You are on page 1of 30

PAGSASALA

YSAY
YUNIT 5
• Sa buhay natin, kadalasan tayo ay nagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, lagging ang
layunin ng pagsasalaysay ay magkuwento ng mga magkakaugnay na mga
oangyayari langkap ang mga kalagayan ng tauhan at tagpuan. Kabilang dito ang
pagtatalakay ng mga kawil-kawil na mga pangyayari na nasasasihan natin sa loob
man o labas ng ating tahanan. Napagsusunod-sunod nating talakayin ang bawat
detalye ng ating salaysay o kuwento kayat nasasagot ang mga tanong na ano,
sino, saan, kanino, kalian, bakit, maging paano.
• Sa pagsasalaysay, lagging kakailanganin ang mga tauhang gumaganap, ang
sitwasyong kinasangkutan ng mga tauhan, ang pook ba pinangyarihan at ang
panahon ng pagkaganap ng mga pangyayaring ikinuwento. Karaniwang
ikinukuwento natin ag tingkol sa isang pook na pinagganapan ng maraming
makabuluhang tagpo. Ikinukuwento natin ang tungkol sa panahong sumaksi sa
makukulay at makasaysayang pangyayari. Hindi magiging matingkad ang mga
larawan ng mga tauhan, pook, panahon at pangyayari kung sa mga salitang
magbibigay-buhay at magpapadama, kung kulang sa mga salitang
makapanggigising at mapupukaw sa guni-guni. Kaya nga, dito kakailanganin ang
paglalarawan.
HANGUAN NG ISASALAYSAY
1. SARILING KARANASAN.
Sa baguhang mananalaysay na medyo di pa gaanong sanay ang utak sa
pagsasalaysay, ang pag-alala sa mga naging karanasan ay isang mainam na paksa.
Dahil ito’y sarili natin, nagagawa nating palawakin ang mga pangyayari na di
nasisira kung ito’y batay sa orihinal dahil buo ang ating kaalaman sa tinatalakay.
2. SA NARIRINIG O NAPAKINGGAN SA IBA
Hindi masamang maisulat mo ang buhay ng iba kung ang layunin mo ay
maganda. Bilang manunulat, nasa saiyong kaparaanan sa laranagn ng
pagsasalaysay ang maistilong pamamaraan sa pagtalakay ng mga pangyayari sa
buhay ng iba. Ang mga isyung napalunggan, balitang nariig sa radio otelebisyon,
pangyayaring sinasabi ng iba ay magsisilbing paksa ng pagsasalaysay. Ngunit
alalahanin natin na di lahat ng naririnig o napakinggan ay dapat isulat yaon
lamang karapat-dapat at nakasisiguro ka, dagdag pa ang matutuhan.
HANGUAN NG ISASALAYSAY
3. NAPANOOD SA TELEBISYON O PELIKULA
Sa panonood ng pelikula o ng telebisyon maging maanuri tayo upang mula
rito’y makabuon ng panibagong isasalaysay. Gamitin lamang ang sariling talino
at kaparaanan sa gawaing pagsasalaysay gayundin paganahin ang imahinasyon.
4. BUNGANG-ISIP-
Sa galaw ng isip o imahinasyon ng manunulat nakalilikha ito ng isang di
karaniwang salaysay. Salaysay na maaaring maging obra maestra pagdating ng
panahon dahil bagamat bungang-isip may mga detalyeng iniisa-isang isalaysay.
5. PANAGINIP/BUNGANG-TULOG
Sa taong may malikot na imahinasyon ang bungang-tulog ay mapanghahawakan
para sa isang magandang salaysay. Tulad ng bungang-isip, nasasagot din nito
ang mga pangunahig tanong.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA SALAYSAY
1. MAY MAIKLI O ORIHINAL NA PAMAGAT
Kaakit-akit ang isang pamagat na maikli lamang dahil higit mong
naikikintal sa isipan ng mambabasa. Ang maikling pamagat ay maaaring
isang salitang pang-uri o palarawan ng pangunahing tauhan. Maaaring
ito’y pangalan ng pangunahing tauhanm pangalan ng lugar o isang
pangyayari sa kuwento.
