You are on page 1of 1

Mental Health

Ayon sa World Health Organization, ang kalusugang pangkaisipan ay ang kakayahan ng


isang taong maabot ang kanyang buong potensyal, harapin ang mga pang-araw-araw na
hamon sa kanya ng buhay, maging produktibo sa kanyang trabaho, at makapag-ambag sa
kanyang komunidad. Libu-libong tao sa buong mundo ang nakakaranas ng iba’t ibang klaseng
mental illness araw-araw, at sila ay mga ordinaryong tao na may mga trabaho, libangan, mga
mahal sa buhay, atbp. Mahalagang maintindihan kung ano ang mental health para malaman
kung paano natin masisigurong malusog ang ating kaisipan. Malaking tulong ang pagkakaroon
ng kaalaman upang matulungan ang sarili, pamilya, pamayanan, bansa, o daigdig man.

May mga hakbang na maaari mong gawin upang mapabuti ang iyong kalusugan sa isip
araw-araw. Mga maliliit na bagay tulad ng pag-eehersisyo, pag kain ng balanse at
masustansyang mga pagkain, at pagkuha ng sapat na tulog ay nakatutulong sa pagpapalakas
ng iyong mental health. Malaking tulong rin ang naidudulot ng pagpapahayag ng iyong mga
nararamdaman at problema sa mga kaibigan o kapamilya. Ipaalam sa kanila ang mga problema
at paghihirap na pinagdadaanan upang sila ay makatulong. Maaari rin magpakonsulta sa
doktor, counselor, o advisor para sa masuportahan ka sa pagpapabuti ng iyong emosyonal na
kalusugan. Kung may kakilalang nakakaranas nito, kaibigan o kapamilya man, dapat lang na
bigyang pansin ito. Kailangann pahalagahan at ipakitang naiintindihan ang pinagdadaanan nila.
Dahil kapag nakita nila na nag-aalala ka para sa kanila, isang malaking bagay ito para sa kanila
at kahit papaano ay gagaan at maiibsan ang lungkot na kanilang nararamdaman o naiisip. Dahil
virtual na ang karamihan sa ating mga koneksyon, maaaring mag-post o mag-share ng mga
posts na makatutulong sa pinagdadaanan ng ating kapwa netizen. Kahit na hindi tayo
magkakakilala ay kahit sa maliit na bagay ay nakatutulong pa rin upang pagaanin ang kanilang
loob.

Bilang konklusyon, walang iisang dahilan para makaranas ng mental ilness. Maraming
mga dahilan ang maaaring makaapekto ngunit ang mahalaga ay ang ating pagtugon, ang ating
pakikiramay, ang ating pag-unawa at pagmamahal sa isa’t isa. Kung gaano kahalaga ang
pisikal na kalusugan ng bawat indibidwal, ganoon rin kahalaga ang ating kalusugang
pangkaisipan. Bigyan ang sarili ng pahinga at iwasan ang pagtalo sa sarili. Ang bawat tao'y
nagkakamali, may mga pag-iingat at pagkabigo. Ikaw ay mabibigo minsan, hindi dahil sa
pinlano mo, ngunit dahil lamang sa pagiging isang tao. Ang pagkabigo ay isang bahagi ng
paglikha ng isang mahusay na buhay.

You might also like