You are on page 1of 16

Mahal naming tagapagbasa,

Magandang Gensan! Malugod na bati ang


aming handong sa aming Literaryfolio. Sa Literaryfolio na
ito, dito ninyo makikita ang mga inipon ng aming mga
isinulat na mga panitikan sa baitang na ito tula,
maikling kuwento, komiks, tabloid, at iba pa. Inyo ring
makikita ang aming pagkamalikhain na talaga nga
namang aming pinagsikapan.
Sanay inyong magusutuhan ang aming
proyekto sa Filipino 8. Magbigay sana ito ng ngiti sa
inyong mga labi at karunungan na inyong malalaman.

Tumitindig!
Sumusulong!
_____________________

GROUP 2

Kabanata I
- Panimula
- Mga Miyembro

Kabanata II
-

Salawikain
Sawikain
Kasabihan
Fliptop
Bugtong
Tanaga
Haiku

Kabanata III
-

Tula
Ang Karagatan
Duplo
Maikling Kuwento
Alamat
Epiko

Kabanata IV
-

Biopoem
Sarsuela
Magasin
Komiks
Tabloid

Kabanata V
- Pasasalamat

Ang Sarsuwela ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa


hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na
may kinalaman sa mga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ito rin
ay tinatawag na zarzuela, sarsuela, dulang inawitan, dulang hinonihan,
drama-lirico at operetta.

Sa pag-ibig, marami ang umiiyak, nagdurusa at nagsasakripisyo.


Pagmahal moa ng isang tao, kaya mong gawin ang lahat alang-alang sa
inyong pagmamahalan.
Ikaw? Kaya mo bang ipaglaban ang iyong duguang pag-ibig?
ROSALINDA: Nasan ka na ba Ronaldo Namimiss kita pag di ka
nakikita. Ano ang dapat kong gawin.
ROBERTO: Ikakasal ka na Tama nayan!
(Finally! Kinabukasan!)
ROSALINDA: Miss Rowena can I make a request? Pwede ba yung
pakiabot nito. Sa pinakamamahal kong Ronaldo
ROWENA: Makakaasa ka!
(Finally! Kasalan!)
PARI: Rosalinda, mahal mo ba si Roberto?
ROLANDO: Rosalinda!!!
PANAUHIN: Nandito na si Rolando, si Rolando na duguan.
ROBERTO: May pag-asa pa ba? Kung susuko ka na. Larawan mo bay
lulukutin ko na. Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama. Damdamin moy
tilay na pagod na.
ROLANDO: Gagawin ko ang lahat upang sa huli, sa huli ay tayo. Kung
kailangan kong tahakin ang kilome kilometrong layo.
ROSALINDA: Sinong pipiliin ko, Mahal ko o mahal ako.
ROLANDO: Oh ang isang tulad mo, ay di na dapat pang pakawalan
Alam mo bang pag nagging tayo, hinding-hindi na kita bibitiwan,
aalagaan di pababayaan. Pagkat ikaw sakin ay Prinsesa.
ROSALINDA: Taksil ka man sa buhay ko, kailangan kita sa piling ko.
RONALDO AT ROSALINDA: Habang buhay, ikaw at ako ay magkasama
sa hirap at ginhawa Habang buhay sumpa koy ikaw lang walang iba.
Pangako sayo.
LAHAT: Finally kinasal na sila, nag-enjoy with 2 babies.
--- WAKAS ---

Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng


maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito
ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa, maaaring
tungkol sa fashion, showbiz o sa mga makabagong gadgets.

Ang tabloid ay isang uri ng dyaryo na mayroong masmaliit na


sukat ng pahina kaysa sa broadsheet, kasama ang paggamit
ng malalaking imahe, ay nagbibigay-diin sa mga paksa tulad
ng mga kahindik-hindik na kwento ng mga
krimen, astrolohiya, tsismis, at telebisyon.

