You are on page 1of 1

Bea T.

Pariñas Piling Larang

12- Fayol 01-17-24

DALAWANG TAONG PAGLALAKBAY

Sa ating kagalang galang na ulong guro, Ma'am Elenita Sumait, sa ating assistant
principal, Sir Moises Cadalso Jr. Mga guro, mga magulang at kapwa ko magsisipagtapos, Isang
mapag palang umaga sa inyong lahat.
Ako ay nagagalak dahil isa ako sa nabigyan ng oportunidad na makapag salita sa harap
ng mga kapwa ko mag sisipag tapos. Ngayon ay ang araw na ating pinaka aasam-asam. Alam
kong lahat tayo ay puno ng kagalakan ngayong araw na ito. Sa loob ng dalawang taon, may iba't
ibang pag subok tayong hinarap, katulad na lamang nang pag pasok sa paaralan kahit tayo ay
inaantok pa, Sabay sabay na aktibidad at marami pang iba. Ito lamang ang mga karaniwang
pagsubok na ating hinarap upang makamit natin ang tagumpay na ito.
Sa mga mahal naming magulang na walang sawang sumuporta at mag bigay ng aming
mga pangangailangan maraming salamat po. Ito ay hindi namin makakamit kung hindi dahil sa
inyo. Alam namin na may iba't ibang pagsubok kayong hinarap upang kami ay inyong mapag
aral at mabigyan ng sustento. Alam kong maraming mga magulang ang nawalay sa kanilang mga
pamilya upang mag trabaho para masuportahan tayo sa pag aaral. Sa aming mga mahal na
magulang, Lubos ang aming pasasalamat at saludo po kami sa inyong pagsasakripisyo.
Mga mahal naming guro sa loob ng dalawang taon na tumayong pangalawang magulang
sa amin. Salamat sa mga pabaon ninyong karunungan, kaalaman at samut saring emosyon sa
amin. Salamatt sa mga pangaral ninyo sa amin sa tuwing kami ay nahihirapan sa mga sabay
sabay na aktibidad. Hindi po namin kayo makakalimutan.
At higit sa lahat sa poong may kapal, na gumabay sa amin upang makamit namin ang
tagumpay na ito. Muli, maligayang pagtatapos sa ating lahat, Nawa'y makamit natin ang ating
mga pangarap. Magandang araw and may God bless us all!!

You might also like