You are on page 1of 29

PAGSASALAYSAY/

NARASYON
Pinakamadalas gamitin sa pang-araw-
araw na pakikipagtalastasan ng tao sa
kaniyang kapwa. Layunin nito’y
magkwento ng isang pangyayari.
KAHINGIAN NG
EPEKTIBONG
NARASYON
01
ORIHINAL AT KAWILI-
WILING PAKSA
⌲ kung ano ang gusto mong sabihin o malaman ng iyong
mambabasa
⌲ kahit na tila karaniwan ang isang paksa, maaari pa rin
itong maging kawili- wili kung ito ay ihaharap sa isang
pamamaraang kakaiba o bago sa panlasa ng mambabasa
02
MAPANGHIKAYAT NA
PAMAGAT
Salik sa pagganyak ng mambabasa na patuloy na magbasa.

〄 Maikli. Mas malaki ang pagkakataong matandaan ng tao ang isang


kwento kung ang pamagat nito ay ‘di gaanong mahaba. Maaaring malito
ang mambabasa kung may kahabaan ang pamagat.
〄 Orihinal. Makatutulong sa isang kwento ang pamagat na orihinal
dahil mas nanaisin ng mambabasa ang bago sa halip na paulit-ulit o
yaong karaniwan. Ang pamagat na kakaiba ang dating ay mas may
malaking pagkakataon na mapansin kaysa sa karaniwang pamagat dahil
ito ay magiging kawili-wili o kapana-panabik.
〄 Angkop. Mahalagang matiyak ng manunulat na ang pamagat na
kaniyang nabuo ay may kaugnay sa pinakapaksa ng naratib.
〄 Sinasaliksik. Ang pamagat na maingat na pinag-isipan at binuo ay
makahihikayat ng mambabasa.
〄 Nagtatago ng lihim o hindi nagbubunyag ng wakas. Ang pamagat ay
nararapat na magbigay ng ideya tungkol sa nilalaman ng naratib ngunit
hindi naman ito dapat na maging daan upang agad na matukoy ng
mambabasa ang wakas dahil kung magkakaganito, hindi na magbabasa
ang mambabasa.
〄 Hindi katawa-tawa, kung komposisyon ay wala namang layuning
magpatawa. Lahat ng akda ay maroong layunin kung kaya’y ang pamagat
ay nararapat na angkop sa paksa.
03 MAPAGGANYAK NA
PANIMULA
Ikalawang salik na nanghihikayat sa mga mambabasa.

●Pagbuo ng nakakatawag-pansin na pangungusap


●Diyalogo
●Paglalarawan ng tauhan o tagpuan
●Pagtatanong
●Sipi o kasabihan
KAPANAPANABIK, ‘DI
MALIGOY AT
MAGKAKAUGNAY-UGNAY

04
NA DALOY NG
PANGYAYARI
Ang isang naratibo ay karaniwang nagsisimula
sa isang malinaw at interesanteng simula at
sinusundan naman ng magkakaugnay-ugnay na
pangyayaring umuusad nang sa gayon ay
makarating sa isang angkop at interesanteng
wakas.
05 ANGKOP AT
INTERESANTENG
WAKAS

Nararapat na lahat ng mga suliranin sa naratibo


maging ang mga katanungang nabuo sa isipan
ng mambabasa ay nabigyan ng katugunan.
MAKABULUHANG
KARANASANG

06 PANTAO
Naratibong naglalaman ng mga karanasang
pantao na maituturing na makabuluhan ay
higit na magiging kaakit-akit sa mga
mambabasa.
07
ANGKOP NA Nararapat na tiyakin ng isang
manunulat na ang wikang kaniyang
BUKABOLARYO O ginagamit ay angkop sa kaniyang
PANANALITA target na mambabasa.

