Ang Kahulugan ng Pagkukuwento Baker at Green (1977)
• Ang pag kukwento ay naghahatid sa mga tagapakinig ng
mataas na antas ng kamalayan, pagtataka at ng misteryoso ng buhay. Ito rin ay isang buhay ng sining. Ang produkto nito ay naglikha ng magkatuwang na karanasang ibinabatay sa mga salita at imahinasyon. Sawyer (1977)
• Ang sining ng pagkukuwento ay nakasalalay sa tagapagkuwento
na kayang sa saliksikin, isasagawa at palalaguin. • Ang pagkukuwento ay pagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga salita, imahe at tunog. Itoy naibabahagi sa ibat ibang kultura. Layunin ng Pagkukwento
o Ang Pagkukwento ay nakapagtuturo, nakapagbibigay-
liwanag at nakapagdudulot ng inspiration sa buhay. Ito’y nakapgpapatalas ng isipan at nakapag-aalis ng pagod sa pang-araw-araw na Gawain. Dahil sa pagkukwento, naibabahagi ang kultura ng ibat ibang bansa sa tulong ng edukasyon, entertainment at pagpapanatili ng kinagisnang kultura at halagang moral. Ang Pakikipag Ugnayan sa Kwento • Bagamat marami ang naisagawang pagtatangka upang mabago at maigapay sa panahon ang anyo nito, katulad ng pagsasagawa ng pagkukuwento sa paraang elektroniko sa mga palatuntunang telebisyon, ang pasalitang pagkukuwento ay hindi kailan man maluluma bumilang man ang mga taon. • Kaugnay nito, sa pagkukuwento , ang payak na paglalarawan ay lagit lagi nang nagiging suhay sa masining na pamaraan ng pagtuturo. Sa pakikipagugnayan sa mga kuwento, ang bawat isay nagkakaroon ng karanasan sa tunay at makapangyarihang wikang komunikasyong personal. • Kolokyal man o matalinghaga, tahas man o mabulaklak, ang kompletong sangkap ng wika ay taglay ng mga kuwento. Ang Pasalitang Pagkukwento • Ang pasalitang pagkukuwento ay lumilinang ng kakayahan sa pakikinig sa katangi-tanging paraan. Natatamo ng mga tagapakinig nito ang kakayahang matuklasan ang hindi polisadong wika na nagmumula sa pagkukuwento nang walang paghahanda. • Habang pinakikinggan ang pagkukuwento, nakatutuklas ang mga tagapakinig ng istrukturang makatutulong sa kanila upang maunawaan ang higit na komplikadong mga kuwentong pampanitikan. Ang Nararanasan sa Pagkukwento
• Sa pamamagitan ng pagkukuwento, nararanasan ng mga tagapakinig
ang naiibang damdamin para sa nakaraan at ng kaisahan ng ibat ibang kultura ng kasalukuyan, habang nararagdagan ang kanilang pananaw sa mga motibo at balangkas ng kaasalang pantao. • Gayunpaman, nadarama ng maraming tagapagkukuwento naang pagyayaman sa kaalaman ay hindi lamang ang pangunahing layunin ng kanilang sining. Hindi mabilang ang ibat ibang uri ng damdaming nadarama ng mga tagapakinig para sa pagpapaunlad ng kanilang kalagayang kultural at emosyonal. Ang Paraan ng Pagpili ng Kuwentong Gagamitin sa Pagkukuwento Si Pedersen (1995) ay nagbigay ng mga sumusunod na paraan ngpagpili ng kuwentong gagamitin sa pagkukuwento: 1. Bumasa, bumasa at bumasa. Bagamat ang pagkuha ng mga kuwento mula sa mga tagapagkuwento ay nasa paraang tradisyonal, higit na makabubuti ang pagkahilig sa pagbabasa ng mgaaklat.
2. Pumili ng mga kwentong naibigan.
Magiging higit naepektibo at makatotohanan anggagawing pagkukuwento kung itoy pinili mo dahil may kahuluganito sa iyo. 3. Pumili ng kuwentong may payak na istruktura. Pumili ngkwentong maiibigang pakinggannga mga tagapkinig dahil umaayon sa kanilang gulang at antas ng wikang ginagamit.
4. Pumili ng kwentong may payakna istruktura.
Pumili ng kwentong isa isa at maliwanag na paksa, may maayos na banghay, hindi nagbabago ang istilo, may nag-iisang karaterisasyon (maliban marahil sa mga protagonista), kalutasan sa tunggalian, madula, may kaisahan, may nakakasiyang tema at may matatag na nilalamang emosyonal. 5. Pumili ng kwentong may positibong halagang pantao. Pumili ng kwentong nagpapahayag ng tuwa, pagmamahal, katatawanan, kasinupan at iba pang positiong aspekto ng kahalagahang pantao. 6. Pag-aaralan ang kaligiran ng kwento. Alamin ang kaligirangpangkultural, panlipunan, at pangkasaysayan ng kuwento at ng bansang pinagmulan nito.
