You are on page 1of 57

PAGPAPAHAYAG

PAGPAPAHAYAG
Ito ang pagsisiwalat ng tao ng
kanyang mga nasasaloob o
nararamdaman, ng kanyang mga
paniniwala, ng lahat ng kanyang
mga nalalaman.
DALAWANG ANYO NG
PAGPAPAHAYAG:

1. Pasalita

2. Pasulat
MGA SALIK NG
PAGPAPAHAYAG:

A. Nilalaman

B. Pananalita
MGA MAPAGKUNAN NG
NILALAMAN:
• Karanasan
• Pakikipagpanayam
• Pagbabasa
PARAAN NG
PAGPAPAHAYAG

1. Paglalarawan
2. Pagsasalaysay
3. Paglalahad
4. Pangangatwiran
Paglalarawan

Ang paglalarawan ay isang paraan ng pang araw-


araw na pagpapahayag na dapat nating matutunan.
Ang paglalarawan ay nauuri ayon sa pakay
o layunin ng pagpapahayag na inihahatid naman ng
instrumentong ginamit natin sa paglalarawan.
• Isang uri o paraan ng pagpapahayag ng mga
kaisipan o pala-palagay tungkol sa isang tao,
sa isang hayop, sa isang lugar o isang
pangyayari sa pamamagitan ng makukulay,
mahuhugis o maanyo at iba pang
mapapandamang pagpapahayag - naaamoy,
nalalasahan, naririnig (pananalita)
LAYUNIN:
• Makapagpamalas sa isip ng tagapakinig o
mambabasa ng isang malinaw at buong
larawan na ang katangi-tanging kaibahan nito
sa kauri ay mapalutang, at lubos na
maisakatuparan
KAHALAGAHAN:
• Nagagawa nitong maipakita sa
mambabasa/tagapakinig ang daigdig sa
pamamaitan ng paningin at pandama.
• Maaaring ipinta ang mga tanawin at mga
bagay-bagay
• Magagawang maging konkreto ang mga bagay
na abstrak at ang masaklaw ay maging tiyak
• Uri ng Paglalarawan

–Karaniwang Paglalarawan
–Masining na Paglalarawan
–Teknikal na Paglalarawan
KARANIWANG PAGLALARAWAN:

• Purong pangkaalaman ang mga detalyeng


sinasabi
• Mga tiyak na impormasyon at pawang
katotohanan lamang ang ginagamit na mga
katangian
• Ang damdamin at opinyon ng tagapaglarawan
ay hindi dapat isinasama
KARANIWANG PAGLALARAWAN:
• Gumagamit lamang ito ng mga tiyak at
karaniwang salitang panlarawan at itinatala
ang mga bagay o ang mga partikular na
detalye sa payak na paraan
• Nagbibigay lamang ng isang tiyak na
impormasyon o kabatiran tungkol sa isang
bagay ayon sa pisikal o kongkretong katangian
nito
MASINING NA PAGLALARWAN:
• Ito ay pandamdamin
• Mapapandama - nakikita, naririnig, naaamoy,
nahihipo, nalalasahan ang mga pananalitang
ginagamit dito maliban sa mga
matalinghagang pahayag
• Ang mga detalyeng inihahayag dito ay mga
katotohanan din, kaya lamang nakukulayan na
ito ng imahinasyon, pananaw at opinyong
pansariling tagapagsalaysay
• Gumagamit ng mga salitang malinaw na
bumubuhay at nagpapagalaw sa inilarawang
tao, pangyayari, damdamin at pook

• Layunin nitong makaantig ng kalooban ng


tagapakinig o mambabasa para makahikayat
silang makiisa sa naguniguni o sadyang
naranasan nitong damdamin sa inilalarawan
TEKNIKAL NA PAGLALARAWAN:
• Layunin nitong mailarawan nang akma ang
anumang dapat a kailangang malaman tungkol
sa mundo at kalawakan
• Gumagamit ng mga ilustrasyon ang manunulat
ng teknikal na sulatin upang makita ng
mambabasa ang larawan o hitsura ng
inilalarawan
• Dapat tandaan na hindi pa rin sapat ang mga
ilustrasyon n iginuhit o larawan upang
magbigay ng sapat na representasyon.
Tumutulong lamang ang mga ito sa
pagpapakita ng larawan
SANGKAP NG MASINING NA
PAGLALARAWAN:
1. Pandama
-gumamit ng mga pananalitang
nararamdaman ng limang pandama - naririnig,
naaamoy, nakikita, nalalasahan at nahihipo
-makukulay at mahuhugis o maanyo ang
dapat kasangkapaning mga salita
2. Paghahambing
-may agwat, bilang, kulay, anyo, hugis,
amoy, lasa
-paglalarawan sa paraang pahambing,
pagtutulad o pagwawangis

3. Angkop na Salita
-pinipili ang paggamit ng mga salita
-tiyak na katangian o yaong
mapagpahiwatig ng bagay na ilalarawan ang
salitang gagamitin
4. Pagtatambis

