You are on page 1of 4

MASINING NA PAGPAPAHAYAG

FILIPINO 12

(Midterm Modyul)

College Department

Instructor: Aireen J. Rabanal

Modyul 8 : PAGGAMIT NG MAIKLING TAGPO NG BUHAY

Namamalayan man natin o hindi, lahat tayo ay manunulat. Nangongolekta tayo ng impormasyon para mabuhay.
Natututuhan natin kung aling kalye ang delikadong daanan, anong mga gawi ang nagpatanyag sa atin. Natututuhan natin
kung paano magdamit, maglakad, magsalita, at tumawa. Ang lahat ng nakikita, naaamoy, naririnig, nalalasahan,
nahahawakan ay nakaimbak sa ating utak. Nakaimbak doon kung paano tayo dumama at mag-isip. Nakakolekta na an
gating mga utak ng sapat na impormasyon para sa libu-libong paksa kahit para sa anumang ibig sulatin-liham,
komposisyon, dokumento, marami pa!

ANG DYORNAL AT TALAARAWAN: MGA EKSENA NG KARANASAN

Ayon kina Bisa at Sayas(1995), ang dyornal ay pansariling tala-maaaring naisulat sa isang notbuk-na naglalaman ng mga
obserbasyon, mga kaisipan, at mga damdamin ng manunulat. Imbakan ng mga ideya ang dyornal. Sa hinaharap sa pag-
alaala mo sa iyong nakalipas na mga karanasan,mapakikinabangan mo ang dyornal sapagkat ikaw ay nagtala ng higit sa
mga bagay-bagay lamang na ginawa at nakita mo.Maaaring ikaw ay maging istoryador, makata, nobelista,kuwentista, o
mandudula at nag mga nasulat doong mga ideya ang mapaghahanguan mo ng akdang maaari mong sulatin.

“May mga paalaala si Greenberg (1992) kaugnay ng pagtatala sa dyornal:

1. Sumulat ng dyornal araw-araw.

2. Sumulat ng mga bagay na mahahalaga at isulat lamang ang totoo.

3. Samahan ng mga detalye ang nakita,narinig,naramdaman,nalasahan,naamoy.

4. Isulat ang reaksyon sa naobserbahan at naranasan.

Karagdagang paalaala: Mahalagang lagyan mo ng petsa bawat tala.Araw-araw, maglaan ng sampung minute sa
pagsulat,mababa man o maikli ang tala.

TALAARAWAN – Ang talaarawan ay pang-araw-araw na tala, lalo na ng sariling karanasan; tala pa rin ito ng
mga kaisipan. Isa itong aklat na nagtatala ng mga pangyayari at mga personal na obserbasyon. Ang talaarawan ay
kalimitang malaki ang halaga sa mga istoryador at tagatala ng talambuhay, lalo na yaong mga sinulat para sa personal na
kasiyahan at hindi para mabasa ng iba.

ANG TALAMBUHAY AT ANG REPLEKSYON

Ang talambuhay ay personal na tala ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao, dakila man o hindi. Mababasa mo roon an
gang kanyang kabataan, ang panahon ng pag-aaral, ang pagsalunga niya sa buhay na bumabanggit ng mga kabiguan at
tagumpay. Sa alinmang uri ng talambuhay, mahihiwatigan ang pag-uugali, paniniwala mga pagpapasyang ginawa at nag
pilosopiyang naging patnubay niya sa buhay.

Ang repleksyon ay personal na pagpapahayag ng iyong saloobin. Kasingkahulugan nito ang mga salitang
pagwawari-wari, pagdidili-dili, pabubulay-bulay,paglilimi, pagninilay-nilay, pagkukuro, kaisipan (L. English 1998).

Higit na malalim ang pagtalakay mo rito sapagkat sisikapin mong maituon sa isang aspeto ng buhay ang gagawin
mong paglalahad ng mga pagkukuro at kaisipan ukol ditto.Narito ang iyong personal na pananaw na maaaring bunga ng
iyong mga karanasang sikolohiko,sosyolohiko, at espirituwal.

MODYUL 9: MGA PANGUNAHING BATAYAN NG MGA SALAYSAY AT PAGBASA NG MGA

HALIMBAWANG AKDA
Disenyo at Balangkas

Ang mga bihasang manunulat ay nakapagplano ng kanilang mga akda-mga maikling kuwento o iba png anyo ng salaysay-
sa isipan lamang at hindi na nangangailangan ng balangkas. Para sa magsisimula pa lamang sumulat,makabubuti ang
magbalangkas ng kanyang plano.Bawat anyo ng sulatin ay may kanya-kanyang espesyal na paraan ng pagbuo.Subalit
lahat ng mga pagbubuo ay nagtataglay ng batayang layunin:matutulungan ang manunulat na malinawan at mabigyang-
anyo ang kanyang mga ideya sa ideya sa isipan o sa papel na pagsusulatan ng balangkas.