7. Ipabasa sa iba ang kuwento.
Ang pagwakas na pagpili ngkuwento ay maisasagawa sa pamamagitan ng pag-alam sa mga positibo at negatibong reaksyon ng mga mambabasa. Paghanda ng Pagkukwento
Si Pedersen din ang nagbibigay ngilang patnubay sa paghahanda ngpagkukuwento tulad ng
mgasumusunod: 1. Pag-aralan ang kuwento. 2. Balangkasin ang kuwento. 3. Kontrolin ang haba ng kuwento. 4. Kontrolin ang talasalitaan ngkuwento. 5. Pinuhin ang istilo ngpagkukuwento. 6. Magsanay, magsanay at magsanay pa. 7. Magrelaks bago magkuwento. Ang mabisang TagapagKuwento
Ang Children Communication Center (1991) ay naghanda ng ilang hakbang upang
maging mabisang tagapagkuwento tulad ng mga sumusunod:
1. Alamin ang kuwento.
hindi kailangang isaulo ang lahat ng linya at detalye ng kuwento. Pag sinabing “alam” ay alam ang kuwento. Ang ibig sabihin, kayang ikuwento ninuman ang istorya ayon sa gusto niyang palabasin at sa sarili niyang paraan ng pagkukuwento. 2. Gawing kawili-wili ang pagkukuwento. Upang magawa ito, gamitan ng sumusunod na estratehiya: Mukha – Palakihin ang mga mata at ibuka ang bibig kung natatakot, sumimangot kung nayayamot, ngumiti kung masaya ang tauhan sa kuwento, at iba pa. Ang paggamit ng mukha ay bilang pagpapahayag ng damdamin ay tulong para hulihin ang atensyon ng mga bata bukod sa tulong din para higit niyang maintindihan ang kuwento. Mainam itong gamitin kung nais niyang manatiling nakaupo habang nagkikuwento. Katawan – Maari ring gamitin ang iba’t-ibang bahagi ng katawan sa pagsasadula ng okasyon at pangyayari sa kuwento. Takpan ng mga kamay ang mga mata kung natatakot, ibaluktot ang baywang kung nasasaktan, yumuko kung nahihiya, ilahad ang mga daliri kung nagbibilang, pumadyak kung nagagalit, iunat ang bisig kung may ituturo, palakihin ang dibdib kung nagyayabang. Maaari ring gamitin ang marahang paglakad sa harap ng mga kinukuwentuhan kun kinakailangan ng katahimikan ng kuwento. Boses – Mahalaga sa pagkukuwento ang paggamit ng boses. Dapat itong maging limitado. Kung kinakailangang maging malakas o mahina ang boses ng hindi nawawala ang kalinawan ang pagbigkas ng mga salita. Iwasan ang maging kabagot-bagot ang pagkukuwento. Kung higante ang nagsasalita, palikin at pahabain ang tono ng boses, kung munting daga, paliitin at pataasin ang boses. Samantala, inilahad ni Sarah Clive sa kanyang artikulo ang pitong paraan upang maging epektibo at masining ang pagkukuwento ng isang tagapagsalaysay:
• Pumili ng kuwentong babagay sa iyo.
• Ikonekta ang napiling kuwento sa sarili. • Kumuha ng isang kakiklala o kaibigan na magiging kritiko. • Humanap ng lugar na mapagkukuwentuhan. • Isalaysay ang kuwento. • Gumamit ng tunog at musika. • Pahalagahan at pasalamatan ang mga tagapakinig. ANG APAT NA PAKSANG MADALAS MAGAMIT SA PAGKUKUWENTO • Pabula Tinatawag na pabula ang kuwentong nagbibigay aral at ang mga tauhan ay mga hayop na nagsasalita at kumkilos. • Alamat Kung ang kuwento’y nagsasalaysay tungkol sa pinagmulan ng tao, bagay, lugar, pangyayari at iba pa, matatawag iting alamat. • Kuwentong Bayan Pasalin-salin sa bibig ng mga tao kaya kadalasan ay may naragdagan o nakakaltasan ng mga pangyayari ang pagkakalarawan sa kuwentong bayan. • Kuwentong Pangkalikasan Ito ay isang maikling kwento kung saan ang ginagamit na pangunahing tauhan rito ay mga bagay o hayop na nasa kapaligiran natin. ANG MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGKUWENTO 1. May pagmamahal sa gawaing pagkukuwento. 2. May malawak na talasalitaan. 3. May mahusay na memorya. 4. May masayang disposisyon dahil may sense of humor. ANG MGA ISTILO SA PAGKUKUWENTO Nakaupo habang nagkukuwento.