You are on page 1of 3

Handout Modyul 4

Buhay:
•pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos
•kailangang pagyamanin at linagin
•sagrado mula sa pagkalalang hanggang sa kusang pagpanaw

Abortion:
ng pagpapalaglag, pagpapaagas o aborsyon ay ang sinadyang pagtatanggal ng embryo o fetus sa loob
ng matres ng babae, na nagsasanhi ng kamatayan nito. Pwede itong mangyari ng biglaan tulad ng
kapag ang babae ay nakunan o ang parehong buhay ng ina o sanggol ay manganganib.

Dahilan kung bakit nais gawin legal ang abortion:


1. Overpopulation
2. Victim of rape
3. Unplanned pregnancies
4. Unsafe abortion

illegal na Droga:
Ang droga ay mga sangkap na nagbabago sa mental o pisikal na estado ng isang tao. Maaapektuhan ng
mga ito ang paraan ng paggana ng iyong utak, kung ano ang iyong nararamdaman at pag-uugali, ang
iyong pag-unawa at ang iyong mga pandama.

Dahilan ng pinagbabawal na gamot


•kahirapan (panandaliang pagkakakitaan)
•Family problem
•Impluwensya
•Pagrerebelde
•Para makapag-relax
•Pampalakas ng loob upang makagawa ng crimen
Epekto ng droga
•Sa kalaunan, naaapektuhan ang sistemang panunaw ng tao, ang kaniyang pagtulog, nagkakaroon ng
pagka-iritable ng sistemang nerbiyos o pagkabugnutin. Humahantong rin sa pagkabaliw o pagkasira ng
isipan at utak ang adiksiyon sa gamot.

Epekto ng droga sa bansa


•Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at lipunan.
Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao, at
mas malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao

Suicide:
-Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naayon sa sariling kagustuhan.
Dahilan ng Suicide
A.Pagkawalan ng pag–asa (despair) *Depression
B.Problema sa trabaho C.Problema sa pamilya
D.Problema sa kalusugan
E.Pagdinig ng mga masasakit na salita sa ibang tao
Mga Paraan upang maiwasan ang pagpapakamatay

A.Panatiliing abala ang sarili sa mga makabuluhang gawain tulad ng paglilingkod sa kapuwa at
pamayanan
B.Matibay na support system na kinakabilangan ng ating pamilya at tunay na mga kaibigan na
makapagbibigay mg saya at pagmamahal tuwing makararamdam tayo ng walang halaga ang ating
buhay.
Mga Paraan upang maiwasan ang pagpapakamatay
C.Mag–isip ng malalaking posibilidad at natatanging mga paraan upang harapin ang kaniyang
kinabukasan. Hindi nararapat ilagay sa sarili nating mga kamay ang pagpapasiya kung dapat nang
wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos.

Alkoholismo:
–Ito ay labis na pagkonsumo ng alak na nagdudulot ng masamang epekto sa tao.Ito ay unti–unting
nagpapahina sa kaniyang enerhiya,nagpapabagal ng pag –iisip at sumisira sa kaniyang kapasidad na
maging malikhain

Dahilan ng Alkoholismo:
A.problema o stress –Nang dahil sa problema o stress ang pag inom ng alak ang siyang ginagawang
solusyun upang takasan ang problema
B.Nakasanayan –Ang pag inom ng alak ay normal na lamang o ginagawang pang palipas oras lamang
C. Impluwensya ng kapwa –Ito ay ang pag gaya sa gawi ng iba
Masamang epekto ng labis na pagkonsumo ng alak

Masamang epekto ng labis na pagkonsumo ng alak


A. Paggawa ng krimen –Nagagawa ang mga bagay na hindi ka nais nais o labag sa alituntunin ng batas
at nakakapanakit ng kapwa.
B.Pagkawala sa tamang pag iisip at pag uugali –Nawawala sa katinuan ang isang tao na nagreresulta
ng paggawa ng krimen at pagkawala ng pagpapahalaga sa sarili.
Masamang epekto ng labis na pagkonsumo ng alak
C.Pagkasira ng kalusugan –pagkakaroon ng malubhang sakit tulad ng cancer, sakit sa atay, at kidney na
nagdudulot ng maagang pagkamatay.
Paraan upang maiwasan ang labis na pagkonsumo ng alak
–Dapat pairalin ang pagtitimpi at disiplina sa sarili. Bilang nilikha ng Diyos ,inaasahan sa atin na
isabuhay ang pagpapahalaga sa kalusugan ng ating katawan–tanda ng pagmamahal sa buhay na
ipinagkaloob niya sa atin.

Euthanasia
-tinatawag ding mercy killing. Isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may
matindi at wala nang lunas na karamdaman.Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong
medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang may sakit
Dahilan ng Euthanasia
May pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang kaniyang buhay, ngunit isang tao na may
kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya.
Halimbawa:
Maaaring ang isang may sakit ang humihiling sa isang taong mag kaalam sa mga gamot na bigyan siya
ng isang labis na dosis ng pampawala ng sakit.

Dahilan ng Euthanasia
May pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang kaniyang buhay, ngunit isang tao na may
kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya.

Paraan upang maiwasan ang Euthanasia


Ang sakit at paghihirap ay likas na kasama sa buhay ng tao.Ang pagtitiis sa harap ng mga pagsubok ay
isang anyo ng pakikibahagi sa plano ng Diyos.Samakatuwid,hindi maaaring hilingin ng isang tao na
tapusin ang kaniyang paghihirap sa pamamagitan ng kamatayan.Higit na mabuti kung pagmamahal at
pag-aalala ang ibibigay sa kanila, hindi kamatayan

Dapay tandaan patungkol sa EUthanasia


Ang pagtigil sa paggamit ng life support ay hindi itinuturing na masamang gawain. Ito ay maliwanag na
pagsunod lamang sa natural na proseso. Ang ipinagbabawal ay ang mga gawain na tuwirang
naglalayon na mapadali ang buhay tulad ng pagbibigay ng lason o labis na dosis ng gamot.

You might also like