You are on page 1of 6

SHEET NG PAMPAGKATUTONG GAWAIN SA FILIPINO BAITANG -11

Unang Semstre : Malikhaing Pagsulat


Maikling Kuwento

KASANAYAN SA PAGKATUTO

1. natutukoy ang iba’t ibang elemento, teknik, at literary devices ng maikling kwento (piksyon)
(HUMSS_CW/MP11/12g-i-11); at
2. natutukoy ang iba’t ibang istilo ng pagkakabuo mg maikling kwento (piksyon)

AKTIBITI

Panuto:Tukuyin ang salitang nauugnay sa mga larawan

1. 3.

2. 4.

PAGSUSURI

 Nasagot mo ba ang mga tanong?

 Ano-anong elemento ba ang kailangan nating taglayin upang maging makabuluhan ang ating
buhay?
PAGPAPALALIM

Katuturan ng maikling kuwento

Ang maikling kwento ay isang akdang naglalathala at nagsasalaysay ng mga makatotohanang


pangyayari sa pang-araw- araw na buhay. Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng
Maikling Kwento, ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-
isip hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay. Ito ay nagpapakita ng isang makabuluhang
bahagi ng buhay ng tao. Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at
mabisang nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.

Elemento ng maikling kuwento

1. Tauhan
Ang nagbibigay buhay sa kuwento.
Dalawang uri ng tauhan
a. Tauhang lapad – ang tauhang lapad ay uri ng tauhan na hindi nagbabago ang ugali o
katangian mula simula ng kuwento hanggang sa huli.
b. Tauhang Bilog – ang ugali ng tauhang bilog sa kuwento ay nag-iiba.

2. Punto de bista
Ito ang pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari

Mga Uri ng Paningin


a. unang panauhan/1st- person POV
Ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyangnagsasalaysay ng kwento
sa pamamagitan ng unang panauhang “ako”

b. pangatlong panauhan/
Ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay
ng mga pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at
damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o
nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan.
Nasasabing nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang
itago.

c. tinakdaang obhetibong paningin


Ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento.Maaaring ang pangunahing
tauhan o di kaya‟y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento ang
tagapagsalaysay.

d. obhetibong paningin o paninging palayon


Ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera omalayang nakalilibot habang itinatala
nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysayay hindi nakakapasok sa
isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag.Tumatayong
tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya angginagawa ng
mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirangmasasabi ang
kanilang iniisip o nadarama.

3. Banghay
Ito ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento
a. linyar
b. modyular/episodik
c. mga tradisyunal na bahagi: eksposisyon, papataas na antas ng aksyon,
kasudulan/rurok,
kalakasan, resolusyon (denouement)

4. Tagpuan at kaligiran
Tumutukoy ito sa pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento. Naglalarawan ito ng
ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan, panahon at lugar

5. Tunggalian
Ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na maaring isa ring
kapwa tauhan, kalikasan o ng kanyang damdamin
Uri ng tunggalian
a. Tao laban sa tao
b. Tao laban sa lipunan
c. Tao laban sa kalikasan
d. Tao laban sa sarili’

6. Tema o paksa
Ito ang sentral na ideya sa loob ng kuwento o nag mahalagang kaisipan ng akda.

Mga Teknik at Kagamitang Pampanitikan

a. Panagano (Mood) /tono


Ito ang maglalantad sa kulay ng kalikasang pandamdamin ng kuwento. Maaaring
masaya ang kuwento o kaya’y malungkot. Mapanudyo, mapagtawa at maromansa.

b. Pahiwatig ng magaganap (Foreshadowing)


Pagpapakita ng mga yugto sa kuwento na nagbibigay ng ideya ng maaring maganap sa
hinaharap.

c. Simbolismo at motif
Mga talinghaga na ang layunin ay makintal ng isang bagay sa isip ng mambabasa.
Layunin nito ang kumatawan sa isang uri ng damdamin, bagay, paniniwala o kaisipan.

Bahagi ng maikling kuwento

1. Simula
Lubhang mahalaga ang bahaging ito sapagkat dito nakasalalay ang kawilihan ng
mambabasa. Kinapapalooban ito ng mga sumusunod:
a. Pagpapakilalla sa tauhan
b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan
c. Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming palilitawin sa kuwento
d. Paglalarawan ng tagpuan

2. Saglit na kasiglahan
Naglalahad ng panadaliang pagtatagpo ng mga tauhang nasasangkot sa suliranin

3. Suliranin
Problemang haharapin ng tauhan

4. Kasukdulan
Sa bahaging ito unti-unting naalis ang sagabal, nalulutas ang suliranin, dito natutukoy ang
katayuan ng pangunahing tauhan kung siya ay mabibigo o magtatagumpay

5. Kakalasan
Tulay sa wakas

6. Wakas
Naihahatid ng may-akda ang mensahe sa bahaging ito sa wakas ng kuwento.

GAWAIN 1

Panuto: Tukuyin ang titik ng tamang sagot sa mga sumusunod na pahayag.