5. Pagtatayutay
-paggamit ng matalinghagang
pagpapahayag
• May dalawang paraan ng
paglalarawan:

obatay sa pandama
obatay sa nararamdaman
HAKBANG SA MABISANG
PAGLALARAWAN:
• Pagpili ng Paksa
• Pagkakaroon ng Kaisahan
• Pagpapasya sa mga Aspektong Isasama sa
Paglalarawan
• Pagpili ng Angkop na Pananalita
Pagsasalaysay

Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang


magkaugnay, katulad ito ng pagkukwento ng mga
kawili-wili na pangyayari, pasulat man
o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat
dito nagsimula ang alamat; epiko, mito, at mga
kwentong bayan.
• Ito ay pagkukwento ng mga
pangyayari tungkol sa mga naging
karanasan ng tao sa sarili, sa
kapwa at sa kapaligiran.
LAYUNIN:
• Makapagpahayag-loob,
makapaghatid-impormasyon,
makapagbigay-aral, makapagdulot ng
tuwa sa isang maayos at
sistematikong kaayusan
KAHALAGAHAN:

• Nagpapalawak ng kaalaman at
nagpapaunlad sa pag-unawa
HANGUAN NG ISASALAYSAY:
• Sariling Karanasan
• Nabasa
• Sa narinig o napakinggan sa iba
• Napanood sa telibisyon o sa pelikula
• Bungang-isip
• Panaginip/Bungang-tulog
Katangian ng Salaysay

• Kaakit-akit na Pamagat

• Mahalagang Paksa/Tema

• Makatawag- pansin na Simula


• Tauhan

• Angkop na Pananalita

• Aksyon o Pangyayari

• Tagpuan

• Maayos ang Pagkakasunod-sunod o Pagkakabuo


• Kasukdulan

• Magandang Wakas

• Ang Himig
Hakbang sa Pagsulat ng Salaysay
1. Pagpili ng Paksa
a) Kawili-wili ang paksa- lumikha ng
kapanabikan, tunggalian, damdaming
pantao.
b) Magagamit na materyales- mga
mapagkukunan ng paksa- sarili, kapwa,
kapaligiran
c) Napapanahon- naaayon sa nagaganap sa
kapaligiran
2. Pagsusuri ng Paksa
a) Diwa- ang mensahe na ipahahatid ng
salaysay, ang pagkakabuo ng tauhan
b) Pananaw o Paningin- anggulo ng
pagsasalaysay
Unang panauhan
Pangalawang panauhan
Ikatlong panauhan
3. Pagpili ng Detalye

4. Pagpili ng Simula at Wakas

5. Kapanahunan
Paglalahad

• Isang obhetibo o walang pagkampi at may


sapat na detalye na pawang pampalawak ng
kaalaman sa paksang binibigyang-linaw
• Anyo ng diskurso na kung saan nagpapahayag
ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at
impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman
na inihanay nang maayos at malinaw
Ito ay sadyang nagpapaliwanag
Ito ay nasusulat sa anyong sanaysay na
maaaring malawak o partikular at tiyak ang
paksa
LAYUNIN:
• Makapagpaliwanag nang walang kinikilingan
• Maipaliwanag ang mga bagay-bagay o di
kaya'y ang mga pangyayari na karaniwang
nagaganap sa araw-araw na takbo ng buhay
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN:
• Dapat maging maikli ngunit malaman
• Gumamit ng mga salitang angkop at sapat
upang maging malinaw ang paglalahad
• Gawing natural ang pagpapaliwanag lalo na sa
pasulat na paraan
• Sikaping maging malinaw ang pananalita at
iwasan ang maraming galaw ng katawan o
kumpas ng kamay habang nagpapaliwanag
MGA URI NG PAGLALAHAD
1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-
uunawa sa kahalagahan ng isang bagay, tao, pangyayari,
dinarama o konsepto.
 Denotasyon - tumutukoy ito sa mga karaniwang
kahulugan na mula sa diksyunaryo o salitang ginagamit
sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag
 Konotasyon - pansariling kahulugan ng isang tao, o
pangkat, at maaaring ito'y may nakatago o dalang
kahulugan na iba kaysa sa karaniwang pakahulugan
2. Panuto - kailangan ito'y tiyak, payak,
maliwanag, tumpak, maikli ngunit buo o ganap

3. Buod - pinaikling lagom ng isang talumpati,


kwento, tula, dula o isang buong nobela na
ginagamitan ng sariling pananalita ng taong
nagpaikli sa nasabing akda
- maikli ngunit malaman at naipahahayag
ang pinakadiwa ng nasabing sulatin
- nagtataglay ng pansariling opinyon o
pamumuna
4. Tala - maikling pangungusap, parirala o salita
na sinusulat upang magsilbing tagapagpaalala
ng mahahalagang bagay, kaalaman o pangyayari

