You are on page 1of 63

I.

LAYUNIN
PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F10PN-IIIb-77)
Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota
PAG – UNAWA SA BINASA (PB) (F10PB-IIIb-81)
Nasusuri ang binasang anekdota batay sa:
- paksa
- tauhan
- tagpuan
- motibo ng awtor
- paraan ng pagsulat
- at iba pa.
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-IIIb-77)
Nabibigyang - kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.
PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIb-79)
 Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa isang diyalogo: aside, soliloquy o monolog) .
PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F10PT-
IIIb-77)
Nabibigyang - kahulugan ang salita batay sa
ginamit na panlapi.
PAGSASALITA (PS) (F10PS-IIIb-79)
Naisasalaysay ang nabuong anekdota sa isang
diyalogo: aside, soliloquy o monolog) .
Ang Kabihasnang Persiano
- Ang mga Persian ay nagtatag ng isang
malawak na imperyo at tinawag nila itong
imperyong Achaemenid.
- Nagsimulang manakop ang mga Persian sa
panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530
B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at
Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor
(Turkey)
- Darius The Great (521 B.C.E. -486 B.C.E), -
umabot ang sakop ng imperyo hanggang india.
- Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o
satrapy at pinamahalaan ng gobernador o
satrap.
- Royal Road- may habang 1,200 milya
mula Surdis hanggang Susa. Dito
naglalakbay ang mga, opisyal at
mensahero.
- Zoroastrianism: relihiyon ng Persia na
lalong nagpatanyag sa kanila. Ipinarangal ni
Zarathustra o Zoroaster. Isa itong
paniniwala ukol sa labanan ng mabuti at
pananagumpay ni Ahura Mazda, ang diyos
ng kabutihan
3 pangkat ang namumuno sa bawat sakop
ng imperyo gobernador;heneral at tagasuri o
mata ng hari
 Naniniwala sila kay Zoroaster ahura
mazda:diyos ng kabutihan at ahriman:diyos
ng kasamaan naniniwala sila na ang
mabuting gawain ay mapapalitan din ng
kabutihan at ganun din sa kasamaan
TALAS- SALITAAN
•Bibigyan ng kahulugan ang salita
batay sa ginamit na salitang
nakahilig.
•a. Lumisan b. Nalito
c. Napahiya d.
Sayangin e. Naimbitahan
CELEBRITY PLAYMATES!

•Bibigyan ng kahulugan ang salita


batay sa ginamit na salitang
nakahilig.
1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay
nagulumihanan.
2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-
aralan at huwag itong aksayahin.
3. Nangimi ang mga nakikinig sa kaniyang
Homiliya.
4. Muli na naman siyang inanyayahan sa
simbahan.
5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa
harap ng mga tao.
AMBUSH INTERVIEW
•Tukuyin ang damdamin ng
sumulat ng napakinggang
anekdota.
GRAPHIC ORGANIZER
Suriin ang anekdota ayon sa batayan sa Tsart.
MONOLOGO

•Nakapagsasalaysay ng nabuong
anekdota sa isang diyalogo
•aside,
•soliloquy o monologo
ANEKDOTA
Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na
tao.
Isang maikling salaysay na karaniwang
naglalarawan ng panlahat na katotohanan o
panuntunan o kaya’y isang makatawag-pansing
katangian ng isang tao.
Dalawang Uri ng Anekdota:
• 1. Kata-kata - madalas na bungang isip at
katatawanan ngunit madalas din na may
mahalagang tinutukoy.
• 2. Hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga
ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga
ginagawa ng mga tao.
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili
ng paksa
• 1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na
napapanahon; may mayamang damdaming
pantao, may kapana-panabik na kasukdulan,
naiibang tunggalian, at may malinaw at
maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
•2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na
pagkukunan ng mga pangyayari.
•3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng
paksa ay naaayon din sa kahusayan,
hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng
isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at
masining na paglalarawan ng panahon at pook na
pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang
labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay
at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
• 5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat
ang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan,
kundi para sa kaniyang mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG
PAKSA
• 1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong
paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango
sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay.
• 2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga
tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa
radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat
ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang
tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon,
dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan
man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at
hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng
pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa
kailangangang ganap na nauunawaan ang mga
pangyayari.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang
pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga
tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang
kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan
sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga
masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa
paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring
naganap sa buhay ng isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring
naganap sa isang tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

You might also like