You are on page 1of 20

MAIKLING

KWENTO
Inihanda ni:
Maricris Camoro
ANO ANG MAIKLING
KWENTO?
● Ito ay isang akdang pampanitikan sa tuluyan na sa
pamamagitan ng mga pangungusap at talata’y binubuo ng
may-akda upang sa kanyang kapangyarihan at kakayahan
bilang isang alagad ng panitikan, mailahad niya ang isang
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan,
makapagkintal ng isang bisa sa puso at diwa ng mga
mambabasa. Ito ay likha ng bungang-isip na hango sa
isang bahagi ng buhay na tunay na nangyari o maaaring
mangyari.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
1. Gawing kawili-wili ang mga unang pangungusap ng
iyong kwento.
 Sa unang pagtingin pa lamang sa iyong kwento,
ipinapahiwatig na agad ang magiging tunggalian o ang
mga hindi inaasahan o kakaiba sa unang pangungusap
pa lamang.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
2. Linangin at Paunlarin ang Karakterisasyon.
 Idebelop ang isang buhay, humihinga at natatanging
tauhan. Ipakita silang mabuti sa iyong kwento sa
pamamagitan ng ng pagbibigay ng mahahalagang
detalye tungkol sa kanila.
 Paano kumilos ang iyong tauhan? Huwag lamang
gumamit ng payak na katagang tamad. Ipakita ito sa
kilos at gawi ng tauhan.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
3. Sumulat ng makabuluhang usapan/Dayalogo
 Bigyan ng sariling talata ang bawat nagsasalita. Maari
ding isulat ditto ang ginagawa ng mga tauhan habang
nagsasalita.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
4. Pumili ng ankop na paningin o pananaw.
 Gagamit ka ba ng unang panauhan o ikatlong
panauhan? Sino ang magkukwento- ang pangunahing
tauhan ba o ang katulong na tauhan? Mababasa ba ng
nag sasalaysay ang isip at at damdamin ng ng lahat ng
mga tauhan o ng isang tauhan.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
5. Gumamit ng angkop na tagpuan at konteksto.
 Gamitin ang mga pandama o senses (pang amoy,
pandama,pandinig, panlasa at pangdamdam).

6. Isaayos ang Banghay o mga pangyayari sa kwento.


 Piliin ang mga eksenang tiyak na kapana-panatak sa
mga mambabasang basahin ang iyong kwento.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
8. Lumikha ng tunggalian at tension
 *Hiwaga – ipaliwanag lamang ang ilang bagay upang matukso
ang mga mambabasang basahin ang iyong kwento.
 *Pagpili – ibigay ang mabuti at masamang maaring mangyari
sa tauhan.
 *Papahirap na mga pagsubok – kakaharapin ng tauhan ang
ang serye ng mga pagsubok na dapat niyang
mapagtagumpayan upang matupad niya ang kanyang layunin.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
8. Sanhi at Bunga
 Sorpresa – magbigay ng sapat na kahirapan sa akda
upang hindi agad malaman ng mambabasa ang
kahihinatnan ng kwento.
 Pakikipagsimpatiya- hayaang mka kuha ng simpatiya
ang mga tauhan sa mga mambabasa na pa bang sila
ang nasa sitwasyong kinahahantungan ng tauhan.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
 Kaliwanagan ng isip o inspirasyon – hayaang
makakuha ng kaliwanagan o impormasyon ang
mambabasa buhat sa nabuo mong kwento.
 Unibersalidad-Maglahad ng isang pakikipagtunggali na
masisiyahan ng mga mambabasa kahit na nga ang
pakikipagtunggali sa isang pook o panahon.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
 Kahalagahan- kumbinsihin ang mga mambabasa na
lubhang mahalaga at Malaki ang mawawala sa tauhan
sa tauhan kapag hindi niya napagtagumpayan ang
pakikipagtunggali sa kwento.
PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
9. Linangin ang krisis o kasukdulan
 sikaping ang kasukdulan ay magaganap sa sa tamang
sandali.
10. Humanap ng kalutasan sa suliranin- Ang paglutas ng
suliranin ay maaring:
 Bukas – ang mambabasa ang makakatagpo ng kahulugan.
 Sarado- nalutas ang suliranin sa katapusan
 Balik lamang sa simula- katulad ng naunang sitwasyon o
imahen.
 Monologo- magbigay ng komento ang tauhan.
 Dayalogo – mag-usap ang mga tauhan.
 Literal na imahen o larawang diwa- tagpuan o aspeto
ng tagpuan na magiging kalutasan ng o katapusan ng
banghay.
 Simbolikong imahen- detalyeng kumakatawan sa
kahulugan lampas ba sa kahulugang literal.
 Kariktan- ito ay mga marikit na salita para mapasaya
ang mambabasa at mapukaw ang damdamin.
 Talinghaga- ito naman ay tumutokoy sa di-tiyak na
pagtukoy ng mga bagay na binabangggit.
KASANAYAN

Basahin ang buod ng isang halimbawa ng maikling


kwentong ang Mahiwagang bulaklak ng matandang babae
at ibigay ang mga aral o mensahe ng kwento at isulat ito sa
isang kalahating papel at pagka tapos ibahagi sa klase.
●Pamantayan
●Maayos napagkahatid ng mensahe___20puntos
●Nilalaman ______________30puntos
●Kabuoan _______________50puntos
Ang Mahiwagang Bulaklak ng Matandang Babae

Noong unang panahon may isang matandang babae


ng may magandang harden ng bulaklak sa tabi ng
lawa. Malapit ang matandang babae sa mga
mangingisdang naninirahan sa kalapit na baryo.
Madalas na bumisita ang mga mangingisda at ang kani
kanilang pamilya at matandang babae upang magbigay
ng isda kapalit ng ilang magaganda at mabangong
bulaklak mula sa harden.
Naniniwala ang mga mangingisda na mayroong anking
kapangyarihan ang matandang babae dahil palagng
nagliliwanag ang kapaligiran ay may kasamang babae at
duwendeng tumutulong sa pag aalaga ng tanim. Sinubukan
nilang tanungin ang matanda ngunit sinabi ng matanda na wala
siyang kasama.

Isang araw may isang mag asawa na bumisita sa baryo at


nakita nila ang magandang harden. Pumasok sila at pumitas ng
bulaklak ng walang pahintulot. Nakita sila ng matanda at
pinakiusapang umalis ngunit pinagkatuwaan lamang dahil sa
pangit nitong anyo.
Dahil sa kalopastangan ng dalawa ginawa
silang magandang kulisap. Noon din ay nagbago
ang anyo ng dalawa naging paro paro at nakita
lamang ng taong bayan na may kakaibang
kulisap na nag aaligid sa mga bulaklak.
TAKDANG ARALIN:

Para sa inyong takdang aralin gumawa ng


sariling Maikling kwento gamit ang mga
elemento nito, isulat ito sa isang kalahating
papel at ibahagi ito sa susunod na tagpo.
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!!`

You might also like