Gumaganda rin ang pamagat kunga ito’y angkop sa nilalaman ng kuwento.
Nakikita rito ang mahalagang kaugnayan ng mga pangyayari sa kuwento.
2. NAKIKITA ANG KAHALAGAHAN NG PAKSA O NG PANGUNAHING
DIWA.
Sa isang mahusay sumulat, magagawa niyang maipakita ang kahalagahang
paksa o diwa ng kuwento sa daloy ng mga pangyayari sa akda.
KATANGIAN NG MAHUSAY NA SALAYSAY
3. MAAYOS AT DIRETSONG NAIPAPAKITA ANG MGA PANGYAYARI AYON
SA PAGKAKASUNOD-SUNOD NITO.
Ang salaysay na di maligoy ay madaing unawain. Higit itong nakatatawag
pansin sa mga mababasa kayat siguradong tatapusin ang pagbabasa ng
akda. Sakaling muli na siya’y nakatunghay ng maikling kuwento di niya ito
palalampasin na di nabasa o natuunghayan. Ang sekreto, dahil di naging
maligoy ang akda at maayos pang napagsusunod-sunod ang bawat
himaymay ng akda.
4. HINDI NAKAKABAGOT ANG SIMULA AT WAKAS NG SALAYSAY
Sa isang kuwento sadyang pang-akit ng mambabasa ang simula at wakas
ng akda. Sa simula, dito makikita ang suliraning iiral sa kabuuan ng akda.
Sa wakas, naman mahihiwatigan ang kanilang maiiwan sa mga
mambabasa.
MGA ELEMENTO NGNG NAKAPAGPAPAGANDA SA DIWA
NG SALAYSAY
1. TAUHAN.
Sila ang mga taong bumubuo ng maikling kuwento. Ang kilos ng bawat isa’y
mahalaga sa kabuuan ng maiking kuwento. Sa kilos nila’y napag-iiba-iba at
napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa akda.
2. TAGPUAN
Ang lugar na pinanguyayarihan ng mga detalye sa akda ay may malaking bahagi
sa salaysay ng akda. Ang tagpuan ay naaayon sa diwa ng kabuuan ng kuwento.
3. BANGHAY
Ang bahaging ito ang nagsasaysay sa mababasa ng kabuuan ng mga pangyayari
sa kuwento. Nandito ang suliraning lumalabas sa kuwento gayundin ang
kalakasan ng suliranin. Dito makikita sa bahaging ito ang kabuuan ng istorya.
MGA ELEMENTO NGNG NAKAPAGPAPAGANDA SA DIWA
NG SALAYSAY
4. TUNGGALIAN
Dito makikita ang suliranin o sigalot sa loob ng maikling kuwento.
Mauuri ito sa tatlo:
a. Tinggalian laban sa sarili- a istwasyong ito, ang tauhan mismo
ay halos nalilito kung gagawin niya ang bagay o hindi.
b. Tunggalian sa iba pang tauhan- dito’y naglalaban ang hangarin
ng dalawang tauhan. Ang sa bida at sa kontrabida ng kuwento.
c. Tunggalian laba sa kapaligiran o kalikasan- dito ang
pangunahing tauhan at ang mga tao sa paligid niya ang may
suliranin.
MGA ELEMENTO NGNG NAKAPAGPAPAGANDA SA DIWA
NG SALAYSAY
5. KASUKDULAN
Ito ang bahaging , ika nga kahindik-hindik. Narito ang pinakamataas na
damadamin na mararanasan sa pagbabasa niya. Pagkatapos ng kasukdulan
agad bumubulusok ang kakalabasan sa suliranin sa loob ng kuwento. Minsan
bilang istilo, may mga manunulat na di inilalagay sa akda niya ang kakalasan ng
suliranin. Dito na sinasabi ng mambabasa na siya’y nabitin.