1. Ito ay isang maikling salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayari na kinasasangkutan ng


iilang tauhan at may iisang kakintalan lamang.
a. Maikling kwento b. Malikhaing Pagsulat c. Tula d. Pagsulat
2. Ang bahagi ng banghay kung saan naipakikilala ang mga tauhan, tagpuan, at tema.
a. Simula b. buod c. Banghay d. gitna
3. Nagbabago ang katangian, kilos ng tauhan sa kwento dahil sa mga pangyayari sa loob ng
kwento.
a. Pangunahing Tauhan b. tauhang Bilog c. tauhang Lapad d. tauhang oblong
4. Ito ang bahagi ng banghay kung saan ang pagtaas ng pangyayari ay humahantong sa
kasukdulan.
a. Kakalasan b. Suliranin c. Gitna d. Simula
5. Sa bahaging ito ng banghay inilalahad ang kinahinatnan ng kwento.
a. Kasukdulan b. Wakas c. Kakalasan d. Simula
6. Ang tauhang walang pagbabago sa kanyang katangian kahit ano pa man ang mangyari sa
loob ng kwento.
a. Tauhan b. tauhang Lapad c. tauhang Bilog d. tauhang oblong
7. Nalalaman niya ang iniisip o kinikilos ng isa sa mga tauhan subalit hindi ang iba pa.
a. Awtor b. maladiyos na panauhan c. Unang Panauhan d. Limitadong
Panauhan
8. Ito ang nagsisilbing tulay sa wakas ng pangyayari sa kwento.
a. Kakalasan b. Kasukdulan c. wakas d. pababa
9. Ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng may-akda hinggil sa nais iparating ng kwento.
a. Tema b. Wakas c. Mensahe d. Suliranin
10. Ito ay basehan ng kayarian at masining na pagkasunus-sunod ng magkakaugnay na
pangyayari
a. Banghay b.Yugto c. Tema d. Tagpo
11. Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang pahayag na ito. "Nakikialam ang kura sa pagtuturo
ng guro dahil ito ang sistema ng pamamahala sa paaralan."
a. Tunggaliang tao sa tao c. Tunggaliang Tao sa lipunan
b. Tunggaliang Tao sa saril d. Tunggaliang Tao sa kalikasan
12. Tukuyin kung anong uri ng tunggalian ang pahayag na ito "Kinayamutan ng guro ang
pagtuturo.Binalak nitong magbago ng hanapbuhay ngunit wala siyang magawa."
a. Tunggaliang tao sa tao c. Tunggaliang Tao sa lipunan
b. Tunggaliang Tao sa saril d. Tunggaliang Tao sa kalikasan
13. Ito ang sentral na ideya sa loob ng kwento o ang mahalagang pangkaisipan ng akda
a.Banghay b. tauhan c. paksang diwa d. kaisipan
14. Siya ang tinaguriang ama ng maikling kwentong Filipino.’
a. Edgar Allan Poe b. Deogracias A. Rosario c. Virgilio Almario d. Efren Abueg
15. "Pero minsa'y naisip ko ngang kahit saan tayo pumunta sinusundan tayo ng trahedya" Ano
ang
kahulugan ng matalinghagang pahayag na may salungguhit?
a. Swerte b. Hamon c.Kabiguan d.Masaklap na
pangyayari

GAWAIN 2 :Tukuyin ang elemento ng maikling kuwento.

_____________1. Sa iskalated ng munispyo ng bayan ng San Roque

_____________2. Isang biyudo na may anak na dalaga. Pagsasaka ang kanyang ikinabubuhay.
Ikinulong siya dahil tinaga niya ang kabeza de barangay ng kanilang bayan.

_____________3. Pinuntahan ni Kabesang Tano si Tata Selo sa sakahan nito. Pilit napinalalaysa ng
kabesa si Tata Selo dahil ipapasaka nito ang kanyang lupa saiba. Nang makiusap si Tata Selo, sa
halip na pakinggan ay tinungkod siya nang tinungkod ni Kabesang Tano kaya nataga ito ni tata Selo.
Pagkatapos, nakulong si Tata Selo sa iskated ng munisipyo.

_____________4. Mag-iikapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon.
May kapiraso nang lilim sa istaked, sa may dingding sa steel matting,ngunit si Tata Selo’y wala roon.
Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakongharapan ng istaked. Nakatingin sitya sa labas, sa
kanyang malalabo at tilalagi nang nag-aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw.
Salabas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang inutusan niya kangina.Sinasabi ng bata na
ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunithindi siya pinakikinggan ni Tata Selo, na
ngayo’y hindi na pagbawi ng sakaang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas,
sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! ang lahat ay kihuna na sa kanila...
_____________5. Unang naroon sa munisipyo ang binatang anak ng pinakamayamang propirtaryo
sa San Roque. Inusig nito si Tata Selo kung bakit niya pinatay si KabesangTano kaya ipinagtanggol
ni Tata Selo ang kanyang sarili sa pamamagitan nang pagsasalaysay sa kung paano nagsimula ang
insidente. Huling dumating ang alkalde at ang hepe ng pulisya na galing pa sa bahay ng nasirang
kabesa.May pagkayamot na tiniyak ng alkalde ang hatol na pagkakabilanggo kayTata Selo.
Pinangatwiranan pa rin ni Tata Selo na siya ang unang inagrabiyado at ipinagtanggol lamang niya
ang kanyang sarili ngunit tila wala nang ibang naririnig ang mga may kapangyarihan.

GAWAIN 3

Sumulat ng maikling kuwento na gumagamit ng iba’t ibang elemento.(10 puntos)

You might also like