You are on page 1of 1

DULOG MARKSISMO

“ Ikinahiya’t inalipusta ang isang amang nag-aruga, nag-alaga at nagmahal sa isang batang noo’y walang
kamalayan na ngayo’y nagdulot ng hapdi at sakit sa puso’t isipan na kailanman ay mananatiling lamat sa kanyang
buong katauhan.”

DULOG EKSISTENSYALISMO
“ Isang musmos na walang kamuwang-muwang ang namuhay na puno ng panlalait at panghuhusga mula sa mga
taong nakapaligid sa kanya. Makikita sa kanyang pisikal na anyo ang kakaibang pagkatao na hindi mo makikita sa mga
taong nakatira sa mismong lugar na kanyang ginagalawan.”

DULOG REALISMO
“ Kahirapan na nagdulot ng kasakiman. Kahirapang hatid ay sakit at paghihirap sa isang pamilya. Isang batang
babaeng naghahangad ng marangyang buhay at gustong ibahin ang hulma ng kanilang kapalaran. Ngunit sa bandang
huli ay nagsisi’t nagdusa sa konsekwensiyang dulot ng labis na paghahangad.”

DULOG SIKOLOHIKAL
“ Kainggitan at maling akala ang babalot at yayakap sa buong pagkatao niya. Maling akalang naging rason ng
kanyang maling pakikitungo sa kanyang ama. Naging rason kung bakit nag-iba ang hulma ng kanyang pagkato, nag-iba
ang kanyang ugali , halos lahat nag-iba sa kanya.”

DULOG HUMANISMO
“ Ang pagpapakatotoo ng isang tao ay sumisimbolo ng kanyang tunay na pagkatao. Dito nasusubok ang
kakayahan niyang tanggapin ang lahat na nagyayari sa kanyang buhay, ang lahat lahat pati na ang kanyang sarili. “

DULOG ROMANTISISMO
“PAGMAMAHAL. Pagmamahal na nagbubuklod at nagkakaisa sa lahat ng bagay at taong naninirahan dito sa
mundong ating ginagalawan. Pagmamahal ng isang ama, pagmamahal na hindi mapapantayan ng kahit ano at
kailanman ay hindi magbabago.”

DULOG SOSYOLOHIKAL
“ Mapanghusgang lipunan na hindi pantay ang pagtingin sa isang taong mahirap lamang. Lipunang kumikilala
sa isang mahirap bilang walang pinag-aralan, walang matinong ginagawa at lalong lalo na sila yung mga taong
sinasabing walang karapatan at walang lugar sa paligid na kanyang kinabibilangan.”

ARKITIPAL
“ Ang lukso ng dugo ay nananalaytay sa kanyang buong pagkatao. Hindi mo man siya nakita, hindi mo man
siya naalala, hindi man kayo nagkatagpo ngunit sa oras na napagkatagpuin kayo ng tadhana ay mararamdaman mo
ang kakaibang bugso ng iyong damdamin. Bugso ng pananabik, bugso ng saya at bugso ng tunay na pagmamahal.”

You might also like