“Mga bagay na dapat isaalang-alang sa paggawa ng balangkas:

A. Tagpuan- lugar na pinangyarihan at panahon kung kalian nangyari.

B. Mga tauhan – mga taong kasangkot

C. Usapan – mga sinabi : paraan ng pagsasabi

D. Banghay – kaayusan o kawing ng mga pangyayari

E. Kahulugan – kahalagahan sa iyo ng pangyayari

“Tatlong bahagi ng Salaysay”

1. Panimula – nagbibigay ng kuwadro sa istorya, ito ang nagtatakda o naghahanda ng pagsasalaysay

2. Gitna – ang nagsasabi kung paanong nangyari sa tauhan o mga tauhan at kung ano-ano ang sinabing tumutulong sa
pag-unlad o pagdaloy ng mga pangyayari sa kuwento.

3. Wakas – nagdadala sa mga pangyayari sa konklusyon at nagbibigay ng kabuuan at kaganapan.

MODYUL 10: PAGSASALAYSAY O PAGKUKWENTO

Ang Paggamit sa Pagsasalaysay

1. Ang mahusay na pagsasalaysay ay matapat at maliwanag na sumusunod sa naging takbo ng mga pangyayari.

2. Sinasadya ng isang mahusay na pagsasalaysay ang hindi pantay na pagtingin sa mga pangyayaring isasalaysay.

3. Ang isang mahusay na pagsasalaysay ay gumagamit ng malinaw at walang pagbabagong pananaw o punto de vista.

Ayon kina Winkler at Mc Cuen (1998), ang mga pangunahing pananaw ng pagsasalaysay ay ang:

a. Pananaw ng marunong sa lahat – ang nagsasalaysay ay parang diyos na nakababatid ng kalahat-lahatan.

b. Pananaw sa unang panauhan – isinalaysay ito mula sa isipan ng nag-iisang tauhan na tumutukoy sa sarili ng “ako”.

c. Daloy ng Kamalayan – ay nangangailangan ng kakaibang teknik o pamamaraan.

SINTESIS
Nagsimula ang anyong pasalaysay sa mga katutubong kuwentong- bayan hanggang sa matutuhan ang masining na pagsulat ng
maikling kuwento. Naging bahagi ng karanasan ng bawat manunulat ang magpahayag nang pasalita o pasulat na tumutukoy sa mga
karanasan, maaaring nasimulang sulatin sa isang talaarawan, isang dyornal, sariling talambuhay, o mga repleksyon. Mula rito’y
natutuhan natin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasalaysay, tulad ng pananaw, panauhan, estilo, at kung sino ang magiging
mambabasa. Sa pagsasalaysay, mahalagang makapaghatid siya ng mahahalagang mensahe na nakapagbigay- lugod sa pamamagitan
ng masining, angkop, at tiyak na paggamit ng wika.

MODYUL 11: PAGLALARAWAN

Nagagawa ng paglalarawan ang gumamit ng mga salitang nagpapahiwatig ng nakikita, naaamoy, nalalasahan,, naririnig,
napakikiramdaman, at nadarama ng kaisipang iniuugnay sa mga karanasan. Napakahalaga ng paglalarawan sa
sumusulat. Nagagawa nitong maipakita sa mambabasa ang daigdig sa pamamagitan ng paningin at pandama. Maaaring
ipinta ang mga tanawin at mga bagay-bagay na singkinang ng mga kulay ng bahaghari, ang maharlikang pagtatanghal ng
isang dulang musical, o kahit ang pinakadukhang pagkakatumpuk-tumpuk ng mga barong-barong na tirahan ng mga
iskuwater.

Ang Mahusay na Paglalarawan

1. Ang mahusay na paglalarawan ay nagsisimula sa matipuno at tiyak na nangingibabaw na impresyon . Hindi


tinatangka ng mahusay na paglalarawang magpakita o magsabi ng lahat-lahat: sa halip ang pokus ay nasa piniling
nangingibabaw sa pangunahing katangian ng isang bagay o tanawin.

2. Ang mahusay na paglalarawan ay gumagamit ng mga larawang-diwa at ng mga salitang makahulugan at


matalinghaga. Figurative ang paglalarawan sa isang malungkot na tanawin: isang nangungulilang babae, katabi ang
matapat na aso na napag-isa na sa pagbabantay sa bangkay ng kanyang asawa.

3.Ang mahusay na paglalarawan ay nananawagan sa lahat ng mga pandama: hindi limitado ang mahusay na
deskripsyon sa nakikita lamang ng manunulat. Kaugnay nito, hindi lagging biswal ang dapat maging dominanteng
impresyon kundi madali ring ibatay sa alinman sa mga pandama. Kung ibig mong ilarawan ang isang tanawing sinalanta
ng bagyo, hindi lamang ang tanawin ang mabibigyan ng deskripsyon. Maaaring ang ingay at tunog ng paligid ang mapag-
ukulan mo ng paglalarawan.

