You are on page 1of 7

South Mansfield College

Roman Ave. Solidier Hills, Muntinlupa City

Maikling Kuwento
Katuturan:
- isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at
nangigibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

- maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay.


Hindi ito pinaikling nobela o buod ng isang nobela.

- Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay


napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa
isang paraang mabilis ang galaw.

Mga Katangian ng Maikling Kwento:


1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.

2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang


mga tauhan.

3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.

4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan


kaagad ng wakas.

5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento


1. Pamagat – tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at
daloy ng mga pangyayari.

2. May-akda – tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Sa pagtalakay sa bahaging ito ay


dapat makilala kahit na pahapyaw lamang ang katangian ng sumulat upang maikumpara
ang kanyang talino at pagkatao sa paglikha ng mga kwento at ang kaugnayan nito sa sariling
karanasan, pananaw sa buhay at sa paligid na kanyang kinabibilangan.

3. Panimula – ito ang simulain ng kwento. May iba‟t ibang paraan ng pagpapakilala rito:

a. Pagpapakilala sa mga tauhan – ipinababatid ang kanilang pagkatao lalo na ang


pangunahing tauhan, mapangibabaw ang katangian ng pangunahing tauhan upang
magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa.

b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan – kailangang pagitawin


ang suliranin ng pangunahing tauhan upang matiim sa isipan ng mga mambabasa na sa
kanya iinog ang mga sumusunod pang pangyayari.

Sanggunian: https://www.academia.edu/36077945/Ang_Maikling_Kwento
Filipino 9
South Mansfield College
Roman Ave. Solidier Hills, Muntinlupa City

c. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin sa kwento – ang


lahat ng mga pangyayari sa tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang
antigin sa mga mambabasa.

d. Paglalarawan ng tauhan – sa „di tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang


madama ng mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo na ng mga
bayani sa akda; mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning
kakaharapin ng pangunahing tauhan at ang damdaming nais maantig sa mambabasa.

4.Tunggalian – ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat


na maaaring isa ring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.

5.Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda humigit-
kumulang at malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa
paglutas niya sa kanyang suliranin.

6.Wakas – ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga
suliraning kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng kwento.

Mga Bagay Na Mahalaga sa Pagsulat ng Maikling kuwento

1.Ang Pamagat

Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:

1.hindi pangkaraniwan

2.Kapansin-pansin

3.kapana-panabik

Mga Pamagat na Dapat Iwasan

1. pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam”

2. pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento – halimbawa ay “ Anak na


Suwail,Nagsisi.”

3. pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa – halimbawa ay


“Naaagnas na Bangkay.”

4. pamagat na masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit.”

Sanggunian: https://www.academia.edu/36077945/Ang_Maikling_Kwento
Filipino 9
South Mansfield College
Roman Ave. Solidier Hills, Muntinlupa City

Maaaring Maging Mabuting Pamagat

1. pook na may malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon at Dagat-


dagatan ni

N.V.M. Gonzales.

2. pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa: Impong Sela ni Epifanio Gar.


Matute.

3. pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa: Bakya ni Hernando R. Ocampo

4. isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa : Maghilom May Balantukan


ni Mabini Rey Centeno

5. katotohanang pandaigdig o katotohanang pinatunayan sa kuwento: Uhaw ang


Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo.

6. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento halimbawa: May Gunita Pa Ang Mga


Bulaklak ni Jose

F. Sibal

2. Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa Buhay

Mailalarawan nang buong limnaw ng isang manunulat ang mga bagay na nais niyang
ilarawn kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang karanasan.
Hindi dapat tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat
maaaring limabas na malayo sa katotohanan. Isang halimbawa‟y isang manunulat na
naglalarawan sa kanyang kuwento na tungkol sa bansang Inglatera ngunit hindi pa siya
nakararating sa naturang bansa

Sanggunian: https://www.academia.edu/36077945/Ang_Maikling_Kwento
Filipino 9
South Mansfield College
Roman Ave. Solidier Hills, Muntinlupa City

Magagawang malinaw at kapani-paniwala ang paglalarawan o pagsasalaysay sa


pamamagitan ng pagamit ng tiyak na mga katangian o tiyak na mga pangyayari.

Sa ganitong paglalarawan, kailangang ilarawan ang pook na pagdarausan ng kasayahan,


ang kapaligiran, mga ilaw, mga pagkain, at iba pang bagay na maaaring makatulong sa
pagbuo ng larawan sa isip ng mga mambabasa.

3. Ang Usapan sa Kuwento

Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:

1. pagiging natural – Kailangan ang sagutan ay katulad ng sa tunay na usapan.


Nauugnay ang sinasabi ng sumusunod na nagsalita sa sinabi ng nauna. Mayayamot
ang bumabasa kung sa dalawang nag-uusap ay isa lamang ang palaging
nagsasalita at ang kausap ay tagausisa lamang na kahit mawala ay hindi magiging
kakulangan sa kuwento.

