You are on page 1of 2

Para kay _________________, Punong Guro ng Dumalag Christian School, sa mga

guro, magulang, studyante at bisita, maganda at matagumpay na umaga para sa


inyo.

Isang karangalan at tunay na kasiyahan na ako ay inimbita upang maipahayag sa


inyo ang aking mensahe para sa Graduation Program ng elementarya.
Nakakapanghinayang maramdaman na tayo ay nandito parin, nag aalala, at
nagdudusa dulot ng pandemya. Pero sa kabila ng lahat, ito ay hindi naging hadlang
upang makamit niyo ang tagumpay, at yun ang makapagtapos ng Elementarya.
Hindi man ninyo mabati ang isa’t isa, o magtawanan, O di kaya’y umiyak sa
kasiyahan kasama ang barkada at kaklase, lagi lang tatandaan na tayo ay pinagpala
ng Diyos. Binigyan nya tayo ng malusog na katawan, pinapanatiling ligtas upang
malampasan ang mga trahedya at hamon sa buhay.

Maaring naisipan niyo ng sumuko sa gitna ng kahirapan, ngunit ang ating pangarap
ay masmalaki pa sa ating problema. Minsan sinasabi natin “D ko na kaya, ayoko na,
pero ang aksyon natin nag sasabi na kaya pa” at Kayo ay tumayo pagkatapos ng
mahulog sa kahirapan dala ang mga bagong aral ng ating natutunan.
Sa mga mag aaral ng DCS Binabati ko kayo sa inyong mga nakamit, lahat kayo ay
napakahusay sapagkat, ginawa niyo ang lahat upang makuha ang tagumpay. Alam
ko na mahirap ang inyong pinagdaanan, maraming mga pagsubok, kundisyon, at
“new normal” sa pag aaral. Pero tignan niyo ngayon ang inyong sarili, lahat kayo
ay nag tagumpay at nalampasan na may dala’ng ngiti dulot ng inyong pag sisikap.
At syempre, lahat ito ay naging possible sa pamamagitan ng gabay, pagpapatibay
ng loob, sakripisyo at tulong gling sa mga guro, kaibigan, pamilya at lalong lalo na
sa inyong mga magulang. Palaging pasasalamatan ang kanilang mga nagawa para
sa inyo.

Gusto kong tatandaan niyo na ang inyong mga guro ay ginagawa ang kanilang
makakaya upang makapagturo ng maayos at gumawa ng mga posibilidad para
ibigay sa inyo ang pinakamahusay na mga karanasan sa pag aaral, kaya naman I
ukit mo sa puso mo na ito ay maging inspirasyon na gawin ang inyong makakaya at
mag aral ng buong katapatan sapagkat, sa lahat ng inyong mga gawain, modyuls,
mga materyales upang sagutan at mga performance na ipinasa niyo, ito ay nag
bibigay kasiyahan sa inyong mga guro at makakatulong sa kanila upang maramdam
na ang kanilang pagod at pawis ay hindi magiging walang kabuluhan dahil kayo ay
gumawa, sumunod at natuto.

Ang pangarap ay sumasalamin sa nais mo. Kung nag-iisip ka ng positibo, alam


mong makakamit mo ang anumang bagay na itinakda mo sa iyong isip. Mag tiwala
ka sa iyong sarili, at manalangin na ang lahat ng iyong mga pangarap ay matutupad
sa tamang panahon. Ipagpatuloy mo lang at huwag susuko. Wag kalimutan
magbalik tanaw sa mga taong naging susi para makahakbang ka sa hagdan ng
iyong pangarap. Alam nating mahirap ang pagdadaanan natin bago natin maabot
ang ating mga pangarap. Pero hindi dahilan yun para pangunahan tayo ng takot,
pagsuko, at kawalan ng tiwala sa sarili. Wag magpapatalo sa negatibong takbo ng
isip mo at sigurado akong malayo ang makakamit mo sa buhay.

Sa aking pag tatapos, gusto ko kayong batiin ulit! Ang tagumpay ay


nangangailangan ng katapangan, at kayong lahat ay magiging magiting na
indibidual sa ating pamayanan. Mag sumikap batch 2021-2022! Nawa’y maging
masigasig sa mga pangarap at maging matatag sa mga pagsubok na haharapin!

You might also like