You are on page 1of 1

NAME: PRUDENTE, LEAN STEPHANIE V.

SUBJECT KPWKP
:
TEACHER GULLEBAN, JANNOAH DATE: 06-02-23
:

Mahal Kong Sarili,

Kamusta kana? Ayos kalang ba? Gusto ko lamang ipaabot sayo ang mga
salita na nagmula sa aking puso at diwa. Sa mga problema at pagsubok
na ating kinaharap ikaw ay nananatiling malakas. Gusto ko malaman mo
na ikaw ay importante, gusto ko palagi kang malusog at masaya sa lahat
ng oras. Huwag mo kalimutan na espesyal ka, di kaman espesyal sa iba
pero sa akin ikaw ay mahalaga.

Mahal kong sarili ako’y saludo sa iyo sa tapang at determinasyon na


ipinapakita mo. Alam kung kaya mong bumuo at gumawa ng mga bagay
bastsa may tiwala kalang sa sarili mong kakayahan. Sa bawat problema
na iyong kinakaharap ikaw ay nananatiling nakatayo at lumalaban,
magpatuloy kalang at palaging lumaban dahil ang tagumpay ay hindi
nakukuha ng madalian. Wag mo rin pababayaan ang pagmamahal mo sa
bayan, kahit madaming humuhusga at walang naniniwala, piliin mo
palagi ang magmahal.

Lagi mong tandaan na hindi ka perpekto at hindi mo rin kailangan


maging perpekto. Sumabay ka lang sa agos ng buhay, lagi mong tandaan
na ang pag unlad at paglago ay isang proseso. Ipagpatuloy mo lang ang
pag-abot mo sa iyong pangarap, dahil lahat ng hirap ay may ginhawang
malalasap. Sa mga bawat araw na dadating, ipinapangako ko na akoy
palaging kasama mo handang gumabay at umalalay sayo, lagi kitang
sasamahan sa hirap man at saya ikaw ay makakaasa.

At muli, mahal kong sarili, mas mahalin mo pa ang sariling ikaw.

You might also like