You are on page 1of 69

DEKADA ‘90

USO
• Sa pagpasok ng unang bahagi ng dekada 90
at sa ‘di malamang kadahilanan ay nauso
ang maruruming sapatos; na ‘pag indi
nanlilimahid sa dumi ang iyong sapatos ay
hindi ka “in” sa barkada at huwag na huwag
pagtangkaang labhan ito kung ayaw mong
pagmulan ito ng away.
• Ang mga rubber shoes noon na dapat ay
may taglay na kadumihan ay Tretorn, K-
Swiss, Vans o Dragonfly para sa mga low
profile. Pumatok din noon ang LA Gear
(‘yung may ilaw) at siyempre ang Nike ulit
at Air Jordan. Sa mga rakista ay nauso ang
safety shoes at sinturon na may buckle.
Kung noong dekada 80 ay Beachwalk ang
bida at ngayon ay Havaiianas noong 90’s
ay Islander na tsinelas naman ang
pampormang tsinelas.
• Sa pagsikat noon ng grupong Smokey
Mountain ni Geneva Cruz ay sumikat din
ang inendorso niyang Pop Swatch ~ isa
itong wristwatch na oversize na may iba’t-
ibang kulay at disenyo. Matagal-tagal ding
namalagi ang kasikatang ito at halos lahat
ng kabataan na iyong makakasalubong
ay mayroon nito.
Kasabay ng pagsikat
ng Swatch/Pop Swatch
ay pumaimbulog
din ang Bench na damit na inendorso naman
ng papasikat na si Richard Gomez.
• Ang Love Notes ni Joe D’Mango sa Magic
89.9 tuwing Friday ay kinabaliwan din ng
mga kabataan sa dekadang ito. Ito ‘yung
pagpapayo ni Joe D’Mango sa mga
sumusulat sa kanya na karamihan kundi
sawi sa pag-ibig ay may taning na ang
buhay o namatay.Lagi itong may sad
ending. Nagkaroon
din ito ng sariling
programa sa Telebisyon
at espasyo sa pahayagan.
Parang hindi malalaos noon ang Universal
Motion Dancers o UMD sa sobrang
katanyagan nito lalo na ng sinayaw nila ang
kantang Always ng Erasure. Tinawag nila ang
kanilang sayaw na “Butterfly Dance”
bagamat napakasimple ng sayaw ay iba ang
dating kung si Wowie De Guzman at ang
kanyang mga tropa ang sumayaw nito.
Sumabay din halos sa
kasikatan sa larangan ng
pagsasayaw ang
Street Boys ni Vhong
• Navarro na napakahuhusay naman sa
pagtumbling. Ang isa sa kanilang kantang
pinasikat ay Lick It ng 20 Fingers at ilan sa
kanta ng Ace of Base habang nakamasid
lang naman ang mahuhusay ding
Manouveres na sumayaw ng Macarena.
Naging popular din naman kahit papaano
ang laging nakapaldang X-People na
nagsayaw at pinasikat ang Japanese song na
Sweet Soul Revue.
• Sa panahong hindi pa gaanong high-tech
ang mga gamit at wala pang home theater
ay uso pa ang arkilahan ng Mobile tuwing
may okasyon. Ang radio station na 89 DMZ
ay popular noon sa pagpapatugtog ng
Dance, Hip-hop and Remixed Music. Ang
lupit nito noon, walang gaanong daldalan
basta tugtog lang. Naging DJ din dito so
Francis M. o mas
kilala sa tawag na
The Mouth.
• Palagi noong may DJ mixing competition at
sponsor nito ang 89DMZ. Kung mahilig ka
sa radyo o sa musika sigurado alam mo ito.
Sa panahon ngayon na uso ang bar at may
liveband na kumakanta, noon naman ay
mga disco at ilan sa mga ito ay: Rumors,
Heartbeat, Euphoria, Metro, Ozone at
Faces na may nakakaindak na theme na
ginamit nila sa kanilang commercial sa TV
(Sing sing sing ~ Andrew Sisters).