6. PAKSA/TEMA
Ito ang mahalagang pinag-uusapan o tinatalaay sa kuwento. Nakasentro sa
paksa ang daloy ng mga pangyayari sa kuwento. Inihahayag ito sa daloy ng
pangungusap at hindi sa iisang salita lamang.
7. WAKAS- Ito ang huling bahagi ng kuwento na nagsasabi ng kapalaran ng mga
tauhan. Matutunghayan din dito ang iiwang mensahe/kaisipan ng awtor sa
mga mambabasa.
Iba’t ibang uri ng Salaysay.
1. MAIKLING KUWENTO- ito ay uri ng panitikan na sa isang upuan maaaring
matapos kaagad ang binabasa. Kakaunti ang mgatauhan at iisa ang tagpuan
at may iisang paksang pinag-uusapan.
MGA URI NG MAIKLING KUWENTO
a. Kuwento ng Tagpuan- sa bahaging ito, higit ang igat na ibinibigay sa lugar,
sa daloy ng mga pangyayari.
b. Kuwento ng Tauhan- ang sentro ng kahalagahan sa daloy ng kuwento ay
nakikita sa galaw, kilos, pananalita at sa kaisipan ng pangunahing tauha.
c. Kuwento ng Banghay- ang tuon sa uring ito ay nakasentro sa mga
pangyayari sa kuwento(masalimuot at di masalimuot) gayundin sa
ginagalawan ng tauhan.
Iba’t ibang uri ng Salaysay.
2. ALAMAT- uri ng panitikan na isinasalaysay ang pinagmulan ng mga bagay-
bagay. Maaaring ito ay lugar, katauhan, pangalan, bagay, pangyayari at iba pa.
3. ANEKDOTA- Ito salaysay na ibinatay sa tunay na naganap sa buhay ng isang
tao. Maaaring nakattutuwa o nakalulungjot.
4. TALAMBUHAY- ito ay tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na maaaring
siya mismo ang sumulat o ito ay sinulat ng iba para sa kanya.
5. NOBELA- binubuo ito ng maraming tauhannat mga tagpuan at may
kasalumuotan ang daloy ng mga pangyayari sa akda. Hindi ito tulad ng kuwento
na maaaring matapos basahin sa loob ng ilang oras o isang araw.
6. JOURNAL- salaysay na karaniwang nagaganap sa buhay, mga naobserbahan sa
pali-paligid, naobserbahan sa kapwa at sa iba pa. maikli lamang ito, paktuwal at
di pinapasuka ng sariling opinyon, haka-haka o kuor-kuro. Maaaring ibilang dito
ang tala ng mga nangyari sa kanyang paglalakbay, pakikipagsapalaran.
(travelogue)
Gawain
1. Paano naiiba ang salaysay sa iba pag uri ng pahayag?
2. Igawa ng maikling salaysay ang mga sumusunod na
sitwasyon:
a. Ang mga naalala mo noong High School kayo.
b. Nang unang may nanligaw sa iyo o nanligaw ikaw.
c. Unang kabiguang natamo sa buhay.
PANGANGATWIRAN
• Sa mataming pagkakataon, ang anumang isyu, pambansa man o pandaigdig,
ay lagging nagbubukas ng iba;t ibang paksa na maaaring pagtalunan.
Maaaring sang-ayon o di sang-ayon sa nakaharap na katarungan at anuman
ang papanigan. Mangangailangan ng pagpapahayag na epektibo at maayos
para mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa.
• Halos sa araw-araw tayo’y nangangatwiran, pilit nating ipinagtatanggol ang
ating sarili sa tulong ng mag bagay na magpapatunay o siyang katibayan ng
ating pahayag. Pinagbubuti natin ang pangangatwiran nang sa gayon tayo’y
paniwalaan at nang sa gayundin tayo’y Manalo kung ito’y contest.
