You are on page 1of 9

ANG PRINSIPYO NG DOUBLE EFFECT

Ayon kay sto. Tomas de Aquino,may mga oras


kung kailan ang isang kilos ay nararapar gawin
ay maaaring magdala ng mabuti at masamang
epekto. At bilang resulta nito nagkakaroon ito
ng isang problemang etikal.
Sa madaliang salita, ang prinsipiyo ng double
effect ay isang pagpapasya kung ang kilos ba ay
maaring magdulot ng mabuti o masamang
epekto.
•Tulad nga ng halimbawa na nasa itaas, Na
kinakailangan nilang mamili kung aalisin ang bahay
bata ng ina upang malunasan ang karamdaman nito
ngunit may malaking posibilidad na mamatay ang
sanggol sa sinapupunan nito o di kaya’y hindi na ito
alising ngunit maaring magkaroon ng komplikasyon at
maaring malagay sa panganib ang kanyang buhay.

•Sa mga katulad nitong sitwasyon maaari nang maging


batayan ang prinsipyo ng double effect sa pagpili ng
isang kilos na may kaakibat na masamang epekto kung
matutugunan ang apat na kondisyon.
PAGPAPATIWAKAL
Ano nga ba ang pagpapatiwakal o pagpapakamatay?
•Ito ay sinasadya at kusang-loob na pagkuha ng buhay ng
isang tao sa buhay ng isang tao. Pinapatay ng isang tao ang
kanyang sarili sa kanyang sariling kagustuhan.
ANO BA ANG KAHULUGAN NG PAGPAPATIWAKAL?
•Ang salitang Pagpapatiwakal ay nangangahulugang
pagkitil sa sarili sa pamamagitan ng sariling pamamaraan
at kagustuhan. Kadalasang sanhi nito ay ang mentalidad na
hindi kinakayang harapin.
BAKIT NGA BA MAY MGA TAONG NAGPAPATIWAKAL?
•Ang pagpapatiwakal ay maaaring dulot ng maraming
bagay gaya ng depresyon, kahihiyan, pagdurusa, kahirapan
sa buhay, o mga di kanais nais na sitwasyon sa buhay ng
isang tao.
MGA DAHILAN NG PAGPAPATIWAKAL
1.)Sobrang depresyon
Ang sobrang pag-iisip ay humahantong sa
pagkalumbay.
2.) Gulong-gulo na sa buhay
May mga tao na hindi nasiyahan sa kanilang
buhay, naniniwalang wala silang direksyon at
walang pag-asa.
3.) Nahihirapan na ng husto sa buhay
Mayroong mga tao na may halos isang solong
tuka at kung minsan ay sinamahan ng
malubhang karamdaman.
MERCY KILLING O EUTHANASIA

•Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain


kung saan napadadali ang kamatayan ng isang
taong may matindi at wala nang lunas na
karamdaman.

•Ang euthanasia kung minsan at tinatawag ding


assisted suicide, sa kadahilanang may
pagnanais ang isang biktima na wakasan ang
kanyang buhay, ngunit may isang tao na may
kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa
nito para sa kanya.
•Hindi pinipilit ang paggamit ng mga hindi
pangkaraniwang mga pamamaraan at
mamahaling mga aparato upang pahabain ang
buhay ng isang tao.
Sa madaling salita, ang pagpapatigil sa
paggamit ng mga life support ay hindi
itinuturing na masamang gawain. Ito ay
maliwanag na pagsunod lamang sa natural na
proseso. Ang ipinagbabawal ay ang mga
gawain na tuwirang naglalayon sa mapadali
ang buhay tulad ng pagbibigay ng lason o labis
na dosis ng gamot.
Paano ang buhay para sa mga di-normal?
(Persons with disabilities or PWD)

•Madalas nating marinig na ang buhay ng tao ay


sagrado o banal

Ano nga ba ang buhay na sagrado o banal?


"Ang buhay ng tao ay napakahalaga kahit na ang mga
pinakamahihina at madaling matukso, mga may sakit
matatanda, mga hindi pa isinisilang at mahirap, ay mga
obra ng Diyos na ginawa sa sarili niyang imahe laan
upang mabuhay magpakailanman, at karapat-dapat ng
mataas na paggalang at respeto." -Papa Francis ng
Roma
Ngunit, paano ang buhay para sa
mga taong di-normal?

Halimbawa: Ang isang mag-asawa


ay nagkaroon ng anak na may Down
Syndrome. Maaari ba nating sabihin
na walang karapatan mabuhay ang
bata dahil ang kalidad ng buhay na
magkakaroon siya ay lubhang
limitado?
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!

SANA AY INGATAN ANG BUHAY


NA IPINAHIRAM SAATIN NG
PANGINOON!

You might also like