08
MALINAW AT TIYAK Ang isang naratibo ay maaaring mga
NA PUNTO DE BISTA personal na karanasan ng manunulat
SA PAGSASALAYSAY o aniyang kathang isip.
IBA’T IBANG
URI NG
NARASYON
01 MAIKLI O MAHABANG
KWENTO
Binubuo ng mga magkakaugnay-ugnay na pangyayari na
maaring maikli o mahaba.
02 TALAMBUHAY
Ito ay pagsasalaysay ng mga pangyayari tungkol sa isang
tao, maaaring sarili o iba, mula sa kapanganakan
hanggang sa kasalukuyang estado ng kaniyang buhay o
maaaring hanggang kamatayan.
03 KASAYSAYAN
Mga kwento ng totoong pangyayari, mga
pangyayaring siyang humubog ng pagkakakilanlan
ng isang tao, bansa o ano pa man.
04 KWENTO NG
PAGLALAKBAY
Binubuo ng pagpapahayag ng isang manlalakbay
ng kaniyag pakikipagsapalaran habang siya ay
naglalakbay sa iba’t ibang pook. Kapupulutan ng
impormasyon na maaaring gamitin ng iba sa
panahong sila naman ay maglalakbay.
05 KWENTO NG
PAKIKIPAGSAPALARAN
Binubuo ng mga detalye kaugnay ng pakikipagsapalaran
ng isang tauhan sa ano mang bagay na kaniyang
tinatahak.
06 BALITA
Pagpapahayag ng mga mahahalagang
pangyayari sa araw-araw na ibinabahagi sa
mga tao upang sila ay magkaroon ng
impormasyon tungkol sa mga nagaganap sa
kanilang paligid.
07 ALAMAT, EPIKO AT
KWENTONG BAYAN
Mga anyo ito ng naratibo na nabuo sa matandang panahon ng
ating kasaysayan. Ang mga alamat ay nagsasalaysay ng
pinagmulan ng mga bagay-bagay o ng ngalan ng pook. Ang
mga epiko ay mahahabang tulang pagsasalasay na
nagpapahayag ng mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran
ng mga bayani. Ang kwentong bayan ay kwentong
sumasalamin ng kultura ng iba’t ibang bayang matatagpuan sa
ating bansa.
ELEMENTO NG
ISANG NARASYON
BANGHAY
Ito ay tumutukoy sa estruktura ng isang naratib.
Maaari ring sabihin na ito ay tila kalansay ng isang
naratib. Ito rin ang siyang batayan ng naratib sa
pamamagitan ng mga magkaakugnay-ugnay na
pangyayari.
TAUHAN
Tumutukoy ito sa mga gumaganap sa kwento,
mapatao man, bagay o hayop. Sila ang dahilan ng
pag-usad ng mga pangyayari, mga dahilan ng
pagsisimula ng pangyayari, pag-usad ng kwento
mismo at pagwawakas nito.
TAGPUAN
Ito ay tumutukoy sa pook na pinagganapan ng mga
pangyayari sa isang naratib. Kaugnay na rin ng pook
ang oras at ang panahon na pagkakaganapan.
Nararapat na magkatugma ang tagpuan, oras at
panahon sapagkat tumutulong ito sa pagbibigay ng
linaw sa paksa, sa banghay at sa tauhan.
SULIRANIN
Mga pagsubok na pinagdaraanan ng tauhan sa
naratib.
HIMIG
Ito ay tumutukoy sa damdamin ng may akda sa
kaniyang paksa na masasalamin sa akda sa
pamamagitan ng mga piniling salita.
SOLUSYON
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring nagbibigay-
daan sa pagwawakas ng suliranin ng naratib.
KASUKDULAN
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring higit na
nakatawag pansin sa mga mambabasa, pangyayaring
naging kapana-panabik dahil sa mga detalyeng
nakabalot sa sitwasyon.
RESOLUSYON
Ito ay tumutukoy sa mga katanungang nabuo sa isipan
ng mambabasa, mga katanungang naghikayat sa
kaniya na patuloy na magbasa ay unti-unting
nabibigyan ng kasagutan. Ang resolusyon ang
nagbibigay-daan sa pagtatapos ng kwento.
WAKAS
Dito, ang lahat ng mga pangyayari ay nabibigyan ng
kalutasan, lahat ng tanong ay may tiyak na kasagutan,
at ang bawat tauhan ay may tiyak na patutunguhan,
Huwag kalimutang uminom ng tubig. Salamat.

You might also like