• Hindi madali ang mangatwiran dapat buo ang ating loob at paninindigan.
Maging ang pananalita mo’t kilos ay dapat kapani-paniwala kung ang nais
mo’y makakumbinsi at manindigan.
PANGANGATWIRAN
• Sa kabilang dako, sa pangangatwira, debate sa aumang estilo nito, ay
mangangailangan ng mga mabibigkas na tatalakay sa kani-kanilang
sinusuportahang argumento. May isang pangunahing isyu na kailangan
mapagpasiyahan. Ang isyu ay inihaharap nang ganito, halimbawa:
“Pagpsiyahan na ang diborsyo ay maging batas sa ating bansa”. Ang mga
nasa panig ng sang-ayonat ang mga panig ng do sang-ayon. Bawat
mambibigkas ay may kani-kanilang argumento kaugnay ng paksa at panig
kasulatan, mga pahayag ng mga awtoridad, mga sipi sa mahahalagang aklat
upang maging kapani-paniwala at mabisa ang kanilang pagtatanggol ng
kanilang panig. Ang tungkol sa iba-ibang paraan ng pakikipagtalo at mga
detalye ng pagdaraos ng debate ay maipasasaliksik ng guro, kung pipilii
niyang gawin ng klase ang pagdedebate at hindi ang pagdaraos ng
talumpati. Anuman ang itanghal, ang layunin makabigkas ang mag-aaral ay
magagampanan.
PANGANGATWIRAN
• Isang palasukatan sa pananalig ang pagpapalitan ng pahayag at
pananalita ng tao. Ninanais ng tao na maituro sa kausap ang
kanyang paniniwala at kaalaman upang ito ay kanyang mahikayat
at mapakilos tungo sa pagsulong at pagbabago sa tulong ng
katotohanan teknolohiya at agham.
• Ang sining ng pangangatwira ay isang pagpapahyag na may layunin
na masubukan ang katatagan at katayuan ng isipan o talinong
taglay ng isang tao tungo sa pagtuklas ng katotohanan para sa pag-
angat ng kamalayan patungo sa buhay.
KATUTURAN NG PANGANGATWIRAN
Ayon kay Paz Belvez, et. al. (1994) ito ay isang bagay na hindi natin
matatakasan sa pamumuhay at sa ating propesyon kaya dapat nating pag-
aralan ang isang mabisang paraan upang makapanghikayat. Guro o di guro at
dapat mangatwiran ngunit dapat nasa atin ang tamang estilo upang tayo’y
paniwalaan sa ating pangangatuwiran na hindi maksasakit ng damadamin.
Ayon kay Badayos (2001) ang pangangatwiran ay isang pagpapahayag na
nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay
maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala tulad ng nakikita natin sa korte.
Dito’y lagging kailangan ang mga katibayan kung mas maipanalo ang iyong
pinangangatwiranan.
Ang pangangatwiran ay uri ng pahayag na kailangang isangkot ang
paglalarawan, paglalahad at pagsasalaysay kung nais nating tayo’y paniwalaan
at lubusang maging mabigat ang ating paninindigan.
MGA SANGKAP SA MABISANG PANGANGATWIRAN
1. PAKSA- tumutulong ito sa pinag-uusapan na dapat bigyang
katwiran. Ang lalim ng pangangatwiran gayundin ang haba ng
talakayan ay naaayon sa nilalaman ng paksang pinag-uusapan.
2. PANGYAYARI- tumutukoy sa paninindigan sa mga bagay o isyu na
lubhang makatotohanan.
3. PROPOSISYON- Ito ay pahayag na dapat pagtalunan kayat
maaaring makaakit ng mga tagapakinig o tagapagsalita. Ang
proposisyon ay maaaring sang-ayunan at maaari ring tutulan
kayat dapat talagang mangatwiran.
