You are on page 1of 3

Gulong ng buhay

Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka upang mabuhay, makakatagpo tayo ng


maraming hamon sa ating daan patungo sa ating paroroonan. Minsan sinuswerte tayo,
minsan umuuwi tayong luhaan. Walang perpektong nilalang sa mundong ibabaw ika
nga, kaya dapat alam mo sa iyong sarili kung hanggang saan aabot ang iyong mga ngiti
sa kasiyahan at mga luha sa kalungkutan. Maraming uri ng mga bagay na masasabing
nakamit o nagawa mo sa mga araw na naigapang mo lahat ng walang pag aalinlangan.
Mapalad ka kung ito`y iyong natatamasa ngunit pakitandaan hindi lahat ng tagumpay
ay naaayon sa takbo ng iyong buhay.“Tagumpay” isang simpleng salitang hangad ng
sino man, ngunit hindi ito ganong kadaling abutin. Darating ang mga panahong di
aayon sa atin ang kapalaran. Ang buhay ng isang tao ay parang isang “gulong” sabi
nga nila. Kung nasa itaas ka na ngayon baka bukas nasa baba kana. Bago mo makamit
ang matamis na tagumpay, kaagapay nito ang paghihirap at sakripisyo na tulad ng
ating pangunahing karakter, nagawa niyang maabot ang kanyang pangarap. Halina't
kilalanin natin ang buhay ng isang taong nagsumikap at nakamit ang tagumpay ng
kanyang buhay. Ako si Charmie Dipon Seña, isang guro sa paaralan ng Balayan
National High School. Nais kong hatid sa inyo ang kwento ng aking buhay.

Mahirap na pamumuhay ang aking kinagisnan sa murang edad palamang. Ngunit ito
ang nagbigay sa akin ng inspirasyon at naging daan upang ipagpatuloy ko ang aking
pangarap na maging isang nurse balang araw. Noong makatungtong ako ng kolehiyo
sa di inaasahang pangyayari ay hindi ko ito nagawang matapos sa kadahilanang kapos
sa salapi ang aking mga magulang. Magaling lang naman talaga akong magtago ng
nararamdaman ngunit nasasaktan at napapagod din ako hindi ko lang magawang
huminto at sumuko dahil marami pa akong laban na dapat ipanalo. Naniwala lang ako
sa aking sarili na balang araw makakamit ko ang tagumpay at matatapos din ang mga
tahimik kong laban na matagal ding nanggulo at nanirahan sa aking puso’t isipan.
Dahil sa sapilitan kong paglipat ng kurso, napadpad ako sa kursong may kinalaman sa
negosyo. Dumating ang isa sa mga naging dagok o balakid sa pagkamit ko ng
tagumpay. Nawala ang kursong dapat ay aking kukunin. Nawalan ako ng pag asang
ipagpatuloy pa ang aking karera. Tila pinagkaitan ako ng tadhana. Simula noon
nilamon ako ng sama ng loob at humantong ako sa depresyon. Nawalan ako ng ganang
pumasok, nais ko na lamang magmukmok at walang gawin. Sa oras na komportable
kana, mas mauunawaan mo ang ideya at konsepto na gustong ituro sa’yo ng mundo.
Ako’y nakawala sa pagkakabilanggo sa isang pagsubok na humahadlang sa aking mga
pangarap. Matapos noon natuto ulit akong bumangon at magsimula. Kahit mahirap ay
handa akong harapin ang anumang hamon ang dumating. Dahil sa pagkawala ng
kursong aking nais, nirekomenda ng aking pamilya na pasukin ko ang pagtuturo,
ngunit labag ito sa aking kalooban. Hanggang sa dumating ang panahon na wala na
akong pagpipilian kundi piliin ang nais nila para sa akin. Kaagad ko itong tinanggap
upang hindi ako mapatigil sa pag-aaral at hindi masayang ang karerang aking
tinatahak para makapagtapos ng kolehiyo.Ako ay sinugatan ng mapait na karanasan at
kung maglilinis ka ng sugat, langgasin mo ito nang maigi.Padampi-dampi lamang sa
una, marahan na tanggapin ang nangyari na.Huwag agarin, huwag pilitin.Hayaan
mong tulungan ka ng panahon na hilumin.Kikirot pa rin, pero matututuhan mong wala
nang sisihin.Mananariwa, manunuyo’t at magmamarka, pero panatag kang gagaling
na. Tama sila, kung talagang para sa atin hindi ito mabigat sa damdamin. Tinuruan ako
ng mundo na ‘pag may mawawalang isang bagay, hindi ko kailangang mag alala
dahil may darating na bago ‘yung mas magaan at mas maganda higit pa sa mga nauna.
Ipinagpatuloy ko ang pag aaral at nagtapos bilang isang guro. Ngunit hindi ko parin
masabi sa aking sarili na nakamit ko na ang rurok ng tagumpay na aking inaasam.
Nagsimula akong kuwestiyonin ang aking sarili kung tama ba na pinagpatuloy ko ang
pagiging isang guro. Tama ba ang landas na aking tinatahak? Tama bang naging guro
ako? Ito ang mga tanong nakakapagpabagabag sa aking isipan na kahit ang Diyos ay
aking kinuwestiyon. Para palang isang pampasaherong dyip ang buhay ko, sa dinami
dami ng hinto at liko masaya pa rin na dumating ako sa paroroonan ko. May mga
pagkakataon sa buhay na akala mo katapusan na, walang-wala, simot, ubos, ni katiting
o ga-sinulid na pag-asa, wala.Pero nairaos mo pa rin. Hindi ba’t parang himala na sa
kabila ng pagsadsad sa lupa, narito pa rin ako humihinga.