• Bukod sa sing sing sing patok sa diskohan
noon ang mga katulad ng kantang Pump up
the Jam, Strike it Up, Oh Carolina,
Angelina, everybody everybody, tootsee roll
at rump shaker. Masarap makinig noon ng
radyo dahil hindi pa ito nasasakop ng mga
jejemon. Ang jejemon na Baranggay LS
ngayon ay matino pa noong dekada 90 at
Rock o Pop-Rock ang laging nasa ere.
• Campus Radio 97.1 ang station ID nito at
mayroon itong daily Top 12 at 12 na lagi
kong inaabangan. Sikat pa rin noon ang
NU107 at LA105.9 para sa mga mahihilig
sa alternative music at DWRR101.9 para sa
ballads & lovesongs fanatics. Mabuti at ‘di
pa nagpapasakop ang Magic 89.9 at RX93.1
at hanggang ngayon ay meron pa silang
“sanity”.
MUSIKA AT
TUGTUGAN
Mangilan-ngilan na lang ang Jukebox sa
panahong ito na nagbigay senyal na malalaos
na ito. Ang unti-unting pagkasawa ng mga
kabataan sa new wave music noong dekada 80
aynagbigay daan sa dance/hip hop music at
ang pagsibol ng boybands. Halos lahat ng
kantang nirelease ni MC Hammer
ay naging hit at Ice ice Baby na one-hit
wonder ni Vanilla Ice. Lagi ring nasa
airwaves ang mga kanta ng mga grupong
C&C Music Factory, Snap, Kriss Kross, Joe
Public, Dr. Alban, Snow (Informer),
Vengaboys, Steps, Shaggy, 2Unlimited, Ace
of Base, Milli Vanilli na may ghost singer
pala at iba pang may parehang tema ng
musika.
• Sa mga Boyband, Backstreet Boys ang
pinakaangat sa lahat. Hindi rin naman
nagpahuli ang mga grupong Boyzone,
Hanson, NSync, All 4 One, Color me
Badd, Take That, Boyz II Men, 98
Degrees, Moffats at sa huling bahagi ng
90’s ay pumorma naman ang Westlife. Ang
Spice Girls na natsimis na mga bading ang
pinakasikat na girl group noon
• Bagamat year 2000 sumikat ng husto, sa
huling bahagi ng 90’s nag-umpisa ang mga
batam-batang sina Britney Spears,
Christina Aguilera at Ricky Martin. Ang
rakistang si Alanis Morissette ang biggest
solo artist ng panahong ‘yun at ang kanyang
album na Jagged Little Pill ay may
napakaraming hits at Number 12 ito sa
listahan ng All-time Album Chart.
• Hindi naman nagpatalo ang mga rakista ng
dekadang ito dahil ang malalaking rock
group ay may sari-sariling mga hits. Ang
Extreme na may one-hit wonder na More
Than Words, ang Nirvana ni Kurt Cobain
(sayang ito), Cranberries, 4 Non Blondes,
Pearl Jam, Red Hot Chilli Pepper, U2,
Stone Temple Pilots, Pantera, Bon Jovi,
Metallica at ang malupet na Guns N Roses
ni Pareng Axl;
I & II.
kailangang malawak ang iyong imahinasyon
sa pagtuklas sa nakatagong “mensahe at
imahe” sa kanilang album na Use Your
Illusion
• Sa unang bugso ng dekada 90 dito sa atin ay
isinilang ang Hip Hop music sa
pamamagitan ng makasaysayang “Mga
Kababayan” ni Francis M. Ito ang panahon
ni Master Rapper Francis M. dahil lahat ng
kanyang istilo ay ginagaya; flat-top na
buhok na may nakaukit na peace sign,
bling-bling na may peace sign, pendant at
ang kakaiba niyang
kasuotan
• Ang tunog imported na Masta Plann ay
humataw din, si Michael V ay sumikat sa
kantang panabla nya sa “Humanap ka ng
Panget” ni Andrew E. na buong pag-aakala
ng marami ay orihinal niyang kanta subalit,
pero at datapwat ay buong-buong kinopya
at isinalin lang pala, galing ito sa kantang
“Find an ugly woman” ng Cash Money
Marvelous (paki-youtube na lang)..
