You are on page 1of 13

Anekdot

a
Ang anekdota ay isang kuwento ng isang
nakawiwili at nakatutuwang pangyayari, sa
buhay ng isang tao.
 Layon nito ay makapagpabatid ng isang
magandang karanasan na kapupulutan ng
aral.
 Ito’y magagawa lamang kung ang
karanasan o ang pangyayari ay
makatotohanan.
 Isang malikhaing akda ang anekdota.
 Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng
interes ng mambabasa.
 Dapat ang panimulang pangungusap ay kapana-
panabik.
 Ang isang magandang simulain ay nagbibigay ng
pangganyak sa mambabasa at mahihikayat na
ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Mga Katangian ng ankedota:

a.May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng


kahulugan sa pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga
pangyayari ay dapat na mabigyan ng kahulugan sa
ideyang nais ilahad.
b.Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na
pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ilahad sa mga
mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng
pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
 Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng
mga karanasang magkakaugnay.
 Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat
man o pasalita.
 Itinuturing ito sa pinakamasining, pinakatanyag, at tampok
na paraan ng pagpapahayag.
 Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o
epiko, at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino
maging sa ibang bansa man.
 Ang pagpili ng paksa ang unang
mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay sa iyong Anekdota.
 Kailangang ito ay maganda at kiwili-wili.
 Bukod dito, mahalaga ring napapapahon ito
at may dalang lugod at kabutihan sa mga
mambabasa.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa:

1. Kawilihan sa paksa- Dapat ay likas na napapanahon; may


mayamang damdaming pantao, may kapanapanabik na
kasukdulan, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na
paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na kagamitan- Mga datos na pagkukunan ng mga
pangyayari.
3. Kakayahang pansarili- Ang pagpili ng paksa ay naaayon din
sa kahusayan, hilig at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook- Ang kagandahan ng isang
pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na
paglalarawan ng panahon at pook sa panahong sakop ng
salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.

5. Kilalanin ang mambabasa- Sumusulat ang tao hindi


para lamang sa kaniyang pansariling kasiyahan at
kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.
Ang Mga Mapagkukunan ng Paksa:
1. Sariling karanasan- Pinakamadali at
pinakadetalyadong paraan ng pagsasalayay g isang
tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba- Maaaring usapan ng
mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga
balita sa radio at telebisyon, at iba pa. Subalit,
tandaang hindi lahat ng iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang
katotohanan bago isulat.
3. Napanood- Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang
panteatro,at iba.

4. likhang-isip- Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon


ay makalilikha ng isang salaysay.

5. Panaginip o Pangarap- Ang mga panaginip o hangarin ng tao


ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.

6. Nabasa- Mula sa anumang tekstong nabasa, kailangang ganap


na nauunawaan ang mga pangyayari.
Mga Uri ng Pagsalaysay
1. Maikling Kuwento- Nagdudulot ng isang kakintalan sa
isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng
paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
tauhan.
2. Tulang Pasalaysay- Patulang pasalaysay ng mga
pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan- Binibigyang diin dito ang bawat
kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na
kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos
ng buhok at mga gagamiting kagamitan sa bawat
tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela- Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga
masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota- Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari.
6. Alamat- Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa
paligid.
7. Talambuhay- “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap
sa buhay ng isang tao mula sakaniyang wakas.
8. Kasaysayan- Pagsasalaysay ng mga bagay na naganap sa isang
tao, pook, bansa.
9. Tala ng Paglalakbay o Travelogue- Pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran, pagbibiyahe, o paglalakbay sa ibang lugar.
Performance Task #1:Ang Aking Anekdota

Sa isang Long Bond Paper


Sumulat ng anekdota batay sa sariling karanasan maaaring
iugnay ang iyong karanasan sa pangyayarihang nasaksihan
sa iba o anekdota upang maging malikhain. Isaalang-alang
ang mga sumusunod na pamantayan:
lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 10,
malikhain at masining 10, maikli at madaling makuha ang
interes ng mambabasa. 10
Kabuuan 30 bahagdan.

You might also like