You are on page 1of 2

Labang laban sa sarili

Ni : Inah Amor Asne

Malamang ay alam mo na kung ano ang tinatawag na depresyon, ngunit sapat na nga bang alam mo lang
ito? Nauunawaan mo ba kung ano ang epekto nito? Gising ka ba sa katotohanan kung saan ang
pinagmulan nito? Maaaring may mga sagot ka sa mga tanong na ito. Subalit, lawakan natin ang iyong
kaalaman upang matuklasan kung ano nga ba itong malupit na kalaban ng sarili naa kumikitil ng buhay.

Ayon sa mga saykayatrist, ang depresyon ay isang mental na kondisyon na mailalarawan sa


pamamagitan ng mga matinding damdamin ng kawalan ng pag-asa at kalungkutan, kadalasan din na
may pakiramdam ng kakulangan at pagkakasala na madalas na sinasamahan ng kakulangan ng enerhiya
at kawalan ng gana sa pagkain at pagtulog. Ang kalimitang pinagmumulan nito ay iba’t-ibang uri ng
problema, maaaring problema sa pamilya, pag-ibig, trabaho, pinansyal at mga problema sa mga
pinakapinahahalagahan ng isang tao kagaya ng reputasyon. Ayon sa World Health Organization, ang
pagpapakamatay o pagkitil ng sariling buhay ang ikalawa sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa buong
mundo.

Ngayon, alamin natin ang nangunguna sa listahan ng mga pinagmumulan ng makamandag na


depresyon. Pagkabigo, sa salitang “bigo” pa lamang ay siguradong papasok sa isip ng marami ang
katagang pag-ibig. Ilan sa mga pangyayaring tungkol rito ay ang paghihiwalay ng magkasintahan, pag-
iwan, panloloko’t pagpapalit, at pagpapaikot. Sa pamilya, may mga kasong hindi ka tanggap ng iyong
sariling pamilya kaya naman ang ilan ay nagpapakamatay. Di rin kasi natin maiiwasan na may mga ibang
magulang na napakataas ng ekspektasyon sa kanilang mga anak. Isa pa rito ay ang mga napapanahong
dahilan tulad ng diskriminasyon na kalimitang nagaganap sa pamamagitan ng bullying o cyberbullying.
Ang mga biktima ng ganitong mga suliranin ay kalimitang nagpapakamatay dahil sa kahihiyan na
nagtutungo sa matinding kalungkutan, takot at minsan awa sa sarili. May mga nagpapakamatay din dahil
sa kahirapan, kawalan ng trabaho, pagbago ng takbo ng buhay, at marami pang iba.

Kung ikaw ay nakararanas ng depresyon huwag kang mag-alala, may mga paraan upang malagpasan mo
ito.

Huwag kang umasa lamang sa medikasyon, totoo na may mga gamot na nakatutulong upang
malampasan mo ang depresyon ngunit mas mapapabilis ang proseso ng paggaling kung ikaw ay gagawa
ng ilang pagbabago sa iyong pang ara-araw na pamumuhay. Ang pag-eehersisyo ay isa sa mga mabisang
paraan upang magapi ang depresyon, napapataas nito ang serotonin at endorphins na nakatutulong na
magpatubo ng mga bagong brain cells. Nakatutulong din ang pagkakaroon ng sapat na tulog o pito
hanggang siyam na oras araw-araw dahil ito’y nakababawas ng pagka-irita, pagkamagagalitin,
pagkalungkot at pagkapagod. Ang pagkakaroon din ng sapat ma panahon at koneksiyon sa iba ay
nakatutulong lalo na sa mga taong handang dumamay sayo anomang problema ang kinakaharap mo.
Iwasan mo rin ang mga bagay na nakapagbibigay ng stres sa iyo. Huwag na huwag kakalimutang
manalangin at manalig sa Diyos dahil wala tayong magagawa kung wal Siya sa mga buhay natin.

Tadaan na sa mga panahong may mga problema at kabiguan, hindi ka nag-iisa, nariyan ang iyong
pamilya, kaibigan, guro, at lalong lalo na ang Poong Maykapal na pwede nating pagkatiwalaan sa mga
panahong ito. Huwag kang papatalo sa depresyon. Huwag mo ring tangkaing kitilin ang iyong buhay,
pagkat ito’y isang biyaya at walo sa iyong kamay o ng kahit sino man bukod sa Diyos ang may karapatang
kunin ito.

Ang makaramdam ng pagkabalisa at pag-aalala ay normal na reaksyon sa isang hindi pangkaraniwang


pangyayari tulad ng pandemyang coronavirus (COVID-19). Tandaan mo na hindi ka nag-iisa. Para
mapangalagaan ang kalusugan ng iyong pag-iisip sa panahong ito, narito ang ilang mga bagay na maaari
mong gawin:• Panatilihin ang mabubuting gawi, pati na ang malusog na pagkain, ehersisyo at pagtulog.•
Panatilihin ang koneksyon sa iyong mga mahal sa buhay. Kausapin sila tungkol sa iyong mga alalahanin
at pag-aalala sa telepono o sa pamamagitan ng online na teknolohiya. • Maging handa sa pamamagitan
ng pagtiyak na mayroon kang sapat na pagkain, mga suplay at mga gamot. Humingi ng tulong sa
pagkuha ng mga bagay na ito kung posible. • Iwasan o bawasan ang pag-inom mo ng alak at paghithit ng
sigarilyo. • Kung sa tingin mo ay nababagabag ka sa mga pinakahuling balita, limitahan ang iyong
panonood at pakikinig sa isang beses o dalawang beses lang sa isang araw. Gamitin ang
mapagkakatiwalaan at kapani-paniwalang mga pagkukunan ng impormasyon, sa halip na sa social
media. Kung hindi mo ma-access ang internet, pakiusapan ang isang kaibigan o kapamilya na basahin sa
iyo o ipakita sa iyo ang napapanahon at mapagkakatiwalaang impormasyon. • Para sa mga taong may
inaalagaang kalusugang pang-kaisipan, patuloy na inumin ang anumang iniresetang gamot at
ipagpatuloy ang plano sa iyong paggamot. Humingi ng propesyonal na suporta hangga’t maaga kung
ikaw ay nahihirapan. Pananatiling positiboBagama’t ito ay panahon ng kawalang-katiyakan at ang ating
buhay ay nagbago sa loob ng maikling panahon, mahalagang tandaan na maraming bagay ang ating
magagawa upang mas bumuti ang ating pakiramdam. Tandaan na ang mga pagbabagong ito at ang
iyong pagsisikap ay t

You might also like