Dalawang Uri ng Paglalarawan

1. Paglalarawang walang kilos o galaw

2. Paglalarawang may kilos o galaw

SINTESIS
Paraang paglalarawan ang nagbibigay ng hugis o anyo sa mga bahagi ng pagsasalaysay na tumutukoy sa mga bagay na hindi nakikita.
Sa pamamagitan ng paglalarawan, nagiging kongkreto at maliwanag na nalilikha sa isipan ang mga binubuong larawan. Gumagamit
ang paglalarawan ng dominanteng impresyon isang pangunahing katangian ng isang bagay o tanawin upang ito ang maging pokus ng
gagawing paglalarawan, Samantala, sa pagsulat ng maikling kuwento, higit na kailangan ang paglalarawang may kilos o galaw.

MODYUL 12: ANG PAGSULAT NG PANIMULA

Ang panimula ang nagtatakda ng tanghalan para sa mga mambabasa upang maihanda sa susunod na bahaging simula
naman ang aksyon ng salaysay. Sa pagsisimula , ang mga unang ilang pangungusap ay kailangang mahatak agad ng
mambabasa, maihiwalay sila sa tunay na daigdig na gingalawan nila upang maging bahagi sila ng mundong nilikha sa
kuwento. Kailangang makaganyak ang panimula sa mambabasa upang kawilihan ito at ipagpatuloy ang pagbasa sa
kuwento.

Mga Uri ng Panimula

1. Paglalarawan ng Kapaligiran o Tagpuan

Maliwanag na nakapagtakda ng tagpuan: nadadala nito ang mambabasa sa bungad ng isasalaysay na mga

pangyayari.Naging maingat ang mga awtor sa apgagamit ng mga detalye at waring buhay na buhay ang

kapaligiran dahil sa mga galaw, kalangkap ang paglalarawan ng mga taong ibig makaalam sa nagaganap.

2. Paglalarawan ng Pangunang Tauhan

Umaakit kaagad sapagkat karaniwan nang intresado tayo kung sino ang tauhan at kung ano sila. Ang panganib

lamang nito’y kung ang panimula ay magpapabagal sa daloy ng pagkukuwento. Ang manunulat ay kailangang

magpasya kung alin ang higit na mahalaga ang tauhan o ang aksyon.

3. Panimula sa Kalagitnaan o sa Pagwawakas Halos ng mga Pangyayari

Maaaring makagulo sa mambabasa sapagkat wala ang inaasahan mong panimulang nagtatalaga ng

pinakakuwadrado ng istorya. Ang ganitong panimula ay dapat na maingat na maplano upang mapuno agad ang
mga kailangang detalye.

4. Panimulang Gumagamit ng Salitaan o Usapan

Naghaharap agad ng palaisipang pumupukaw agad ng kawilihan. Hahangarin na ating ipagpatuloy ang pagbasa

pagkat sa naganap na salitaan ay may nahihiwatigan tayong mga nakakubling kuwento. Nagpapahiwatig din ang

salitaan ng pagkatao ng mga kasangkot sa kuwento,gayundin ng himig at atmospera.

5. Panimulang Gumagamit ng pagsasalaysay

Madaling umakit sapagkat may ibinibigay kaagad na mga pahiwatig na suliraning bahagi ng kuwentong

Isasalaysay. Karaniwang panimula ang mga ganito ng nagsasalaysay ng mga pangyayari sa paraang sunod-sunod

o ayon sa panahon.

6. Paggamit ng Isang Masaklaw na Pangungusap o Panimulang Nagbibigay-puna sa Kahulugan ng Karanasan

Madling masusundan ng baguhang manunulat. Nailatag na kaagad ang tila tesis na mga pahayag at magiging

natural ang pag-akay sa manunulat na buuin ang kanyang kuwento.

SINTESIS
Ang panimula ng kuwento ay dapat na nakaganyak at nakatatawag ng apnsin ng babasa. Sa pagsisimula ng kuwento, ang mga
manunulat ay gumagamit ng iba’t ibang pamaraan. May gumagamit ng paglalarawan , at dito’y binabanggit ang panahon, pook at
ang mga pangunahing tauhan. Mayroon namang gumagamit ng salitaan, may nagsisimula sa isang nakatatawag-pansing kilos ng isa
sa mga tauhan, at mayroon namang nagbubungad kaagad sa isinasalaysay na mga pangyayari sa kuwento. May gumagamit ng
patumbalik na simula o paglalahad na agad ng wakas sa bungad ng kuwento, at may gumagamit din ng isang masaklaw na
pangungusap. Ang mga ganitong panimula ay ginagamit sapagkat hangad na simulant agad ang galaw ng kuwento, o ipakilala ang
mga tauhan, o ilahad ang tagpuan, o ipahiwatig ang pangunahing kaisipang nilalaman ng kuwento.

Gawain 1:

Gumawa ng talaarawan sa loob ng dalawang araw.

Gawain 2:

Sa isang long bond paper, Gawan ng Panimula ang kwentong “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Matute

You might also like