• Ganunpaman, marami din namang kantang
pinasikat si Andrew E. na nagustuhan ng
masa na karamihan ay pilyo pati nga ang
kanyang mga pelikula ay tumatabo dati sa
takilya.
• Parang nagising sa mahabang
pagkakahimbing ang industriya ng musika
nang sumikat ang mga kanta ng bandang
ERASERHEADS.
• Ang tunog latang mga awitin sa album
nilang UltraElectromagneticPop! ay
nagpasindak sa mga eksperto sa pagtugtog
ng instrumento. Ang kantang “Pare Ko” na
may linyang: “‘Di ba ‘@$#@ina!” ay
sabay-sabay na isinisigaw ng kabataan kahit
sa loob ng eskwelahan. Nasundan pa ito ng
mga obramaestra ding album na: Circus at
CutterPillow.
• Sumabay din ang orihinal na Rivermaya ni
Bamboo na Ulan ang unang hit. Nag-
uumpisa na rin noon ang Parokya ni Edgar.
Sa sobrang pagkatalentado ng mga kabataan
noon, naengganyo na rin silang magbanda;
at nagsulputan at nagsulputan na rin ang
iba’t ibang banda at ilan sa mga ito ay:
• Orient Pearl, The Teeth, Alamid, The
Youth, Color it Redd, Hungry Young
Poets, After Image, True Faith, Siakol,
Introvoys (nasa’n na sila?) at ang
makabuluhang Yano ni Dong Abay
bagamat matitino at magaganda pa rin ang
mga lumabas na bagong album ni Dong
Abay (Parnaso ng Payaso at Flipino)- – iilan
na lang yata kaming nakabili nito. Idagdag
ko na rin ang grupong Grin Department na
sumikat ang kanilang double meaning na
mga kanta at naging popular
PAGKAIN AT
LIBANGAN
• ang Peewee, cheez-it, snacku, humpy-
dumpy, chiz-curls, oishi, chippy
• matamis na tira-tira at lala (ung
tsokolate), kending cherryball at ang
maanghang na stork
LIBANGAN
• Kahit paano’y may mahilig pa rin sa larong-
kalye ang kabataan noon ‘di tulad ngayon
na nakalimutan na yata ang piko, chinese
garter, luksong-baka, tumbang preso, teks,
tumbang preso, taguan-pung, tsato, sipa,
holen, lastiko, jackstone, dr. quack-quack
At trumpo.
• Family Computer
• namayagpag sa kasikatan ang Brick Game
o mas kilala sa tawag na Tetris. Sa
katunayan kabilang ito sa 100 Greatest
Video Games of all time. Halos lahat yata
ng kapitbahay namin noon ay meron nito at
tinatangkang i-break ang sarili nilang
record. Sa dekada ring ito lumabas ang
unang Playstation pero sa sobrang mahal ay
hinintay munang magbagsak presyo bago
sumikat sa unang
bahagi ng dekada 2000. Troll dolls,
Tamagotchi ay pumatok din noon at sa huling
bahagi ng 90’s naman ay ang Tamiya.
TRANSPORTASYON AT
KOMUNIKASYON
• Nang lumabas ang kauna-unahang AUV na
Tamaraw FX sa kalagitnaan ng 1990’s,
lahat ng may kayang bumili nito ay
mayroon agad sa
kanilang garahe.
• . Kaunti na lang ay tila magsing-dami na
ang bilang ng Jeepney at Tamaraw FX.
