pakikipag-ugnayan sa pamilya, mga kaibigan, at iba pa sa
inyong komunidad ay makadaragdag sa iyong kaligayahan at kalusugan ng katawan
at maaaring makabawas sa madalas na pagkakaroon ng mga problema sa
kalusugang pangkaisipan. Tandaan, ang uri ng ugnayang mayroon ka ang mahalaga
rito, hindi ang bilang.
 Magkaroon ng kagalakan sa bawat araw. Maghangad ng kasiyahan sa maliliit at
simpleng mga bagay sa pamamagitan ng pagpansin sa kagandahan ng isang
bulaklak, sa lasa ng isang paboritong pagkain, sa ganda ng paghuni ng isang ibon, o
sa kasiglahan ng alagang hayop.
 Pangalagaan ang iyong katawan. Kumain ng masustansyang pagkain, matulog
nang sapat bawat gabi, at regular na mag-ehersisyo hangga’t kaya mo.
ALAMIN:

ANO NGA BA ANG KAHULUGAN NG DEPRESYON?

Isang sakit sa pag-iisip na inilalarawan ng malawakang mababang mood na sinamahan ng


mababang pagtingin sa sarili (nawala ang pagpapahalagasa sarili), kawalan ng interes o
kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain.
PAANO MAIIWASAN ANG
DEPRESYON
 Mag ehersisyo

Ang pag-ehersisyo ay nakakatulong upang maiwasan ang pag-iisip ng mga negatibong bagay. Napatunayan na rin ng mga espesyalista
na habang nagpapawis ang isang tao ay natatanggal din ang negatibong enerhiya sa katawan.
 Pagkain nang maayos

Ang nutrisyon sa ating katawan ay mahalaga upang maiwasan ang pagkakaroon ng depresyon kaya naman ugaliing kumain ng mga
masusustansyang pagkain tulad ng prutas at gulay.
Bawasan ang mga pagkaing may mataas na sugar content, high-fat foods at mga processed foods. Ugaliin din na uminom ng maraming
tubig dahil nakakatulong din ito upang maging maayos ang daloy ng dugo.
 Pagtulog sa tamang oras

Ayon sa National Sleep Foundation, ang mga taong may insomnia ay mas malaki ang tyansang magkaroon ng depresyon kumpara sa
mga taong nakakatulog at nakakapagpahinga nang maayos. Dahil ang taong may sapat na tulog ay may maganda at maayos na takbo ng
pag-iisip, physical health at mental health. Dagdag pa ang maganda at makinis na balat.
 Bawasan ang paggamit ng cellphone at social media

Ang mga maling impor­masyon na kumakalat sa internet ay maaari rin na maging sanhi ng depresyon. Ugaliin na lamang ang pagba­basa
ng mga libro, dyaryo o Bibliya na alam mong siyang makakatulong upang ma­ging masagana at positibo ang iyong pag-iisip.
 Piliin ang kaibigan

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiintindihan tayo ng ibang tao, hindi rin sa lahat ng oras ay kaya natin silang pakiusapan, kaya
naman piliin natin ang ating kaibigan na alam nating makakatulong para mapabuti tayo.
Umiwas sa mga negatibong tao na puro husga at insulto ang ibinibigay sa iyo. Makisalamuha sa mga positibong tao dahil malaki ang
maitutulong ng mga tamang tao sa ating paligid kaya doon tayo sa mga taong handa ta­yong intindihin at tulungan.
 Komunsulta sa eksperto

Huwag ipasawalang bahala ang pagkakaroon ng depresyon, kung sa tingin mo ay may sintomas ka na ng depresyon ay huwag nang
magdalawang isip na komun­sulta sa mga espesyalista nang sa gayon ay hindi na ito lumala pa.
MGA EPEKTO NG MENTALLY
UNSTABLE
SA ISANG TAO
WALANG GANA KUMAIN
 Ang pagkawala ng gana sa pagkain ay isa pang pisikal na epekto na maaaring maranasan
isang tao. Kapag siya ay may depresyon.
 Sinasabi na ang serotonin ay ang hormone na responsable para sa gana, mood, at nakakatulong
na pigilan ang sakit. Sa paglipas ng panahon, ang pagkawala ng gana na ito ay maaaring
maging sanhi ng isang tao na makaranas ng malnutrisyon. Kung saan maaari itong magpalala
sa iba pang mga pisikal na sintomas.
HIRAP SA PAGTULOG
 Ang pagtulog ay napakahalaga. Kailangan nating hayaang magpahinga ang ating isip at
katawan. Sa pamamagitan ng pagtulog tinutulungan tayo nito na makuha ito. Ngunit para sa
isang taong may depresyon, ang kanilang sleep patterns ay maaaring biglang magbago, o
maaaring hindi sila makatulog.
 Ito ay maaaring maging sanhi ng kanilang pakiramdam ng mas pagod at maging mahirap para
sa kanila ang trabaho. O gawin ang kanilang mga pang-araw-araw na gawain.

You might also like