You are on page 1of 32

Carlos Palanca Awards

• Ang buong pangalan ng timpalak


pampanitikang ito ay Carlos Palanca
Memorial Awards for Literature na
binuksan noong 1950 bilang pag ala-ala
ng mga tagapagmana ni Don Carlos
Palanca Sr.
Ang mga Nanalo sa Palanca Awards

Si Etot ni: Eros S. Atalia

Dahil Wala Kaming Tubig ni: Benjamin Joshua L. Gutierrez

Hilaw at Luto sa Bangkete ni Kapitan Gimo ni: Allan Alberto N.

Derain
Eros S. Atalia
MAIKLING
KWENTO
Kahulugan ng Maikling Kwento
• Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama
ng Maikling Kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at bungang isip
na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.
• Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw
ng damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng
diwa o damdaming may kaisahan
Mga Salik/Sangkap ng Maikling Kuwento

Tagpuan
-Tumutukoy ito sa pook at panahong pinangyarihan
ng mga tagpo sa akda, naglalarawan ito ng
ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan.
Inilalarawan ito nang buong linaw, pati na ang
kaugalian ng mga nasa kapaligiran ay masisinag sa
mabisang pamamaraan.
Banghay
– Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng
mga pangyayari. Dapat itong maging maayos at
magkakaugnay upang maging matatag at
kapani-paniwala. Gaano man kapayak o
karaniwan ang mga pangyayari, ang pagiging
kawili-wili nito ay nakasalalay sa makatwirang
pagkakasunud-sunod na “magpapadulas sa
daloy ng salaysay.
Tauhan
– Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t
laging may pangunahing tauhan. Ang iba pa sa kuwento ay
tumutulong lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng
pangunahing tauhan sa akda. Sa kanyang galaw at ugali
nakasalalay nang malaki ang kagandahan ng akda. Kailangang
siya’y maging tunay at buhay. Siya at ang iba pang tauhan ay
inilalarawan nang di-tuwiran. Makikilala sila sa pamamagitan ng
kanilang panlabas na kaanyuan-pisikal at pananamit, kilos na
magpapahiwatig ng kanilang ugali at pili ng mga salita.
Mga Bahagi ng Maikling Kuwento
1.Panimula
• Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda
ang mga mambabasa sa isang kawili-wili
at kapana-panabik na akda. Humigit-
kumulang, ang mga sumusunod ay
nakapaloob sa mga unang talata ng akda:
A. pagpapakilala sa mga tauhan
B. pagpapahiwatig ng suliraning
kakahaharapin ng mga tauhan
C. pagkakintal sa isipan ng mga
mambabasa ng damdaming palilitawin sa
kuwento
D. paglalarawan ng tagpuan
2. Tunggalian
- Ito ang nagbibigay daan sa madudulang tagpo upang
lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga
pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sanliga ng akda.
Nagsisimula ito sa paghahangad ng pangunahing
tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa ka-
tuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na
nababagay sa kahalagahan ng layunin; at dapat na
magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga
mambabasa sa dakong huli.
3. Kasukdulan
- Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinaka- masidhing
pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging
ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng
pangunahing tauhan o ng bayani sa kuwento. Subalit bago
sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang
magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang
lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa
kahihinatnan ng pangunahing tauhan.
4.Wakas
-Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari
nang magwakas sa kasukdulan, may mga
pagkakataong kailangan pa rin ang isang katuusan
upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos
ng kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang paliwanag
o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing
tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga
mambabasa.
Mga Uri ng Maikling Kwento
1. Kuwento ng Pag-ibig
2. Kuwento ng Maromansang
Pakikipagsapalaran
3. Kuwento ng Madulang pangyayari
4. Kuwento ng katatawanan
5. Kuwento ng Katatakutan
6. Kuwento ng Tauhan
7. Kuwentong Bayan
8. Kuwento ng Katutubong
Kulay/Kapaligiran
Elemento ng Maikling Kwento
• Panimula
• Saglit na Kasiglahan
• Suliranin
• Tunggalian
• Kasukdulan
• Kakalasan
• Wakas
• Tagpuan
• Paksang Diwa
• Kaisipan
• Banghay
MGA TIPS SA PAGSULAT NG MAIKLING
KWENTO
1. Gawing kawili-wili ang mga unang
pangungusap ng iyong kwento.
a. Aksyon agad
- Iyan ang nararapat na mabasa sa unang
pagtingin pa lamang sa iyong kwento.
2. Linangin at paunlarin ang
Karakterisasyon
a. Idebelop ang isang buhay, humihinga, at
natatanging tauhan.
b. Ano ang hitsura ng iyong tauhan?
c. Paano kumilos ang iyong tauhan?
d. Paano magsalita ang iyong tauhan?
e. Paano mag-isip ang iyong tauhan?
3. Sumulat ng Makabuluhang
Usapan/Dayalogo
a. Bigyan ng sariling talata ang bawat nagsasalita.
Maaari ring isulat dito ang ginagawa ng tauhan
habang nagsasalita?

Huwag nang ipaliwanag pa ang ilang detalye upang


sa gayon ay mahamon mo ang mga mambabasa na
makapagbigay ng sariling hinuha tungkol sa kwento.
4. Pumili ng angkop na paningin o pananaw.
Gagamit ka ba ng unang panauhan o ikatlong
panauhan?
5. Gumamit ng angkop na tagpuan at
konteksto.
Subukin mong pumikit at isipin ang tauhang
kumikilos sa napili mong tagpuan.
6. Isaaayos ang banghay o mga pangyayari sa
kwento.
Piliin ang mga eksenang tiyak na magiging
kapana-panabik sa mga mambabasa. Kung
nahihirapan pa rin subukan ang
“brainstorming”.
Halimbawa: Ikaw ay isang payak na maybahay
at bigla na lamang umuwi ang iyong asawa at sinabing
hindi ka niya mahal at iiwan ka na niya. Ano ang
maaaring mangyari sa iyo batay sa sitwasyong ito?
7. Lumikha ng tunggalian at
tensyon
a. Hiwaga
b. Pagpili
c. Papahirap na mga pagsubok niya ang kanyang
layunin
d. Sanhi at Bunga
e. Sorpresa
f. Pakikipagsimpatya
g. Kaliwanagan ng isip o Inspirasyon
h.Unibersalidad
i. Kahalagahan
8. Linangin ang Krisis o
Kasukdulan

Sikaping ang kasukdulan ay magaganap sa


tamang sandali
9.Humanap ng Kalutasan sa Suliranin
Ang paglutas ng suliranin ay maaaring
• Bukas
• Sarado
• Balik lamang sa simula
• Monologo
• Dayalogo
• Literal na imahen o larawang diwa
• Simbolikong imahen
MGA TIPS SA PAGSULAT NG
MAIKLING KWENTO
•Paglalarawang-Tauhan
•Masining na Pagsulat
Maraming Salamat!
Sanggunian:

https://www.slideshare.net/rosemelyn/maikling-kwento

http://
ranieili2028.blogspot.com/2012/07/mga-tip-sa-pagsulat-ng-
maikling-kwento-1_27.html

You might also like