You are on page 1of 15

Mga Bugtong Tungkol sa Katawan

1. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.


Sagot: Mga paa
2. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: Mga mata
3. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: Tenga
4. Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
Sagot: Suso ng Ina
1. Batong marmol na buto, binalot ng gramatiko.
Sagot: Ngipin
2. May tubig na pinagpala, walang makakakuha kundi bata.
Sagot: Suso ng Ina
Mga Bugtong Tungkol sa Prutas

1. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.


Sagot: Langka
2. Nakayuko ang reyna di nalalaglag ang korona.
Sagot: Bayabas
3. Isang prinsesa nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
4. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
Sagot: Atis
5. Isang tabo, laman ay pako.
Sagot: Suha
6. Kung tawagin nila’y “santo” hindi naman milagroso.
Sagot: Santol
7. Bulaklak muna ang dapat gawin, bago mo ito kanin.
Sagot: Saging
1. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha’y nakaharap pa.
Sagot: Balimbing
2. Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
Sagot: Niyog
3. Hindi Linggo, hindi piyesta, naglawit ang bandera.
Sagot: Dahon ng saging
4. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
Sagot: Mais
5. Bahay ni Gomez, punung-puno ng perdigones.
Sagot: Papaya
6. Nang maglihi’y namatay, nang manganak ay nabuhay.
Sagot: Puno ng Siniguelas
7. Kumpul-kumpol na uling, hayon at bibitin-bitin.
Sagot: Duhat
Mga Bugtong Tungkol sa Gulay

1. Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis


Sagot: Sili
2. Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
3. Baboy ko sa parang, namumula sa tapang.
Sagot: Sili
4. Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
5. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
6. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya
7. Munting tampipi, puno ng salapi.
Sagot: Sili
8. Ulan nang ulan, hindi pa rin mabasa ang tiyan.
Sagot: Dahon ng gabi
9. Puno ko sa probinsiya, puno’t dulo ay may bunga.
Sagot: Puno ng Kamyas
10. Gulay na granate ang kulay, matigas pa sa binti ni Aruray, pag nilaga ay
lantang katuray.
Sagot: Talong
Mga Bugtong Tungkol sa Bagay

1. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.