Ganun ito kapopular dati. Marahil dahil sa
ang kanyang porma ay hawig sa
pangmayamang Pajero na sa dekada ring
‘yun nag-umpisang sumikat.
• Sa mga huling taon ng dekadang ito ay
lumabas ang makasaysayang Pager o
Beeper ~ ito yung ipadadala mo ang
mensahe mo sa operator ng Paging
company provider at isi-send naman ito ng
operator sa taong may hawak ng pager o
beeper katumbas ito ng text messaging
ngayon. Feeling mayaman ka ‘pag mayroon
ka nito dahil mga
may magandang
trabaho lang yata
ang nakakakuha nito. Bago matapos ang
nobenta ay inilabas ang unang komersyal na
cellphone sa Pilipinas na kaybigat at malaki.
Analog pa ito at may mahabang antenna.
Mayroon ng internet noon pero ‘di ito katulad
ngayon na kahit nasa loob ka ng banyo ay
pwede kang mag-FB. Gamit ang Pentium 286
o 386 ay makaka-access ka sa iyong email sa
maingay na dial-up.
KASAYSAYAN
• Luzon Earthquake (1990) – Walang
eksaktong bilang ang ginuho ng lindol na
‘to. Building, paaralan, bahay, kalsada,
hotel, pabrika at marami pa ang ibang
istraktura ang itinumba nito. Tinatayang
libo ang namatay dito.
• Gulf War (1990-1991) – UN led by the
USA versus Saddam Hussein and the rest of
Iraq.
• Ormoc Flashflood Tragedy (1991) – isa sa
worst natural disaster sa panahong iyon.
Libo ang natabunan ng lupa o tinangay ng
baha kasama ang kani-kanilang mga ari-
arian.
• Vizconde Massacre (1991) – after 20 years
still unresolved.
• Mt. Pinatubo eruption (1991)– bilyong piso
ang damage ng lintek na pagsabog na ito ng
Pinatubo. Marami ang namatay at marami
ang inilikas na apektado.
• Fidel Ramos presidency (1992) – Nanalo
noong presidente si Ramos laban kay
Miriam pero sabi naman ni Miriam ay
dinaya siya. Bise-Presidente niya si Erap.
• Erap Estrada presidency (1998) – Sa
Malolos, Bulacan ni Erap ginawa ang
kanyang panunumpa at pangalawang
pangulo niya si Gloria na noo’y mabait pa
at hindi pa nasasapian.
• Rene Requiestas demise (1993) – Nasa
rurok ito ng kasikatan ng siya’y pumanaw.
• Ms. Universe held in Manila (1994) – ‘di
pa rin makalimutan ang makasaysayang
Low tide or High Tide ni Charlene
Gonzales.
• Pagbitay kay Flor Contemplacion (1995) –
Nagalit ang buong Pilipinas sa pamahalaan
ng Singapore dahil sa pagkakabitay ng isa
sa ating bagong bayani.
• Pagkakakulong ni Robin Padilla (1995) –
Hindi inakala ng lahat na ang isang Robin
Padilla ay ikukulong sa Muntinlupa
• Ozone Disco Tragedy (1996) – daang
kabataan ang literal na nasunog at na-
suffocate sa diskohang ito.Pagoda Tragedy
– daang deboto ang nalunod sa paglubog ng
Pagoda sa Bocaue.
PELIKULA
• isang matinding “Ghost” ni Patrick
Swayze at Demi Moore. Big Hit din
noon ang mga movie na: Jurassic
Park, Independence Day, Twister,
Armageddon, Schindler’s List, Face-
Off, Con-Air, The Rock, Home Alone,
Die Hard, Mission Impossible,
Matrix, Scream. Panahon ito ni
Arnold Schwarzenegger
dahil naka-sampung movie siya sa dekadang
itoat ilan sa mga ito ay: Total Recall,
Terminator 2, Kindergarten Cop at Eraser.
