You are on page 1of 1

Sa Aking Mahal, Wala naman masyadong ginagawa

ngayon. Sumulat lang ako para kumustahin ka at ipaalam


sa iyo kung gaano kita kamahal.

Nakikinig kami ngayon kay Bob Hope at nakalimutan ko


palang sabihin sa iyo na bumili kami ng isang radyo sa
Italya. Nagpunta kami doon at marami kaming ginawa.
Buti na lang din at nagkaroon ng kaunting oras para
mamasyal at makabili ng ibang gamit. Huwag ka mag-
alala, malayo naman kami sa mga tropa ng Aleman at
konting araw pa ay mahuhulog na rin ang buong Italya at
mababawi ito ng Alyadong Pwersa.

Ako ay bahagyang nangingitim kasi lagi na lang namin


kinukumpuni yung mga eroplano. Nakabilad kami sa araw
kaya rin siguro ganoon. Namumula na ang aking mukha.
Sana matapos na ito at makauwi na rin ako.

Kailangan ko na munang magpaalam at wag ka


makakalimot lumiham sa akin. Medyo may katagalan na
ang pagdating ng sulat ngayon. Tatlong araw na akong
hindi nakakakuha ng liham sa iyo o kung kanino man.
Mahal na mahal kita ng buong puso, katawan, at
kaluluwa.

You might also like