You are on page 1of 4

Colegio de la Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas City

College of Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

MF 14- PANUNURING PAMPANITIKAN

MIDTERM

WEEK 8

Name of the Unit Topic- Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento

1. Intended Learning Outcomes:


Pagkatapos ng isang linggong aralin, ikaw ay inaasahang:
a. natatalakay ang paraan ng pagsusuri sa maikling kuwento.
b. nasasabi kung ano ang mga dapat isaalang alang sa pagsusurin ng
maikling kuwento.

2. Introduction:

Paano mo masasabi na ang isang maikling kuwento ay makabuluhan? maganda?


mabisa? kapupulutan ng aral?

3. Inputs:
Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento

Elemento ng Maikling Kwento


1. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kwento .
2.Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
3.Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
4.Tunggalian - tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa
kapaligiran o kalikasan.
5. Magagandang Kaisipan o Pahayag - mga pahayag na nagbibigay mensahe o aral sa
mga mambabasa
6. Simula at Wakas - paraan ng mga manunulat kung paano iya sinimulan at winakasan
ang kwento. ito’y maaaring may magandang simula ngunit may malungkot na
katapusan.

Paraan sa Pagsusuri ng Tauhan


Bakit mahalaga ang tauhan sa kwento ? Ang ganda at bisa ng isang akda ay
nakasalalay sa paglalarawan at pagbibigay- buhay sa mga karakter na nalilikha ng
manunulat.
1. Suriin ang kwento ayon sa uri.
Mga Uri ng Maikling Kwento

Kwento ng tauhan - inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian


ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-
unawa sa kanila ng isang mambabasa.
Kwento ng katutubong kulay - binibigyang-diin ang kapaligiran at mga
pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga
tao sa nasabing pook. Kwentong bayan - nilalahad ang mga kuwentong
pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
Kwento ng kababalaghan - pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi
kapanipaniwala. Kwento ng katatakutan - naglalaman ng mga
pangyayaring kasindak-sindak.
Kwento ng madulang pangyayari - binibigyang diin ang kapanapanabik
at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa
tauhan.
Kwentong sikolohiko - ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin
ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng
maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan.
Kwento ng pakikipagsapalaran - nasa balangkas ng pangyayari ang
interes ng kuwento.
Kwento ng katatawanan - nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa
mambabasa.
Kwento ng pag-ibig - tungkol sa pag iibigan

2. Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob dito.


3. Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.
4. Suriin ito ayon sa taglay na bisa.

Uri ng Bisang Taglay sa Maikling Kwento


1. Bisang Pandamdamin – tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong
naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
2. Bisang Pangkaisipan – tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa
natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
3. Bisang Pangkaasalan – may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng
pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos
itong mabasa.

5. Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipunan


Gamitan ng teorya sa pagsusuri.

4.Pagsasanib (Involvement)

Ano ang mga paraan sa pagsusuri ng maikling kuwento? Ano ang mga dapat isaalang
alang sa pagsusuri nito?

5.Individual Worksheet
1. Ano ang mga dapat susuriin sa maikling kuwento?
2. Ano ang mga elemento ng maikling kuwento?
3. Ano ang mga uri ng maikling kuwento?
4. Ano ang mga bisang taglay ng maikling kuwento?

6. Interventions (Enhancement Activities):


Ano ang kahalagahan ng pagsusuri sa isang maikling kuwento?

7.References

tl.wikipedia.org/wiki/Pagsusuring_pampanitikan
bestschooleverblog.wordpress.com/panunuring-pampanitikan

Prepared by:

ANITA D. LASERNA, LPT, Ph.D.


Instructor
INDIVIDUAL WORKSHEET (To be submitted)

MF 14- PANUNURING PAMPANITIKAN

MIDTERM

Pangalan: ______________________________

WEEK 8

Sagutin ang mga katanungan.

1. Ano ang mga elemento ng maikling kuwento?


2. Ano ang mga dapat susuriin sa maikling kuwento?
3. Ano ang mga uri ng maikling kuwento?
4. Ano ang mga bisang taglay ng maikling kuwento?
5.Ano ang kahalagahan ng pagsusuri sa isang maikling kuwento?

You might also like