Hindi masuwerte, kun’di pinalad. Pinalad ako sa napili at napagdesisyonan ko na


puntahan. Sabi nga ng ibang tao, “kung may nagsarang pinto, magbubukas na
panibago”. Sa aking pagninilaynilay naghahangad pala ako ng matagal ko ng nakamit
at iyon ay ang pagtuturo na siyang aking naging tungkulin na maghubog ng kaisipan
ng isang bata. Maaari mo ng bihisan ng magarang damit ang mga araw na sasapit at
ipisik ang pabagong matagal ang kapit. Dahil pag nakamit mo na ang pinaghirapan mo
maaari ka ulit gumawa ng bagong simula at magpakilala bilang bagong tao sa mundo
sa panahong ito.At sa mga lilipas na buwan na saksi sa kung paano ko
pinagtagumpayan ang mga tahimik na laban, ang nagpatibay pang husto sa katatagan,
ang nagpaalala sa’kin sa kahalagahan ng pamilya, ng sarili, ng mga kaibigang hindi
lumisan, sa kalagitnaan ng init at tag-ulan, sa loob at labas ng tahanan, sa
pinakamababa at pinakamataas na kinalalagyan. Sa lilipas na buwan, at sa mga araw
pang daraan handa na ang puso at aking isipan sa pag-ani ng kasiyahan. Kung kaya’t
bilang isang guro ang maipapayo ko lamang sa mga kabataang nangangarap na
makamit ang rurok ng tagumpay. Maging matatag ka sa oras ng kahirapan sapagkat
darating din ang oras aangat ka rin sa taas ng gulong ng buhay. Maging matatag ka sa
oras ng kahirapan sapagkat sa bawat pagdagasa ng alon ng buhay hindi natin lagi
matatatamasa ang naisin nating paksa ng tadhana kaya darating din ang oras na
eespasyo ka rin sa taas ng gulong ng buhay at lilingon mula sa mataas na kasulukuyan
hanggang sa matinik na pinagmulan.
Mga manunulat:

Alla, Iya Claudia Ashley B.

Comia, John Emil M.

Dela Rea, Moira Bianca B.

De Lunas, John Vic T.

Pantoja, John Vergel C.

You might also like