Ang mga sinasabi ng tauhan ay hindi dapat na napakahaba na tila nagtatalumpati, maaring
mahaba ang sinasabi ng tauhan kung gayon ang hinihingi ng kuwento.

Hindi kailangang maging buo ang pangungusap.Maaring magsalita, isang parirala, o


paputol-putol ang pagsasalita.

2. angkop ang tauhang nagsasalita – Sa pagsasalita ng tauhan ay kailangang makilala


ang likas niyang sarili at ang damdaming nag-udyok sa kanyang ikinilos. Kailangan
ang isang tauhan ay mamumukod sa mga kasaman niya sa pamamagitan ng
kanyang mga sinasabi. Maari siyang seryoso, madaldal, palabiro, utal,
nakayayamot, o kaya‟y mapambuska.

3. angkop na pangyayari – Kailangan sa pamamagitan ng sinasabi ng tauhan ay


malaman ng mambabasa kung anong damdamin ang nag-uduok sa kanya upang
magsalita nang ganoon.ang isang taong nagsisisi nang buong puso ay hindi
magsasalita nang mapangmataas. Ang isang taong takut na takot ay hindi maaring
magsalita nang mahinahon at buong katalinuhang sagutin ang tanong sa kanya.
Kung ang tauhan ay nagtatampo, bayaang makilala ang pagtatampo sa kanyang
mga sinasabi.

4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento – Kailangan ang pag-uusap ay


tumutulong sa pagsulong na galaw ng kuwento. Ang pag-uusap ay hindi dapat
gamiting kasangkapan upang maiparangalan ng may-akda ang kanyang
karunungan at kaliksihang isip.

4. Paglalarawang-Tauhan

Sanggunian: https://www.academia.edu/36077945/Ang_Maikling_Kwento
Filipino 9
South Mansfield College
Roman Ave. Solidier Hills, Muntinlupa City

Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng mga manunulat sa


paglalarawan ng tauhan:

1. paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan

2. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan

3. paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan

4. tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan

5. paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga


kasangkapang kanyang ginagamit

6. paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang


kinakaharap

7. paglalarawan ng mga sinasabi nfg ibang mga tauhan tungkol sa isang tauhang
tinitukoy sa kuwento

8. paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang tauhan

5. Masining na Pagsulat

May tatlong parran ang masining na pagsulat.

1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang

2. Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian sa


pananalita.

3. Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.

Mga Kailangan ng Isang Maikling Kuwento Tunggalian

May dula o kilos na madula ang isang kuwento. Kailangang magkaroon ng tunggalian upang
magkaroon ng dula. Tinatawag na tunggalian ang paglalaban ng pangunahing tauhan at
iba pang mga tauhan. Ang isang kaisipan ay maaring makipagtunggali sa isa pang kaisipan.
Ang ikapagtatagumpay ng alinman sa dalawa ay nasa manunulat. Maari namang ang isang
tauhan ay makipagtunggali sa kalikasan, tulad ng bagyo, at iba pang dulot ng kalikasan.

Nakapagdudulot ito ng kapanabikan at kasiyahan sa mga mambabas ang bawat


tunggalian. Hindi mabuting kuwento ang isang akdang walang tunggalian. Hindi ito magiging
kawili-wili sa mga mambabasa.

Kasukdulan

Sanggunian: https://www.academia.edu/36077945/Ang_Maikling_Kwento
Filipino 9
South Mansfield College
Roman Ave. Solidier Hills, Muntinlupa City

Nagbibigay na pananabik sa mga mambabasa ang bawat tunggalian. Ang mga


tungggalian sunud-sunod ay dumarating sa isang tanging bahagi na nagdudulot ng
pinakamasidhing pananabik. Ang bahaging ito ng pinakamasiding pananabik ay tinatawag
na kasukdulan.

Katapusan

Ang mga mambabasa‟y nananabik kung ano ang magiging wakas ng kuwento hangga‟t
hindi sumasapit ang kasukdulan. Nagpapatuloy ang mga mambabasa sa pagbasa upang
malaman kung ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan. Ang kuwento‟y magwawakas
na pakatapos ng kasukdulan. Hindi dapat na pahabain pa ang kuwento pagkatapos ng
kasukdulan sapagkat mawawala ang ganda nito. Dagling sundan ng wakas. Ang isang
makabagong manunulat ay maingat sa pagtatapos ng kanyang kuwento. Ang wakas ay
malimit na ipinapaubaya niya sa guni-gini ng kanyang mambabasa.

Sanggunian: https://www.academia.edu/36077945/Ang_Maikling_Kwento
Filipino 9
South Mansfield College
Roman Ave. Solidier Hills, Muntinlupa City

Obra Mestra – Ibong Adarna

Sanggunian: https://www.academia.edu/36077945/Ang_Maikling_Kwento
Filipino 9

You might also like