You are on page 1of 41

WASTONG GAMIT

NG BANTAS
GITLING (-)

Sa Inuulit na Salita. Ginagamit ang gitling sa mga


salitang inuulit:
Halimbawa: aráw-araw
gabi-gabi
sira-sira
iba-iba
GITLING (-)

Kung mahigit dalawang pantig ang


salita, ang unang dalawang pantig
lamang ang inuulit.
Halimbawa: pali-palito
suntok-suntukin
balu-baluktot
GITLING (-)

Kung mahigit dalawang pantig ang


salita, ang unang dalawang pantig
lamang ang inuulit.
Halimbawa: pali-palito
suntok-suntukin
balu-baluktot
GITLING (-)

balik-balik
wasak-wasak
bali-baligtad
bula- bulagsak
GITLING (-)

Kung may unlapi, isinasama ito sa unang


bahaging inuulit.
Halimbawa: pabalik-balik
nagkawasak-wasak
pagbali-baligtarin
pabula-bulagsak
GITLING (-)

Alin ang tama?


paru-paro
paruparo
GITLING (-)

Alin ang tama?


sari-sari
sarisari
GITLING (-)
Alin ang tama?
iba‘t-iba
Iba’t iba
GITLING (-)

1.2 Sa Isahang Pantig na Tunog.


Gayunman, ginagamit ang gitling sa
onomatopeikong pagsulat sa mga
iisahing pantig na tunog.
Halimbawa: tik-tak
ding-dong
plip-plap
GITLING (-)
1.3 Sa Paghihiwalay ng Katinig at
Patinig. Ginagamit ang gitling upang
paghiwalayin ang pantig na nagtatapos
sa katinig at ang sumusunod na pantig
na nagsisimula sa patinig.
Halimbawa: pag-asa
agam-agam
pang-umento
GITLING (-)
Ngunit ginagamitan ng gitling ang salita
kahit nagtatapos sa patinig ang unang
pantig kapag pangngalang pantangi ang
kasunod:
pa-Mandaluyong, ngunit pahilaga
taga-Marawi, ngunit tagalungsod
maka-Filipino, ngunit makalupa
GITLING (-)
Kapag salitang banyaga at nasa orihinal na b
ang kasunod:
pa-cute, ngunit pakyut
ipa-cremate, ngunit ipakrimeyt
maki-computer, ngunit makikompiyuter
GITLING (-)
1.4 Sa mga Tambalang Salita na
konsistent sa kahulugan ng mga salitang
pinagtambal.
Halimbawa: anak-mayaman
laking-probinsiya
bagong-salta
GITLING (-)
1.5 Sa Pasulat na Oras.
Halimbawa: ika-8 ng umaga
ika-100 anibersaryo
alas-12 ng tanghali
GITLING (-)
1.6 Sa kasunod ng De-
Halimbawa: de-kolor
de-bola
de-lata
GITLING (-)
1.6 Sa kasunod ng Di-
Halimbawa: di-mahipo
di-kagandahan
di-maliparang-uwak
GITLING (-)
1.7 Sa Apelyido ng babaeng nag-asawa.
Halimbawa: Genoveva Edroza-Matute
Gilda Cordero-Fernandez
Anastacia Giron-Tupas
GITLING (-)
1.8 Pagsaklaw ng panahon.
Halimbawa: 1882-1903
Mayo 1-Agosto 31
WASTONG GAMIT
NG BANTAS
TULDOK (.)

A. Sa katapusan ng pangungusap
na paturol o pasalaysay at pautos.
Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.
TULDOK (.)

B. Sa pangalan at salitang dinaglat


Halimbawa:
Si Gng. Angela A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Julie Macarayan ang kanilang guro sa
asignaturang “Basic Christian Living”.
TULDOK (.)
C. Sa mga titik o tambilang na
ginagawang pamilang sa bawa’t hati
ng isang balangkas o talaan.
Halimbawa:
A.
1.
KUWIT (,)
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na
salita at lipon ng mga salitang
magkakauri.
Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang
bungang-kahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
KUWIT (,)
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating
pangwakas ng isang liham-
pangkaibigan.
Halimbawa:
Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
Tapat na sumasaiyo,
KUWIT (,)

C. Pagkatapos ng OO at HINDI.
Halimbawa:
OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.
KUWIT (,)

D. Sa mga lipon ng salitang


panuring o pamuno.
Halimbawa:
Si Andres Bonifacio, ang ama ng
Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na
tagapagtanggol, ay isang Manobo.
KUWIT (,)
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa
pagitan ng kalye at purok at ng bayan at
lalalwigan sa pamuhatan ng isang
liham.
Halimbawa:
Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City
KUWIT (,)
F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng
nagsasalita sa ibang bahagi ng
pangungusap.
Halimbawa:
Ayon kay Rizal, “Ang hindi
magmamahal sa sariling wika ay higit
pa sa mabaho at
malansang isda”.
TULDOK-KUWIT (;)

Sa mga komplikadong serye sa


pangungusap.

enumerasyon
TUTULDOK (:)
Ipinapakilala nito ang listahan ng mga
parirala, o pangungusap. Karaniwang
naglalagay ng espasyo pagkatapos ng
tutuldok kung ang listahang
ipinakikilala ay nasa parehong linya
nito.
TULDOK-TULDOK (…)

Kinakatawan ang mga nakakaltas na


salita, parirala, linya o pahayag sa isang
sinisiping teksto nang hindi nagbabago
ang kahulugan nito.
...
….
KUDLIT (‘)

Ginagamit sa tuwing mayroong


tinatanggal o ibinabawas na titik sa
isang salita o numero.
PANIPI (‘’ “)

Ginagamit sa pagsipi o pagpapasok sa


isang pangungusap ng isa o mahigit
pang pahayag o pangungusap mula sa
ibang nagsasalita o sanggunian.
GAWAIN

Dugtungan…
SUBUKAN/
SUBUKIN
PAHIRAN/
PAHIRIN
KONG/KUNG
MAY/MAYROON
WALISIN/
WALISAN
WALISIN/
WALISAN

You might also like