You are on page 1of 24

Karunungang-

Bayan
Layunin:
• Naisusulatang sariling tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at palaisipan batay sa
itinakdang mga pamantayan
TUGMANG DE GULONG
Isang uri ng komposisyong pangmasa na madaling ihanda at
isulat. Ito ay nakasulat sa anyong patula na may tugma at kadalasa’y
binubuo ng dalawang taludtod. Nakatatawa ang diwa ngunit kung
susuriin, sadyang nagyayari ito sa araw-araw nating pamumuhay.
Kadalasan, nakadikit ito sa mga sasakyan at nagsisilbing pang-aliw sa
mga pasahero lalo na kung di pa umuusad ang sasakyan.
MGA HALIMBAWA:

Aanhin pa ang gasolina, kung jeep ay sira na.

Miss na sexy, kung gusto mo’y libre, sa drayber ka tumabi.

Basta sexy libre, pag mataba doble.


MGA HALIMBAWA:

Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di


makararating sa paroroonan.

Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang ‘para’


para ang dyip ay huminto.
BUGTONG O PALAISIPAN
Ito ay mga parirala o mga pangungusap na inihanay nang patula at
naglalaman ng talinghaga at kapupulutan ng mahahalagang butil ng
karunungan. Ito rin ay paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan at
pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na nagpasalin-salin sa bibig ng mga
ninuno. May mga katangian ito gaya ng tugma, sukat at kariktan, at
talinghaga na maituturing na pinakamahalagang katangian.
MGA HALIMBAWA:

Heto na si kaka, bubuka-bukaka.

Sagot: Gunting
MGA HALIMBAWA:

Isang bayabas, pito ang butas.

Sagot: Ulo
MGA HALIMBAWA:

Binili ko nang di kagustuhan,


Ginamit ko nang di nalalaman.

Sagot: Kabaong
MGA HALIMBAWA:

Araw-araw bagong buhay,


Taun-taon namamatay.

Sagot: Kalendaryo
MGA HALIMBAWA:

May katawan walang mukha,


Walang mata’y lumuluha.

Sagot: Kandila
MGA HALIMBAWA:

Tumingin ka sa akin,
Ang makikita mo’y ikaw din.

Sagot: Salamin
MGA HALIMBAWA:

Kay lapit-lapit na sa mata,


Di mo pa rin makita.

Sagot: Tenga
MGA HALIMBAWA:

Ate mo, ate ako,


Ate ng lahat ng tao.

Sagot: Atis
MGA HALIMBAWA:

Maliit na bahay,
Puno ng mga patay.

Sagot: Posporo
MGA HALIMBAWA:

Instrumentong pangharana,
Hugis nito ay katawan ng dalaga.

Sagot: Gitara
MGA HALIMBAWA:

Kaaway ni Bantay,
May siyam na buhay.

Sagot: Pusa
TULANG PANUDYO
Ito ay isang uri ng karunungang-bayan na ang kayarian ay
may sukat at tugma, layunin nito ay mambuska o manudyo. Ito
ay may himig na nagbibiro kaya ito ay kilala rin sa tawag na
pabirong patula.
MGA HALIMBAWA:

Magbiro ka sa lasing, huwag lang sa bagong gising.

Ang mata’y itingin, bibig ay tikumin.


MGA HALIMBAWA:

Madaldal kung halalan, walang ginagawa kung


mahalal.

Ako’y tutula, mahabang-mahaba,


Ako’y uupo, tapos na po.
MGA HALIMBAWA:

Tatay mong bulutong


Puwede nang igatong
Nanay mong maganda
Pwede mong ibenta
MGA HALIMBAWA:

Si Anna ay napakaganda
Pero kung tumayo ay parang nakaupo.
Kumuha ng na sagutang
papel.
pako orasan
___ 1. Dalawang magkaibigan, mahilig mag-unahan.
sampayan ___ 2. Dala mo, dala ka. Dala ka ng iyong dala.

bote bibig ___ 3. Hindi hari, hindi pari. Ang suot ay sari-sari.
___ 4. Nagtago si Pedro, nakalabas ang ulo.
gunting ___ 5. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
___ 6. May paa, walang baywang. May likod, walang tiyan.
mga paa
___ 7. May kamay, walang paa, May mukha, walang mata.
silya aso ___ 8. Hayan na si Kaka, bubuka-bukaka.
___ 9. Nagbibigay na, sinasakal pa.
sapatos ___ 10. Isang balong malalim, puno ng patalim.

You might also like