You are on page 1of 2

GRADUATION SPEECH

Jolie Bel G. Galindez

Sa atin pong matiyaga at masipag naming ulong guro, G. Jejomar G.


Lolong, sa amin pong gurong tagapayo, Bb. Daisy Mae A. Paala, sa atin
pong panauhing tagapagsalita, Engineer Elmer Caring, sa mga guro ng
ating paaralan, mga mahal naming mga magulang, mga kapwa ko
nagsipagtapos, mga kaibigan, isang magandang araw po sa inyong lahat.
Sa araw na ito, magkahalong lungkot at saya ang aking nadarama.
Saya, sapagkat napagtagumpayan namin ang unang hakbang ng aming
mga pangarap. Natanggap na namin ang diploma o katibayan ng
pagtatapos. Na ang butil na aming itinanim na sumisimbolo sa aming
pangarap ay unti-unti ng lumalago. Lungkot, sapagkat lilisanin na naming
ang aming paaralan. Paaralang nagpanday sa amin upang maging
matatag at matibay, upang maharap namin ng taas noo ang hamon ng
buhay.
Ang tagumpay namim ngayon ay hindi magiging possible kung wala
ang mga taong naging bahagi ng masaya’t makulay naming buhay
elementarya.
Sa amin pong mga magulang na kumalinga sa amin simula’t sapul,
hindi po namin alam kung paano namin kayo pasasalamatan. Batid po
naming ang lahat ng inyong pagtitiis at pagsasakripisyo para maitaguyod
ang aming pag aaral at maitawid ang araw-araw na buhay. Mapalad po
kami at meron kaming mga magulang na katulad ninyo. Hindi po namin
makakamit ang kung ano ang meron kami ngayon kung hindi dahil sa
inyo. Walang hanggang pasasalamat po at mahal na mahal po namin
kayo.
Sa amin pong mga naging guro mula una hanggang sa ikaanim na
baiting at lalong higit sa aming gurong tagapayo Mam Daisy. Saludo po
kami sa inyo. Walang sinumang makapapantay sa inyong pagpapagal at
pagtitiis na kami ay pagsilbihan at pagmalasakitan. Kayo po ang aming
dakilang pangalawang magulang, nagturo ng magagandang karanasan,
nagbahagi ng kaalaman, nag aruga at humubog sa aming pagkatao.
Lilisanin man naming ang paaralang ito, ngunit mananatili po sa aming
puso/ ang aming natutunan. Mamimis po namin kayo.
Sa mga kapwa ko nagsipagtapos sa araw na ito, salamat sa mga
araw na ating pinagsamahan. Bagamat maraming pagkakataon na tayo
ay nagkakatampuhan, nag aasaran, nagkukulitan, ito ay bahagi lamang
ng ating paglago. Nawa’y hindi lamang natin dito tuldukan ang ating
nasimulan. Ipakita natin sa mundo na tayo ay nakikiisa na ang edukasyon
ay para sa lahat. Ipakita nating tayo ay hindi padadaig, hindi susuko
upang makamtan ang pangarap na inaasam.
Higit sa lahat, ang aming tagumpay ay iniaalay namin sa Diyos bilang
Makapangyarihan sa lahat. Sa pamamagitan Niya ay nagkaroon kami ng
ibayong lakas upang malampasan ang lahat ng pagsubok at
kalungkutan. Tunay at wagas ang pag ibig Niya sa atin, kung kaya’t
karapat-dapat Siyang papurihan at pasalamatan.
Sa ating lahat, bilang pagtatapos ay iiwan ko ang isang hamon:
Maaaring nagawa natin ngayon ang magtagumpay sa pag akyat sa tuktok
ng isang bundok. Pero mas marami pang bundok na sadyang mas mataas
ang dapat nating akyatin. Tiyak na marami ring sagabal ang
masasalubong natin. Ngunit sa halip na ituring itong pahirap, gawin
nating mga tuntungan ito sa ikabibilis ng ating pagsilay sa mas malawak
na tanawin. Patuloy nating gawin ang lahat ng makakaya upang mas
marami pang pagdiriwang ang maganap. At patunayan nating ang
GRADWEYT ng K to 12 ay Hinubog ng Matatag na Edukasyon.
Muli isang maganda at mapagpalang araw po sa ating lahat.

You might also like