Ang Literaryfolio na ito ay hindi mabubuo kung


hindi sa buong miyembro. Bawat isa ay tumulong
upang ito ay matapos. Lahat ay nagbigay ng
kontribusyon upang itoy mabuo. Itoy hindi rin
mabubuo kung hindi dahil sa aming mga magulang.
Silay nagbigay ng tulong pinansyal at sumuporta,
mapa moral o espiritwal.
Sa aming guro sa Filipino, Gng. Jocelyn
Moreno, maraming salamat po! Dahil sa proyektong
ito, ditto naming natutunan ang ibat ibang bagay. Isa
na dito ang kooperasyon ng bawat isa, upang an
gaming Gawain ay mas mapadali. Nasubok din ang
aming katatagan bilang isang grupo na amin ding
nalampasan.
Higit sa lahat, an gating Panginoon. Maraming
salamat po talaga sa inyo. Sa pagbigay sa amin ng
karunungan at lakas. Hindi namin magagawa at
matatapos ang proyektong ito kung hindi rin dahil
sayo.
Maraming salamat po!
Tumitindig!
Sumusulong!
_______________________

GROUP 2

SALAWIKAIN

SAWIKAIN

1. Ang lalagyang walang


laman ay maingay.

1. Malawak ang isip.


(Taong mabilis
umunawa; mararaming
2. Anuman ang gagawin, nalalaman)
pitong beses isipin.
2. Nakahiga sa salapi.
3. Magsama-sama at
(Mayaman)
malakas, magwatakwatak at babagsak.
3. Mapurol ang utak.
(Bobo)
4. Magsisi ka man at huli
wala nang mangyayari.
4. Di madapuang
langaw. (Malinis at
5. Pagkahaba-haba man bagong bihis)
daw ng prusisyon, sa
simbahan din ang tuloy.
5. Alilang kanin. (Utusang
walang bayad at
6. Walang mapait na
pinapakain lang)
tutong sa taong
nagugutom.
6. Balat sibuyas.
(Madaling paiyakin)
7. Walang matigas na
tinapay sa mainit na
7. Bakas ng kahapon.
kape.
(Pag-alala sa nakaraan)
8. Kapag binato ka ng
bato, batuhin mo ng
tinapay.
9. Tikatikatik man kung
panay ang ulan, malalim
mang ilog ay
mapapaapaw.
10. Walang lumura sa
langit na di sa kanyang
mukha nagbalik.

8. Anak pawis (Anak ng


mahirap)
9. Kamay na bakal.
(Mabagsik)
10. Bukas na aklat
(Masipag mag-aral)

KASABIHAN
1. Kapag may isinuksok,
may madudukot.
2. Wag mong gagawin
sa iba, kung ayaw mong
gawin sayo.
3. Kung sinong pumutak,
yun ang nanganak.
4. Walang mahirap sa
taong masikap.
5. Kung gusto, may
paraan. Kung ayaw, may
dahilan.
6. Ang taong gipit, sa
patalim man ay kakapit.
7. Bato-bato sa langit,
ang tamaan wag
magalit.
8. Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa.
9. Ang hindi marunong
tumingin sa
pinanggalingan, hindi
makararating sa
paroroonan.
10. Kung maiksi ang
kumot, matutong
mamaluktot.

1. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit.


- Baril
2. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
- Kubyertos
3. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay
pataob.
- Kulambo
4. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
- Paru-paro
5. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
- Mga mata
6. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
- Basket
7. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
- Ampalaya
8. May langit, may lupa, may tubig, walang isda.
- Niyog
9. Kay lapit sa mata hindi mo pa rin Makita.
- Tenga
10. Lumalakad walang paa lumuluha walang mata.
- Ballpen

HAIKU
Kahit bumagyo
Sa lindol o delubyo
Akoy narito.
Di mapipigil
Kung Diyos ang kumitil
Sa buhay-linsil.
Oras ay ginto,
Pahahalagahan ko,
Hanggang pagyao.
Mga pagsubok
Dagliang matatapos
Sa tulong ng Dyos.
Magpakabuti
Ilagay ang sarili
Sa tamang muni.
Huwag balikan
Ang mga nakaraan
Bukas ang tingnan.
Maging mautak
Sa daang tinatahak,
Tingnan ang lubak

TANAGA
WALANG MALAY
Ang ulan ay pag-asa,
Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingiy pinsala?

INOSENTE
Nagtampong kalikasan
Sa kurakot na bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.
NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.
TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat bang dahilan
Baha sa kapatagan?
AKING ASO
Mataas pag naka-upo
Mababa pag tumayo
Kaibigan kong aso
Karamay at kalaro.