Si Julia Roberts naman ang pinakamalupit na
aktres ng 90’s. Bagamat apat lang ang movie
niya sa kabuuan ng 1990’s, lahat naman ito ay
tumabo sa takilya: Pretty Woman, My Best
Friend’s Wedding, Notting Hill at Runaway
Bride
• ang Titanic ni Leonardo Di Caprio na
highest grossing film of all time bago ang
Avatar na parehong James Cameron film.
• Sa animation, siyempre walang tatalo sa
Disney: Aladdin at Mulan na tampok ang
singing voice ni Lea Salonga. 1994 ng
maipalabas ang tumabo sa takilyang The
Lion King at ang napakagandang CGI ng
Toy Story (sa pakikipagtulungan ng Pixar ni
Steve Jobs). Sinundan pa ito ng A Bug’s
Life noong 1998.

• Sa ‘Pinas, ang numero unong aktor noon ay
ang bad boy pa noong si Robin Padilla na
nakagawa ng 24 movies! At nakulong pa
siya sa pagitan ng 1995 hanggang 1998.
Katulad ng dekada 80, buhay na buhay pa
rin ang pelikulang Pilipino dahil marami
ang action film,comedy at mga ST Film na
karamiha’y sa Seiko
Films.
• Madalas bida noon sina Gretchen, Priscilla
Almeda, Klaudia Koronel, Nini Jacinto,
Natasha Ledesma at ang reyna ng ST si
Rosanna Roces. Sa action sumikat ang mga
young action star na sina Jeric Raval, Ian
Veneracion, Raymart Santiago, Joko Diaz,
atbp. Ang Viva Films naman ay abala sa
pagpo-produce ng Comedy na halos pare-
pareho ang tema
• Pinipilahan ang mga pelikula noon nina
Keempee, Andrew E., Gelli De Belen at
Jimmy Santos. Sa pagpasok ng taong 2000
ay tila lumamlam ang industriya ng pelikula
kahit ang malalaking producer ay minsanan
na lang gumawa nito dahil siguro ito sa
pagod – – pagod sa panonood ng halos
pare-parehong istorya at istilo ng
hinahandog sa ‘ting pelikula. Sa Filmfest na
lang tayo nakakapanood ng iba’t-ibang
pelikula pansamantala. Mahumaling muna
tayo sa galing sa pagpapatawa nina Ai-Ai at
Vice Ganda
TELEBISYON
• Marami na ang may Colored na telebisyon
sa panahong ito pero iilan lang ang may
high-tech na remote control. Wala pa ring
cable TV kaya’t mabentang-benta ang ating
mga lokal na programa. Hindi pa masyadong
marami ang teleserye dahil iilan lang ang
ipinapalabas na soap opera noon. Ang
pinakasikat at pinakamatagal sa lahat ng
teleserye ay Mara Clara ni Juday at Gladys.
• Sinundan agad ito ng Esperanza na si Juday
ulit ang bida syempre isinapelikula din ito.
Villa Quintana
• Sa mga bata at isip-bata, marami ang
nahumaling sa programang Cedie ~ Ang
munting prinsepe, Princess Sarah,
Sailormoon, X-Men, Dragonball, Mighty
Morphin Power Rangers. Kabisado nila
ang miyembro ng Teenage Mutant Ninja
Turtles (Cowabunga
• !). Sumikat din ang Wansapanataym,
Takeshi Castle, at sino ang makakalimot sa
mga makukulit na bida ng: 4:30 na, Ang TV
na! Esmyuski! Ang Batibot noon ay
talagang inaabangan ng mga bata ‘di tulad
ngayon.