4. PERSONALIDAD- sa pangangatwiran, element rin ang
personalidad dahil may mga pagkakataon na ang personalidad ay
sapat sa katotohanan o kabalintunan nito.
KATANGIAN NG MAINAM NA PANGANGATWIRAN
1. Hindi marahas ang pangangatwiran, Larawan siya ng kahinahunan bagamat
may sitawsyong nakauubos ng sariling pagtiumpi. Iwasan ang karahasan
upang di-humantong sa isang mainitang pagpapalitan ng ideya o
pananalita.
2. Simple ang pananalitang gamit upang madaling maunaaan. Sa
pangangatwiran, ang matayog na pananalita’y maaaring magdulot ng
ibayong kaguluhan, dahil baka di kaagad-agad masakyan ang kahulugang
taglay nito.
3. Nakagagamit ng ibang salitang maipapamalit sa iba pang salitang maaaring
may kalabuan. Sa pangangatwiran lubhang kailangan ang mayamang
talasalitaan ng isang nangangatwiran upang ang salitang mahihirap para sa
mga nakikinig ay agad mapapalitan ng salitang may kagaanan na madaling
intindihin.
KATANGIAN NG MAINAM NA PANGANGATWIRAN
4. Malinaw ang pahayag. Hindi kinakain ang mga salita o letra ng mga
salita ng isang nanagangatwira kayat madaling intindihin.
5. Mabilis ang utak sa pag-iisip. Kung mangangatwiran, ang bilis ng
utal ay sadyang kailangan upang di siya maunahan ng takot o nerbyos
lalo na kung kaharap na ang kalaban sa pangangatwiran na mabilis
ding magpahayag.
6. May kababaan ng loob ang nangangatwiran. Ang pagkapanalo sa
isang debate ay di lamang batayn ang laman ng sinasabio. May
kinalaman din ang pag-uugali. Ang mayabang mangatwiran ay daig ng
nangangatwirang mahinanhon at larawan ng kapakumbabaan.
KAHALAGAHAN NG PANGANGATWIRAN
1. PARA MAIPAGTANGGOL ANG SARILI.
kung mahusay/magaling kang magtanggol ng iyong sarili lalo na sa harap ng
mga kasamahan sa bahay. Maaaring maligtas ka sa anumang parusang kadalasa’y
ipinapataw sa inyo kung may nagkakasala.
2. PAGLILINAW NG MGA MAGULONG ISYU.
ang pangangatwiran ay nararapat lalo na kung may mga isyung dapat linawin sa
ikabubuti ng marami.
3. MAIBAHAGI SA IBA ANG KATOTOHANAN O ALAM.
Ang pangangatwiran na may kaakibat na mabibigat na patunay o ebidensiya ya daan
sa pagsisialat ng katotohanan.
4. MAKAHIKAYAT NA SIYA’Y PANIWALAAN.
Sa tulong ng talino sa pangangatwiran di malayong mapadali na siya’y paniwalaan ng
dati’y walang paniala sa kanya. Sa galing niya at husy sa pananalita madali siyang
makakaakit o makakahikayat na siya’y paniwalaan.
URI NG PANGANGATWIRAN
1. Pangangatwiran Induktibo o Pabuod- sa uring ito, ang pangangatwiran ay nagsisimula sa malikot na
detalye ng katuwiran tungo sa pangkalahatang katwiran.
2. Pangangatwirang Deduktibo o Pasakalaw- ang pangangatwiran ay nagmumula sa pangkalahatan
tungo sa mga detalye o maliliit na katwiran. Ang ganitong uri ng pangangatwiran ay naipapahayag sa
pamamaraan ng silohismo ayon kay Badayos (2001)
Ang silohismo ay binubuo ng # magkakaugnay na pahayag.
