You are on page 1of 1

TALUMPATI

Sa lahat ng taong pumarito, sa mga kapwa ko kamag-aral, sa mga magulang, sa mga bisita at
sa mga guro sa institusyong ito. Isang napakagandang umaga sa inyong lahat.

Ako ay lubos na nagagalak dahil sa isang napakalaking opurtunidad na sa akin ay ibinigay, ang
makapag-aral at makapagtapos sa institusyong ito. Hindi lingid sa kaalaman nating lahat na ang pag-
aaral ay hindi puro kasiyahan at pagtatagumpay lamang. Ito ay may kaakibat na mga matitinding
mga pagsubok na sadyang humamon sa ating katatagan bilang isang mag-aaral at isang anak na
lumaki sa gitna ng kahirapan. Hindi natin masusukat ang ating tunay na pagtatagumpay kung hindi
natin mararanasan ang pagsubok na siyang makatutulong sa ating katatagan. Hindi lamang tayong
mga mag-aaral ang dumanas ng matitinding pagsubok, ngunit mas lalo na ang ating mga magulang
na siyang palaging humahanap ng paraan upang tayo ay maihatid sa paaralan. Kaya sila ay dapat
lamang natin na pasalamatan.

Sa aming mga guro na walang sawa at walang humpay na pagtuturo upang tayo ay mahubog
sa kaangkupan n gating pag-aaral at sa ating mga magulang na walang humpay ring tumulong,
maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

You might also like