You are on page 1of 2

Sining ng pagsasalaysay

1. Sining ng Pagsasalaysay Pagpapakilala sa Pagsasalaysay Ms. Caṅieso, Casipe, Casuyon, Cayanan and
Chavez

2. Pagsasalaysay • ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng mga pangyayari. • May dalawang


uri ng pagsasalysay: pasalita at pasulat. • Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay maaring pagmulan
ng pagsasalaysay ng isang tao.

3. Pagsasalaysay • Ito ay palasak at madalas gamitin. • Ang salitang ugat nito ay Salaysay o Kuwento. •
Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw
ng nagsasalaysay.

4. Pagpili ng Paksa • Isa sa mahalagang katangiang dapat taglayin ng isang magandang salaysay ay ang
pagkakaroon ng magandang pamagat. • Ito ang unang bagay na nakapupukaw sa interes ng mga
mambabasa. May mga katangian dapat taglayin ang isang kaakit-akit at mabuting pamagat.

5. Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa: 1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon;
may mayamang damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may
malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan. 2. Sapat na Kagamitan - mga datos na
pagkukunan ng impormasyon.

6. Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa: 3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay
naaayon din sa kahusayan at hilig ng manunulat. 4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang
kwento ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan
nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbangggit ng
napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.

7. Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa: 5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi
para lamang sa kanya pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.

8. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA 1. Sariling karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong


paraan na pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong
nagsasalaysay o magasasalaysay.

9. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA 2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao
tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na
hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. mahalagnag tiyakin muna ang katotohanan
bago isulat.

10. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA 3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, televisyon,
dualng panteatro at iba pa. 4. Likhang - isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay
makalikha ng isang salaysay.
11. ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA 5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng
tao ay maari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.

12. Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay 1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana- panabik at
napapanahon. 2. Mahalaga ang paksa o diwa 3. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud- sunod ng
mga pangyayari 4. Kaakit-akit na simula. 5. Kasiya-siyang wakas

13. Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento 1. Simula 2. Tunggalian a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kwento
b. Tauhan laban sa sarili c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan

14. Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento 3. Kasukdulan - ito ang kapanapanabik ng bahagi ng isang kwento.
4. kakalasan - ito ang nagbibigay linayw sa mga tanong na nagpanabik sa mambabasa sa bahaging
kasukdulan. dahan - dahang bumababa ang pananabik ng mambabasa.

15. Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento 5. Wakas - kahihinatnan ng mga tunggalian sa kwento. Dito rin
ipinapahayag ang mahalagang kaisipan o mensahe sa kwento.

16. MGA URI NG SALAYSAY 1. Kwento ng Tauhan - Binibigyang - halaga sa kwento ang kilos, galaw,
pananalita at kaisipan ng isang tauhan. 2. Kwento ng Tagpuan - Binibigyang - diin ang lugar na
pinangyarihan sa kwento. 3. Kwento ng Banghay - Higit na pinahahalagahan sa kwento ang
makabuluhang pangyayari at kalagayang ginagalawan ng mga tauhan.

17. MGA ANYO NG SALAYSAY 1. Maikling Kwento - nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. 2. Tulang
Pasalaysay - patulong pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng pananalitang matalinhaga.

18. MGA ANYO NG SALAYSAY 3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga
tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at
mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay isulat upang itanghal. 4. Nobela
- nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.

19. MGA ANYO NG SALAYSAY 5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari 6. Alamat -
tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.

20. MGA ANYO NG SALAYSAY 7. Talambuhay "Talaan ng Buhay" - pangyayaring naganap sa buhay ng
isang tao mula simula hanggang kamatayan. 8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring
naganap sa isang tao, pook o bansa.

21. MGA ANYO NG SALAYSAY 9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang


pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

You might also like