• Lovingly Yours, Helen, ang counterpart
nitong Maalaala Mo kaya (ang tagal na
nito), Calvento Files, Kapag may katwiran
ipaglaban mo, Maricel Drama Specials, at
Eye to Eye ni Inday Badiday. Mga game
show noon ay: The Weakest Link ni Edu
Manzano, Who wants to be a Millionaire
ni Christopher de Leon at ang
naghihingalong Kwarta o Kahon
• . Sa Musical variety show naman ay bumida
ang ASAP na pinataob ang GMA
supershow at SOP sa parehong dekada, The
Sharon Cuneta Show, at sa unang bahagi
ng 90’s ay mayroon pang Loveliness na
kasama si Francis M. at Willie Revillame
na konti pa lang ang yabang. May MTV na
rin noon sa UHF Channel pero hindi pa
ganoon kapopular at naging VJ sa MTV
ASIA sina Francis M. at Donita Rose.
• Family- oriented naman ang walang
katapusang sitcom na Okay ka Fairy Ko na
Enteng Kabisote ngayon, Home Along Da
Riles na nagsalba sa career ni Dolphy at
Tatak Pilipino. Inaabangan ko rin ang
Music Bureau dati na nagtatampok sa mga
• Marami rin ang nanonood ng Magandang Gabi
Bayan ni Kabayang Noli (maganda at
nakakatakot ang mga Halloween episode nito),
World Wrestling Federation na may taunang
Wrestlemania. Ang Marimar ni Thalia ay
kinabaliwan ng husto ng mga Pinoy. Ito ang
nagbigay daan sa iba pang foreign teleserye
upang iangkat at panoorin ng masa (kabilang na
ang Meteor Garden). Sinundan pa ito ng
Rosalinda at Maria la del Barrio.
• Nag-hit noon sa kabataan ang youth-
oriented show ng channel 7 na TGIS nina
Bobby Andrews at Angelu de Leon at
kalauna’y sinabayan ito ng channel 2 sa
kanilang Gimik na tampok naman sina
Jolina at Marvin, Juday at Rico, etc.
• Bago pa magkaroon ng Kuya Kim ay
nandiyan na si Ernie Baron at ang kanyang
Knowledge Power (radyo at TV). Ini-spoof
ito noon ni Bossing Vic sa kanilang gag
show na TVJ at Mixed Nuts.
Sa pagpasok ng nineties ay nawala ang
dalawang political satire na Sic O’clock
News at Mongolian.
• Barbeque pero mayroon namang Abangan
ang Susunod na Kabanata na bagamat
isang sitcom ay ipinapikita ang kalagayan
ng pulitika sa ‘Pinas sa nakakatawang
paraan. Isa pang sitcom na gusto ko ay Ober
da bakod naman ng siyete, galing sa
channel 5 na Tropang Trumpo.
• Nag-ober da bakod naman sina MichaeL V. at
Ogie upang pagharian ang Bubble Gangna
hanggang ngayon ay umeere pa rin. Sa huling
mga taon ng 90’s ay lalo itong sumikat ng
magkaroon ng segment na “Dating Doon” ni
Brod Pete at Brod Jocel. Number one naman sa
kalokohan ang Palibhasa Lalake nina Richard
Gomez at Joey Marquez kasama ang dalagitang
si Carmina . Nadagdagan pa ito ng ibat-ibang
karakter hanggang sa kasawaan na rin ng mga
tao dahil sa predictable na pagpapapatawa.
Ang channel 9 naman ay may tahimik at
simple lang na sitcom pero marami rin ang
sumusubaybay ito ay ang Buddy en Sol ni
Eric Quizon at Redfrod White, inaabangan ko
dito ay ang tanungan joke sa bandang huli ng
programa.
Mga Pilipinong
Boksingero
• Eric “Kenta Sato” Chavez
• Rolando Pascua
• Luisito “Lindol” Espinosa
• Jesus “The Hawaiian Punch” Salud
• Manny “Cabalay” Melchor
• Morris East
• Ronnie “Toy Bulldog” Magramo
• William Magahin
• Eric Jamili

You might also like