Mahal pa rin kita


Lito C. Gallego

Talaga nga namang sinaktan mo ako


Di ko alam kung bakit moko niloko
May mali ba akong ginawa sayo?
O talagang nagpakatanga lang ako.
Sa lahat-lahat ng mga pangako mo,
Sabi mo pa ay itaga ko sa bato
Na ako lang ang taong mamahalin mo
Ngunit bakit ikaw ang unang sumuko.
Sumuko sa lahat ng iyong mga pangako
Mga pangakong ngayon ay nakapako
Tanong sa iyoy, minahal mo ba ako?
O pampalipas oras lang ako sayo.
Ngunit ano itong nararamdaman ko?
Datapwat ay sakit at puot sa iyo
Ngayon ay litung-lito sa sarili ko
Hindi ko na alam ang iniisip ko.
Sa lahat-lahat ng mga ginawa mo
Kung saan durog na durog ang puso ko
Iisa lang ang napatunayan ko,
Mahal pa rin kita, hindi magbabago.
Ewan ko ba kung bakit ganito
Lalo ko lang sinasaktan ang puso ko
Limutin ko man mga ala-ala mo
Mahal pa rin kita, iyan ang tandaan mo.

Isang paraan ng pagbubukas ng konbersasyon sa isang kilala o


hindi gaanong kilalang tao upang ipahayag ang iyong saloobin sa
pamamagitan ng pagbigkas ng mga pahayag na sadyang
nakakatawag pansin. Ito ay ginagamit din upang makapagdulot ng
magandang impresyon sa babaeng sinusuyo.

1. Sana fb status kana lang


Bakit?
Para pwede kitang i like
2. Sana naka off ang ilaw
Bakit?
Para tayo nalang ang mag On
3. Naka lunok kaba ng kwitis ?
Bakit?
Kasi pag ngumiti ka, may spark
4. Ibenta mo na bahay mo,
Bakit?
Para dito kana tumira sa puso ko
5. Sana ikaw nalang ang cardiologist ko
Bakit?
Para ikaw ang magdadala na puso ko
6. Alam mo, para kang kaktus
Bakit?
Kasi handa akong masaktan mayakap ka lang
7. Mighty band ka ba?
Bakit?
Kasi ikaw lang makadudugtong sa basag kong puso
8. Kanal ka ba?
Bakit?
Pwedeng akin KANALang?
9. Alam mo! Kung bakit ka hinahanap ng mata ko?
Bakit?
Kasi EYE love you!
10. Espanyol ka ba?
Bakit?
Kasi sinakop mo puso ko.

ANG DUPLO
1. Isang larong may paligsahan sa pagtula, tinatawag na tulang patnigan.
2. Ang mga lalaking kasali ay Duplero at ang mga babae ay Duplera.
3. Silay tinatawag na bilyakot bilyaka pag naglalaro na.
4. Ang palamatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad
ng sino mang mahatulang parusahan
5. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa
kaluluwa ng namatay.
6. Ang paksa ang tungkol sa nawawalang loro ng hari.
7. Ginaganap ito sa bakuran ng isang tahanan.
8. Ginaganap kapag may lamay o parangal sa isang namatay.
9. Nagpapatalas ng isipan dahil ang pagmamatwid ay daglian.
10. Pinangungunahan ng isang matanda na gaganap na harin tagahatol.
Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw.
Hari:
Sino ang nagnakaw?
Bilyako 1:
Kagabi po, hari, maliwanag ang bwan;
May isang aninong aking natanaw;
Hindi sinasadya, nang aking lapitan
Isang babae po, iyang natagpuan.
At kitang-kita kong ikinubli niya.
Siyay naririto at nasa tribuna,
Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!