3. Ang pangunahing batayan- paunang kaisipan.
4. Ang pangalawang batayan- kaisipang nabuo na ibinatay sa unang kaisipan.
5. Kongklusyon- nabuo batay sa unang dalawang kaisipan na ginagamitan ng katagang kung.
Halimbawa:
Angb buong X ay Y
Ang U ay X
Kung gayon ang U ay Y din
Unang kaisipan- ang mga guro ay matitiyaga at masisipag
Pangalaang kaisipan- si Raquel ay guro
Pangatlong kaisipan- kung gayon si Raquel ay matoyaga at masipag.
PROPOSISYON
• Ito ang tinutukoy na paksa ng pagtatalo na maaaring
magpahayag ng anyong pagsalungat o kaya’y pagsang-
ayon. Ang paksa nito’y di dapat naiiwan ng panahon, mat
katiyakan maliban sa malinaw ang pagkakalahad. Sa
kabuuan, ang isang proposisyon ay nakabubuhay ng interes
ng pagtatalo.
Aspekto ng pagbuo ng Proposisyon
1. pangyayari- tumutukoy o ibinabatay ang proposisyon sa mga kaganapan sa
kapaligiran. Ito ay mga kaganapang di karaniwan.
Halimbawa:
Nagkaroon n malawakang rally sa mga daanang noong isang araw.

2. Patakaran- ang uri ng proposisyon ito ay gamit sa pagpapahayag ng


pagtatanong pampubliko. Ang pagtatalo ng adalawang koponan ay upang
mabatid ang kawastuhan o kamalian ng binabalak niya. Dito’y gamit ang
salitang dapat o di dapat.
Halimbawa:
Dapat na pairalin nang mahigpit ang tamang bigat ng billboard sa matataong
lugar.
PAGTATALO O ARGUMENTASYON
• Ang pagtatalo ay Gawain ng dalawang koponan na pinili upang mangatwiran sa isang
makabuluhang isyung biuo. Ito’y gantihang gamit panananggol ng panig na pinili upang
sila’y paniwalaan o manlo kung sakaling ito’y ginawang contest na ihaharap sa madla.
• Sa pakikipagtalo upang ito’y mapagtagumapayan, una dapat nakapangalap ng marami o
dapat na datos na magagamit sa katibayan ng ipinagtatanggol na panig. Sa paglikom ng
mga ebidensya, ang puspusang pananaliksik ukol sa isyu ay lubhang napakahalaga.
Ginagawa ito upang lubusang mapaghandaan ang pagtatalong itinakda para sa dalawang
koponan.
• Ikalawa sa pangatlo, ang ibayong pagsasanay ay nararapat din upang walang anumang
suliraning dito’y lumabas. Ang pagsasanay kasabay ng pagkabisa ay lubhang kailangan
upang maalis sa kanila ang anumang kaang bumabalot. Mahalaga rin ito upang madebelop
sa bawat koponan ang tibay ng dibdib o damdamin at ang tiwala sa sarili dahil sa ganitong
uri ng pagtatalo di naaalis ang insultuhan o di kaya’y pagpapainit ng ulo ng kalaban.
• Sa pangkalahatan, as argmentasyon, ang pangangalap ng mga datos, ang pagsasanay at
paghahanda ng sarili ay kailangan kung ang hangad ay tagumapay.
URI NG PAGTATALO
1. PORMAL
Sa pagtatalong ito, lubusang pinaghahandaan ang gagawing pangangatwiran
lalo na kung pakikipagtunggali na ihaharap sa madla o pangkontest, ang
gagawin. Sa sitwasyong ito, puspusang pananaliksik o pangangalap ng datos
ang dapat gawin upang taas noong maiharap sa katunggali.
2. DI-PORMAL
Ito’y pagtatalong di na puspusan an pangangalap ng daos upang
makapanindig o makapngatwiran. Maaaring ag-interbyu o magtatanong-
tanong sa mga marunong upang makapangalap ng kaisipan. Ang sariling
talino ay maaari ring paghanguan ng mga datos upang mapanindigan ang
isyu. Maaari itong gawin kahit sa isang umpukan, maaarin naming sa loob ng
klase at maging sa sala ng bahay habang namamahinga.
