You are on page 1of 16

SINING NG

PAGSASALAYSAY
PAGSASALAYSAY

 ay pagpapahayag na may layuning magkuwento ng


mga pangyayari.
 May dalawang uri ng pagsasalysay: pasalita at
pasulat..
 Ang karanasan at nakikita sa kapaligiran ay
maaring pagmulan ng pagsasalaysay ng isang tao.
 Ito ay palasak at madalas gamitin
 Ang salitang ugat nito ay Salaysay o Kuwento.
 Layunin ng ganitong pamamaraan ang ipabatid
ang mga pangyayaring may kaugnayan mula sa
pananaw ng nagsasalaysay.
PAGPILI NG PAKSA

Isa sa mahalagang katangiang dapat


taglayin ng isang magandang salaysay
ay ang pagkakaroon ng magandang
pamagat
Ito ang unang bagay na nakapupukaw
sa interes ng mga mambabasa. May
mga katangian dapat taglayin ang isang
kaakit-akit at mabuting pamagat.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG
PAKSA:
1. Kawilihan ng Paksa
- dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapanapanabik na
kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at
maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan
- mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
3. . Kakayahang Pansarili
- ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng
manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook
- ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay sa malinaw at
masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito.
Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop
ng salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan
ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa
- sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya pansariling kasiyahan
at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling karanasan
 pinakamadali at pinakadetalyadong paraan na pagsasalaysay
ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan
ng mismong nagsasalaysay o magasasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba
 maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telibisyon
at iba pa. Subalit, tandaan na hindi lahat ng narinig sa
iba ay totoo at dapat paniwalaan. mahalagnag tiyakin
muna ang katotohanan bago isulat.
3. Nabasa o Napanood
 mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at
iba pa.
4. Likhang - isip
 mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay
makalikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap –
 Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa
• Mula sa anumang tekstong nabasa kailangan ng
ganap na nauunawaan ang mga pangyayari.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento
2. Tulang Pasalaysay
3. Dulang Panduluan
4. Nobela
5. Anekdota
6. Alamat
7. Talambuhay
8. Kasaysayan
9. Tala ng paglalakbay
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kwento
- nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa
sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay
- patulong pasalaysay ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga saknong
3. Dulang PandulaanPandulaan
- binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang
pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan
sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay isulat upang itanghal.
4. Nobela
- nahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na
pangyayari
5. Anekdota
- pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari.
6. Alamat
- tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa
paligid.
7. Talambuhay
-"Talaan ng Buhay" ng isang tao, pangyayaring naganap
sa buhay ng isang tao mula hanggang sa kanyang
wakas.
8. Kaysaysayan
- Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap
sa isang tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue)
- Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglallakbay sa ibang lugar.

You might also like