Sagot: Baril
2. Maliit na bahay, puno ng mga patay.
Sagot: Posporo
3. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: Sandok
4. Hayan na si kaka bubuka-bukaka.
Sagot: Gunting
5. Nagtago si Pedro nakalabas ang ulo
Sagot: Pako
6. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: Zipper
7. Bumili ako ng alipin, mataas pa sa akin.
Sagot: Sumbrero
8. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: Kamiseta
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila
2. Walang sala ay ginapos, tinapakan pagkatapos.
Sagot: Sapatos
3. Kaban ng aking liham, may tagpi ang ibabaw.
Sagot: Sobre
4. Dikin ng hari, palamuti sa daliri.
Sagot: Singsing
5. Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.
Sagot: Walis
6. Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos
7. Hiyas akong mabilog, sa daliri isinusuot:
Sagot: Singsing
8. Malambot na parang ulap, kasama ko sa pangangarap.
Sagot: Unan
1. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon.
Sagot: Kalendaryo
2. Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang ulo’y parang
tagayan, alagad ng kalinisan.
Sagot: Walis
3. Alalay kong bilugan, puro tubig ang tiyan.
Sagot: Batya
4. Nagbibihis araw-araw, nag-iiba ng pangalan.
Sagot: Kalendaryo
5. Itapon mo kahit saan, babalik sa pinanggalingan.
Sagot: Yoyo
6. Hindi hayop hindi tao, nagsusuot ng sumbrero.
Sagot: Sabitan ng sumbrero
7. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: Bote
8. Isang butil ng palay, sakop ang buong buhay.
Sagot: Bumbilya
1. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: Kampana o Batingaw
2. Isang pirasong tela lang ito, sinasaluduhan ng mga sundalo.
Sagot: Watawat
3. Panakip sa nakabotelya, yari lata.
Sagot: Tansan
4. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo.
Sagot: Sinturon
5. Araw-araw nabubuhay, taon-taon namamatay
Sagot: Kalendaryo
6. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: Bayong o Basket
7. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: Pluma o Pen
8. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala.
Sagot: Sapatos
1. Ang ulo’y nalalaga ang katawa’y pagala-gala.
Sagot: Sandok
2. Bagama’t nakatakip ay naisisilip.
Sagot: Salamin ng mata
3. Hindi ako sikat na pilosopo, tulad ng henyong kapangalan ko, pero mahal din
ako ng tao, dahil kinakainan ako.
Sagot: Plato
4. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: Batya
5. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: Banig
6. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: Kubyertos
7. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: Kulambo
8. Hinila ko ang tadyang, lumapad ang tiyan.
Sagot: Payong
1. Bahay ni Mang Kulas, nang magiba’y tumaas.
Sagot: Payong
2. Sa bahay ko isinuksok, sa gubat ko binunot.
Sagot: Gulok/Itak
3. Kalesa ko sa Infanta, takbo nang takbo pero nakaparada.
Sagot: Silyang tumba-tumba
4. Aling mabuting letrato ang kuhang-kuha sa mukha mo?
Sagot: Salamin (mirror)
5. Isang tingting na matigas, nang ikiskis ay namulaklak.
Sagot: Posporo
6. Takbo roon, takbo rito, hindi makaalis sa tayong ito.
Sagot: Duyan
7. May bibig walang panga, may tiyan walang bituka; may suso walang gatas,
may puwit walang butas.
Sagot: Bayong
8. Maliit na parang sibat, sandata ng mga pantas.
Sagot: Pluma o Pen
1. Gawa ito sa kinayas na kawayan, lalagyan ng santol, mangga at pakwan.
Sagot: Tiklis
2. Dalawang patpat, sabay lumapat.
Sagot: Gunting
3. Butasi, butasi, butas din ang tinagpi.
Sagot: Lambat
4. Alipin ng hari, hindi makalakad kung hindi itali.
Sagot: Sapatos
5. Urong sulong, lumalamon.
Sagot: Lagari
6. Lumabas, pumasok, dala-dala ay panggapos.
Sagot: Karayom
7. Walang hininga ay may buhay, walang paa ay may kamay, mabilog na parang
buwan, ang mukha’y may bilang.
Sagot: Orasan
8. Sinakal ko muna, bago ko nilagari.
Sagot: Biyulin
1. Banga ng pari, pauli-uli.
Sagot: Duyan
2. Walang paa, lumalakad, walang bibig, nangungusap, walang hindi hinaharap
na may dala-dalang sulat.
Sagot: Sobre
3. Isang panyong parisukat, kung buksa’y nakakausap.
Sagot: Sulat
4. Dalawang magkaibigan, magkadikit ang baywang; kapag silay’y nag papasyal,
nahahawi ang daanan.
Sagot: Gunting
5. Pitong bundok, pitong lubak, tig-pitong anak.
Sagot: Sungkaan
6. Halaman ng dunong, walang dilig maghapon, araw-araw kung bilangin isang
taon kung tapusin.
Sagot: Kalendaryo
7. Aso ko sa muralyon, lumukso ng pitong balon.
Sagot: Sungkaan
8. Pinilit na mabili, saka ipinambigti.
Sagot: Kurbata
1. Aling bagay sa mundo, ang inilalakad ay ulo?
Sagot: Suso (snail)
2. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: Gamu-gamo
3. Mataas kung nakaupo mababa kung nakatayo.
Sagot: Aso
4. Bahay ng aluwagi, iisa ang haligi.
Sagot: Bahay ng Kalapati
5. Usbong ng usbong, hindi naman nagdadahon.
Sagot: Sungay ng Usa
6. Isang bahay na bato, ang takip ay bilao.
Sagot: Suso (snail)
7. Pagmunti’y may buntot, paglaki ay punggok.
Sagot: Palaka
1. a na ang tiyan, malakas pang sumigaw.
Sagot: Batingaw
2. Ang sariwa’y tatlo na, ang maitim ay maputi na, ang bakod ay lagas na.
Sagot: Matanda
3. Wala pa ang giyera, wagayway na ang bandera.
Sagot: Dahon ng Saging
4. Nanganak ang aswang, sa tuktok nagdaan.
Sagot: Puno ng saging
5. Pag-aari mo, dala-dala mo, datapwa’t madalas gamitin ng iba kaysa sa iyo.
Sagot: Pangalan
6. Maaari mong makita ako sa tubig, ngunit hindi ako basa.
Sagot: Panganganinag (reflection)
7. Lupa ni Mang Juan, kung sinu-sino ang dumadaan.
Sagot: Kalsada
8. Bahay ko sa Pandakan, malapad ang harapan.
Sagot: Pantalan
9. Alin sa mga santa ang apat ang paa?
Sagot: Sta. Mesa
https://pinoycollection.com/mga-bugtong/Bugtong, Bugtong: 150+ Mga Bugtong
na may Sagot (Tagalog Riddles)

Tigmo-Tigmo: Visayan Riddles

Visayan Riddle: Baboy sa lasang, ang tunok puro lansang.