Debateng Oxford-Oregon
• Ito ang pinakakaraniwang uri ng debate. Bago simulant ang l;aban o
pagtatalo, pinabubunot ang dalawang koponan para sa panig na kanilang
ipagtatanggol. Karaniwan nang bawat koponan ay binubuo ng dalawa o
tatlong myembro.
• Kung ang pagtatalo ay sa loob ng kalse, kadalasang pilipili na ng guro ang
manananggol sa bawat panig. Ginagawa ito upang mapaghandaan na ng mga
mag-aaral ang panig na kanilang pinili.
• Paano ginagawa?
• May tatlong element ang oxford-Oregon:
1. ang natatanggol sa panig
2. Ang interpeleysyon o pagtatanungan
3. Talumpating nanunuligsa o rebuttal speech
Pangkalahatang tuntunin:
• Sa bawat element, limang munting pagsasalita ang inilalaan upang
maiparinig o maisagawa ang kani-kanilang panig. Maaari ring ang oras o
minutong ilalaan sa pagsasalita ay naaayon sa kanilang napagkasunduan.
• MGA TUNTUNIN SA PAGSASALITA NG MGA MAGSISISPAGDEBATE:
1. Unang Tagapagsalita (sang-ayon)- pagpapaalam sa katunggali ng panig
nilang sang-ayon sa proposisyon na inihain.
2. Unang tapagsalita (di sang-ayon)-pagtatanong ukol sa unang talunpati a
tu;ad ng unang tagpagsalita, ilalahad niya ang panig na di sang-ayon sa
proposisyon.
3. Ikalawang tagapagsalita (S)- tatanungin ng ikalawang tagpagsalita ang
unang nagsaliang di sang-ayon (DS) Sa proposisyon.
-ilalahad na rin niya ang argumento ukol sa sang-ayong panig.
Pangkalahatang tuntunin:

4. Ikalawang tagapagsalita- (DS) tatanungin ng ikalawang tagapagsalita ang unang nagsalitang


sang-ayon ang panig.
-ilalahad na rin niya ang argumento di sang-ayon sa proposisyon.
5. Ikatlong tagapagsalita (S) siya’y panig sang-ayon na magtatanong sa ikalawang
tagapagsalit(DS)
-ilalahad na rin ang sariling argumentong sang-ayon sa proposisyon.
6. Ikatalong tagapagsalit (DS) siya’y panig di sang-ayon na magtatanong ukol sa ikalawang
tagapagsalita sangayon (S)
-maglalahad na rin siya ng argumentong di sang-ayon sa proposisyon.
7. Unang tagapagsalita-(S) ang panig ng sang-ayon ay bibigkas ng kanyang talumpating
nagtutuligsa o nagpapabulan sa binsabi ng kabilang panig (rebuttal speech)
8. Unang tagapagsalita (S)- ang panig ng sang-ayon (S) a bibigkas ng kanyang talumpating
nanunuligsa o nagpapabulaan sa sinsabi ng kabi;ang paig.
9. Unang tagapagsalita (DS)- ang panig ng di sang-ayon ay bibigkas ng kanyang talumpating
nanunuligsa sa snabi ng kabilang panig.
PAMANTAYAN SA PAG-IISKOR SA PAGHATOL NG PANALO
SA DEBATE

Paglalahad ng katibayan -40%


Pagtatanong, pangangatwiran at panunuligsa -30%
Pagbigkas -20%
Kilos sa entablado -10%
Gawain
• 1. gumawa ng isang salaysay tungkol sa karanasan
ninyo sa Covid19 at sa community quarantine.
• 2. humanap ng katunggali/kapareha sa debate
tungkol sa “Naging epektibo ba ang hakbang ng
pamahalaan sa isyung Covid19” pumili kung di sang-
ayon o sang-ayon.

You might also like