You are on page 1of 1

PAGSASALAYSAY

-isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay

-pagkukwento ito ng kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita

-Sinasabing ito ang pinakamatandang uri ng pagpapahayag dahil dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kwentong bayan ng
ninunong Pilipino maging sa ibang bansa man sa pagsulat ng pagsasalaysay.

-Kailangang ito ay maging kawili-wili at maganda.

-Mahalaga na ito ay napapanahon.

-Napakahalaga rin na may dala itong lugod at kabutihan sa mambabasa.

PAGPILI NG PAKSA:

1. KAWILIHAN NG PAKSA - dapat ay likas na napapanahon, may mayamang damdaming pantao, may kapana- panabik na kasukdulan,
naiibang tunggalian, at may malinaw at datos na pagkukunan ng pangyayari.

3. KAKAYAHANG PANSARILI – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig at layunin ng manunulat.

4. TIYAK NA PANAHON O POOK -Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay iwasan ang labis na paghaba ng panahong sakop ng
salaysay at ang pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay

5. KILALANIN ANG MAMBABASA -Sumusulat ang tao hindi lamang para sa

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. SARILING KARANASAN –Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa
pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. NARINIG O NAPAKINGGAN SA IBA – Maraming usapanng mga tao tungkol sa pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at
telebisyon, at iba pa. subalit tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna
ang katotohanan bago isulat.
3. NAPANOOD – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, atb
4. LIKHANG ISIP – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
5. PANAGINIP O PANGARAP – Ang mgapanaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. NABASA – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangang ganap na nauunawan ang mga pangyayari.

MGA URI NG SALAYSAY

1. Maikling Kwento

2. Tulang Pasalaysay

3. Dulang Pandulaan

4. Nobela

5. Anekdota

6. Alamat

7. Talambuhay

8. Kasaysayan

9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue)

You might also like