You are on page 1of 5

Mga halimbawa ng bugtong tungkol sa mga hayop:

1. Bahay ni Ka Huli, haligi'y balibali, ang bubong


2. Mataas kung nakaupo, mababa kung nakatayo.
3. Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko,
ay gatas din ng anak mo.
4. Hayop kong si Kolondrino, tubig and tirahan nito, luha
ay pakitang tao.
5. Ang abot ng paa ko'y, abot rin ng ilong ko.
6. Nakakalakad ako sa lupa, nakakalangoy din ako sa
sapa, nakakalipad din ako ng kusa.
7. Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal.
8. Tag-ulan at tag-araw, hanggang tuhod ang salawal.
9. Ang mukha'y parang tao, magaling lumukso.
10. May ulo'y walang buhok, may tiyan walang pusod.
11. Narito si Katoto, may dala-dalang kubo.
12. Di naman bulag, di makakita sa liwanag.
13. Sa araw ay nahihimbing, sa gabi ay gising.
14. Ang huni mo'y namimilipit, sakdal ka namang kay liit.
15. Matanda na ang nuno, hindi pa naliligo.
Mga sagot sa bugtong:

1. Alimango
2. Aso
3. Baka
4. Buwaya
5. Elepante
6. Gansa / Bibi
7. Loro
8. Manok
9. Matsing
10. Palaka
11. Pagong
12. Paniki
13. Paniki
14. Pipit
15. Pusa

Sagot Bugtong

Aso
Mataas kung nakaupo
Mababa kung nakatayo.

Pusa
Matanda na ang nuno
Hindi pa naliligo.
Langgam
Maliit pa si kumpare,
Nakakaakyat na sa tore.
Maliit pa si Nene
nakakaakyat na sa tore

Paniki
Sa araw nahihimbing
At sa gabi ay gising

Surot
Tiniris mo na
inaamuyan pa.

Bubuyog
Heto, heto na si Lelong
Sagot Bugtong

Bubulong-bulong

Manok
Tag-ulan o tag-araw,
Hanggang tuhod ang
salawal.

Tag-ulan at tag-araw,
Putot ang salawal

Alimango
Bahay ni Ka Huli
Haligi’y bali-bali
Ang bubong ay kawali
Sagot
Bugtong
Bibe
Kay liit pa ni Neneng
Marunong nang
kumendeng
Elepante
Anong hayop ang dalawa
ang buntot?
Tipaklong
Ang ulo ay kabayo,
Ang leeg [balabal] ay
pare,
Ang katawan ay uod,
Ang paa ay lagare.
Langaw
Naghanda ang alila
[katulong] ko
nauna pang dumulog ang
tukso.
Alitaptap
Eto na si bayaw
Sagot Bugtong

Dala-dala'y ilaw
Palaka
May ulo'y walang buhok
May tiyan walang pusod
Sungay ng Usa
Pantas ka man at
marunong
At nag-aral nang malaon,
Aling kahoy sa gubat
Nagsasanga’y walang
ugat.
Sagot
Bugtong
Lisa
Alin itlog ang may
buntot?
Kuto
Dala mo siya
Pero kinakain ka niya
Unggoy
Yao't dito, roo'y mula
Laging ang ginagawa
Magtago at mamulaga
Sa matatanda at sa bata
Lamok
Kung kailan tahimik
Saka nambubuwisit
Talaba
Hindi naman platero,
Hindi naman panday,
Lapat ang buhay
Ahas
Baston ng kapitan
Hindi mahawakan
Tungkod ni Kapitan,
Sagot Bugtong

Hindi mahawakan

You might also like