5. Balita - paglalahad ng pang-araw-araw na


pangyayaring nagaganap sa ating kapaligiran na
kinasasangkutan ng mga tao
- di kasangkot ang sariling opinyon o kuro-
kuro ng isang manunulat
- payak, tiyak, maikli, bago o sariwa at
walang kinikilingan (makatotohanan)
6. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag
ng opinyon o palagay ng editor ng isang
pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong
isyu
-makatawag-pansing pamagat, kawili-
wiling simula, malaman at makatutuhanang
katawan, at may kakintalan ang wakas
7. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng
kuro-kuro, pananaw, paniniwala at damdamin
ng manunulat, hango sa kanyang karanasan at
sa inaakalang palagay niya sa katotohanan.
8. Ulat - paghahatid ng mga bagay na ginawa,
pinakinggan, binasa, minasid,sinuri, sinaliksik o
sinubok

9. Suring-basa
- pagsusuri ng binasa o nabasang akda
- naglalaman ng opinyon at damdamin ng
bumasa
- kinikilala ang awtor
10. Rebyu (Movie Review)
- nakatuon ito sa pelikulang pinanood
- sinusuri ang kagandahan, kaangkupan ng
paksa sa mga manonood, gayundin ang
kapintsan ng pelikula kung mayroon man
- sinematograpiya (props, ilaw, musika at
iba pa)
- mungkahi sa mas lalong ikagaganda at
ikauunlad ng pelikula
11. Pitak - karaniwang makikita sa mga
pahayagan o magasin.
- naglalaman ng reaksyon, kuro-kuro at
pansariling pananaw
- hinggil sa isang napapanahong isyu o
pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang
pook.
- tinatawag din itong kolum.
Pangangatwiran

• mula sa salitang-ugat na 'tuwid' na ang ibig


sabihin ay diretso, hindi paligoy o hindi
baluktot
• paraan ng pagpapahayag na ang isang
katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan
sa pamamagitan ng mga katwiran o rason na
may kalakip na pruweba o ebidensya
• Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang
paggamit ng wasto, angkop at magandang pananalita
ay makatutulong upang mahikayat na pakinggan,
tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang
nangangatwiran.
• Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham
sapagkat ito ay may prosesong dapat isaalang-alang o
sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay,
lalo na sa pormal na pangangatwiran gaya ng debate.
• Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang
kahusayan ay maaaring matamo mo man subalit hindi
sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
LAYUNIN:
• Makapagpahayag ng mabisang kaisipan o
kaalaman bilang pagpapatunay sa isang
katotohanan sa maayos, epektibo at lohikal na
pamamaraan
KAHALAGAHAN:
• Nililikha ang paniniwala
• Nakatutulong upang maipagtanggol ang sarili
• Nabibigyang-linaw ang mga magulong isyu
• Nakaiimpluwensya ng paniniwala
KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN:
• Hindi marahas magsalita (kakikitaan ng
pagtitimpi)
• Simple ang pananalitang gamit
• Nakagagamit ng salitang madaling maunwaan
• Malinaw ang pahayag
• Mabilis ang utak sa pag-iisip
• May kababaan ng loob
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:

1. upang mabigyang - linaw ang isang


mahalagang usapin o isyu.
2. maipagtanggol ang sarili sa mali o masamang
propaganda laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa
ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa
kanyang kapwa
URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pangangatwirang Pabuod o Induktibo


- nagsisimula sa mga halimbawa o partikular na
kaisipan o katotohanan at
nagtatapos sa pangkalahatang simulain o kaisipan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Dedaktibo - sinisimulan


ang pangangatwiran sa pamamagitan ng
paglalahad ng pangkalahatan o masaklaw na
pangyayari o kaisipan at mula rito ay iisa-isahing
ilalahad ang maliliit o mga tiyak na pangyayari o
katotohanan.
ANYO NG PANGANGATWIRAN:
A. Pormal - may tonong seryoso at laging
malalim ang tinatalakay na paksa

Halimbawa: Debate, Kasulatang pangkorte,


artikulo sa mga dyornal, tesis,
disertasyon
B. Di-Pormal - ginagawa ng mga tao sa araw-
araw na pakikisalamuha o pakikipagtalastasan sa
kapwa
- impormal na pangangatwiran (mas
magaan at kadalasan ay pampersonal ang paksa)
HALIMBAWA NG
PANGANGATWIRAN:
• Talumpati - pagpapahayag sa harap ng mga
taong handang makinig
- may layuning makapaghatid ng mahalagang
ideya tungkol sa isang paksa upang makahikayat

• Pagtatalo o Debate - paligsahan sa pagbibigay ng


mga katwiran ng dalawang pangkat na
magkasalungat ang katayuan sa isang paksa o
usapin
(Fliptop, Balagtasan)
Paraan ng Pagpapahayag

• 1. Pasalita

• 2. Pasulat

You might also like