ANG KARAGATAN
1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.
2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng
isangdalaga na nahulog sa gitna ng dagat.
3. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing.
4. Sa larong ito, hindi kinakailangang sumisid sa dagat ang
binatang nais magkapalad sa dalagangnawalan ng singsing.
5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.
6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may
sarisaringpagkaing-nayon.
7. Magkaharap ang pangkat ng ay batay sa matatapatan ngtabong
may tandang binata at dalaga.
8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang
bibigyanng dalaga ng talinghaga.
10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata puti.
11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang
sagutin

Ito ang pinakaunang Rap Battle League kung saan


naglalaban ang dalawang rappers. Sa Pilipinas, ito ang
pinakasikat na rap battle na sinasalihan ng mga sikat na
rappers. Ito rin ay tinatawag na Modernong Balagtasan.

ABRAS FLIPTOP LINES VS. SHEHYEE


---Hindi ko akalain na makikipaglaban ako sa isang mangyan ng iba pang
lungga, na mababa ang tingin kay bathala kaya, ayan, ganyan ang ginawang
sumpa. Yung baba nya sandata at yan ang pinapang-tuka. Sa sobrang haba
nyan pwede nang lagyan ng isa pang mukha.
---Kung face value ang usapan wala ako kahit konting kaba. Kasi ang asim na
nga ng mukha mo, tapos, korteng mangga. Mangga-ling ka man sa Manggaluyong isa ka pa ring mangga-gaya. Pag lumaking duktor manggagamot,
pagtrabahador manggagawa.
---Sa ganyang baba, siguro pag humihindi ka pwede ka ng makasuntok ng
tao. Pag umu-oo ka naman pwedeng pwede ka ng pampukpok ng pako.
---At kung magrereband ka lang nang baba ka ng baba eh height mo nga
mababa. Tsong ba iba na, kasi ang baba ng kaligayahan mo tapos yung
mukha mo may takong sa ibaba.
---Isa lang naman ang tanong ko jan sa alaga mong parihaba baba, baba
pano ka ginawa?
---Napakatulis na parang espada ng samurai na sa mukha nakalagay.
Yumuko ka lang ng konti, hara kiri pwede ka ng magpakamatay.
---Gwapo daw sya, alyas baba-baero. At marahil man kung tama, hinirang na
looks can kill pag nasagi ka ng baba.
---Sabi nya papatayin daw nya ako gamit yung baba nya. Tol, wag ka
masyadong maangas sabi mo mahaba ang baba mo pero hindi yan ganun
katalas.
---Tapos, sabi nya unano daw ako.. puro height jokes na naman. Hindi ka pa
ba nagsasawa? Kasi kapag ikinumpara yang mukha mo sa mukha ko, mukha
mo yung mas nakakaawa.
---Tapos, sabi nya para daw akong baby. Ikaw, para kang nilalangaw na
bangkay. Pero, para ka rin namang baby, amoy baby na limang araw ng
patay.

Angcon, Chris John


Basay, Cederex
Delos Santos, Arviel
Gallego, Lito
Matanod, Elizer
Muesco, Frederick
Paghid, Marjun
Talimay, Fuchzan Jihvo
Alimpolos, Angelina
Anggam, Ivoney
Asube, Karen Kate
Bangen, Sittie
Bernardez, Novelle
Calle, Lorie
Dabon, Regine
Emit, Angeline
Hampac, Angel Loyd
Magalona, Kristine
Morete, Irene
Olmedo, Dianne
Rule, Larrah
Sanchez, Queency
Verano, Riza Bell
Wahing, Angel Rose
Zabala, Julie Ann

Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.