English Translation: A wild pig of the forest is covered with spikes.
Sagot: nangka (jackffruit)

Visayan Riddle: Tigmo, tigmo agokoy, ugma ra kita magasoy


English Translation: Riddles made in the night will be answered in the morning light.
Sagot: damgo (a dream)

Visayan Riddle: Kabayo ni Adan, dili moka-on ug dili kabay-an.


English Translation: The horse of Adam does not eat unless someone rides on it.
Sagot: kudkuran (coconut grater)

https://www.tagaloglang.com/examples-of-visayan-riddles/

Hiligaynon:
1. Ang dagat gin putos sang langit
Ang langit gin putos sang tul-an
Ang tul-an gin putos sang bulbol
Ang bulbol gin putos sang panit

Tagalog:
Ang dagat binalot ng langit
Ang langit binalot ng buto
Ang buto binalot ng balahibo
Ang balahibo binalot ng balat

English:
The sea was covered by the sky
The sky was covered by the bone
The bone was covered by the fur
The fur was covered by the skin

Answer:

LUBI / NIYOG / COCONUT

Hiligaynon:
2. Ako my isa ka amigo
upod ko bisan diin ako makadto

Tagalog:
Ako'y my isang kaibigan
Kasama ko kahit saan ako pumunta

English:
I have a friend
that stays with me were ever I go

Answer:

LANDONG / ANINO / SHADOW

Hiligaynon:
3. Madalum nga bubon
puno sang singaban

Tagalog:
Balong malalim
puno ng patalim

English:
A deep well
full of sharp objects

Answer:

BABA / BUNGANGA/ MOUTH

Hiligaynon:
4. Uyatan mo ang ikug ko
masalum ako
Tagalog:
Hawakan mo ang buntot ko
at ako'y lulublob

English:
Hold my tail and
I will dive

Answer:

LUWAG / SANDOK / LADLE

Hiligaynon:
5. Mabatian apang indi makita
Makita apang indi mabatian

Tagalog:
Naririnig ngunit hindi nakikita
Nakikita ngunit hindi naririnig

English:
Can be heard but not seen
Can be seen but not heard

Answer:

DAGUOB KAG KILAT / KULOG AT KIDLAT / THUNDER AND LIGHTNING


Hiligaynon:
6. Matahum nga dalaga
makita tatlo ka beses
sa isa ka adlaw

Tagalog:
Magandang dalaga
Matatanaw tatlong beses
Sa isang araw

English:
A beautiful maiden
can be seen three times a day

Answer:

PINGGAN / PLATO / PLATE

Hiligaynon:
7. Natawo ako sa aga
Kag napatay sa hapon
Apang ako ang kalipay
Sa tanan nga dutan-on

Tagalog:
Ipinanganak ako sa umaga
At namatay sa hapon
Ngunit ako ang ligaya
Sa balat ng lupa

English:
I was born in the morning
And died in the afternoon
But I am the happiness
of the earth

Answer:

PAGBUTLAK KAG PAGTUNOD SANG ADLAW /


PAGSIKAT AT PAGLUBOG NG ARAW /
SUNRISE AND SUNSET

Hiligaynon:
8. May isa ka kahoy nga magayon
Nga may napulog duha ka sanga
Apat ka bulak sa tag-iya
Kag ini may tag pito ang dahon

Tagalog:
May isang kahoy na maganda
Labindalawa ang sanga
Apat na bulaklak sa bawat isa
At tig pito ang dahon niya
English:
There is a beautiful tree
Having twelve branches
Each branch has four flowers
With seven leaves each

Answer:

KALENDARYO / KALENDARYO / CALENDAR

Hiligaynon:
9. Baston ni San Jose
Indi maisip

Tagalog:
Tungkod ni San Jose
Hindi mabilang

English:
St. Joseph's cane
Cannot be counted

Answer:

ULAN/ ULAN/ RAIN


Hiligaynon:
10. Talamnan nga maputi
Nga maitum sing binhi
Lima ang naga tanum
Duha ang naga tambong

Tagalog:
Taniman na maputi
Na maitim ang binhi
Lima ang tumatanim
Dalawa ang tumitingin

English:
Field of white
Black are the seeds
Five are the planters
Two are the watchers

Answer:

SULAT/ SULAT/ LETTER

chellevangs.blogspot.com

You might also like