Namongan ay taga Nalbuan, ngayon ay sakop ng La Union. May isa silang anak nalalaki. Ito'y si
Lam-ang. Bago pa isilan si Lam-ang, ang ama nito ay pumunta na sa bundok upangparusahan
ang isang pangkat ng mga Igorota na kalaban nila.Nang isilang si Lam-ang, apat na hilot ang
nagtulong-tulong. Ugali na nga mga Ilokano noong una natumulong sa mga hilot kung
manganganak ang maybahy nila ngunit dahil nga wala si Don Juan, mgakasambahay nila ang
tumulong sa pagsilang ni Namongan.Pagkasilang, nagsalita agad ang sanggol at siya ang
humiling na "Lam-ang" ang ipangalan sa kaniya.Siya rin ang pumili ng magiging ninong niya sa
binyag. Itinanong pa rin niya sa ina ang ama, kungsaan naroron ito, na di pa niya nakikita simula
pa sa kanyang pagkasilang. Sinabi na ina angkinaroroonan ng ama.Makaraan ang siyam na
buwan, nainip na si Lam-ang sa di pagdating ng ama kaya't sinundan niya itosa kabundukan.
May dala siyang iba't- ibang sandata at mga antng-anting na makapag-bibigay-lakassa kamiya
at maaaring gawin siyang hindi makikita. Talagang pinaghandaan niya ang lakad na ito.Sa
kaniyang paglalakbay, inabot siya ng pagkahapo kaya't namahinga sandali. Naidlip siya
atnapangarap niyang ang pugot na ulo ng ama ay pinagpipistahan na ng mga Igorote. Galit na
galit siLam-ang s nabatid na sinapit ng ama kaya mabilis na nilakbay ang tirahan ng mga
Igorote.Pinagpupuksa niya ang mga ito sa pamamagitan ng dalang mga sandata at antinganting. Ang isa sykaniyang pinahirapan lamang saka inalpasan upang siyang magbalita sa iba
pang Igorote ng kaniyangtapang, lakas at talino. Umuwi si Lam-ang nang nasisiyahan dahil sa
nipaghiganti niya an pagkamatayng ama niya.Nang siya'y magbalik sa Nalbuan, taglt ang
tagumpay, pinaliguan siya ng ilang babaing kaibigan sailog ng Amburayan, dahil ito'y naging
ugali na noon, na pagdating ng isang mandirigma, naliligo siya.Matapos na paliguan si Lamang, nanagmatay ang mga isda at iba pang bagay na may buhay nanakatira sa tubig dahil sa
kapal ng libag at sama ng amoy na nahugasan sa katawan nito.Sa kabutihan naman may isang
dalagang balita sa kagandahan na nagngangalang Ines Kannoyan.Ito'y pinuntahan ng binatang
si Lam-ang upang ligawan, kasama ang kaniyang putting tandang atabuhing aso. Isang
masugid na manliligaw ni Ines ang nakasalubong nila, Si Sumarang, na kumutyakay Lam-ang,
kaya't sila'y nag-away at dito'y muling nagwagi si Lam-ang.Napakaraming nanliligaw ang nasa
bakuran nina Ines kaya't gumawa sila ng paraan upang sila aymakatawag ng pansin. Ang
tandang ay tumilaok at isang bahay ang nabuwal sa tabi. Si Ines aydumungaw. Ang aso naman
ang pinatahol niya at sa isang igalp, tumindig uli ang bahay na natumba.Nakita rin ng magulang
ni Ines ang lahat ng iyon at siya'y ipinatawag niyon. Ang pag-ibig ni Lam-ankay Ines ay
ipinahayag ng tandang. Sumagot ang mga magulang ng dalaga na sila'y payag na
magingmanugang si Lam-ang kun ito'y makapagbibigay ng boteng may dobleng halaga ng
sariling ari-arianng magulang ng dalaga.Nang magbalik si Lam-ang sa Kalanutian, kasama si
Namongan at mga kababayan, sila Ines ayikinasal. Dala nila ang lahat ng kailangan para sa
maringal na kasalan pati ang dote. Ang masayangpagdiriwang ay sinimulan s Kalanutian at
tinapos sa Nalbuan, kung saan nanirahan ang mag-asawapagkatapos ng kasal nila.Isa parin s
kaugalian sa Kailukuhan, na pagkatapos ng kasal, ang lalaki ay kinakalilangang sumisid silog
upang humuli ng rarang (isda). Sinunod ni Lam-ang subalit siya ay sinamang palad na makagat
tmapatay ng berkakan (isang urinng pating). Ang mga buto ni Lam-ang na nasa pusod ng dagat
ayipinasisid at pinatapon ni Donya Ines sa isang kalansay at tinakpan ng tela. Ang tandang ay
tumilaok,ang aso ay kumahol at sa bisa ng engkanto, unti-unting kumilos ang mga buto.Sa
muling pagkabuhay ni Lam-ang, ang mag-asawa ay namuhay nang maligaya, maluwalhati
atmatiwasay sa piling ng alagang putting tandang at abuhing aso.
t
Ju
o
D
a
in
S

You might also like