You are on page 1of 2

Sa Aking Mahal,

           
Wala naman masyadong ginagawa ngayon. Sumulat lang ako para kumustahin ka at
ipaalam saiyo kong gaano kita kamahal.
Nakikinig kami ngayon kay Bob Hope at nakalimutan ko palang sabihin sa iyo na bumili
kami ng isang radyo sa Italya. Nagpunta kami doon at marami kaming ginawa. Buti na
lang din at nagkaron ng kunting oras para mamasyal at makabili ng ibang gamit. Huwag
ka mag-alala, malayo naman kami sa mga tropa ng Aleman at konting araw pa ay
mahuhulog na rin ang buong Italya at mababawi ito ng Alyadong Pwersa.

Ako ay bahagyang nangingitim kasi lagi na lang namin kinukumpuni yung mga
eroplano. Nakabilad kami sa araw kaya rin siguro ganoon. Namumula na ang aking
mukha. Sana matapos na ito at makauwi na rin ako.
 
Kailangan ko na munang magpaalam at wag ka makakalimot lumiham sa akin. May
katagalan na ang dating ng sulat ngayon. Tatlong araw na akong hindi nakakakuha ng
liham sa iyo o kung kanino man. Mahal na mahal kita ng buong puso, katawan, at
kaluluwa.
  
Ang iyong asawa, 
Fernando

1. Ano ang iyong naramdaman sa pagbasa ng liham?


 Ang naramdaman ko sa pagbasa ng liham ay ganun mo na lamang na
masasabing mahal na mahal ng lalake ang kanyang asawa.

2. Mas makabuluhan ba ang liham o pagsulat kaysa kung sinabi ito ng piloto sa
kanyang asawa nang personal

3. Sa inyong palagay, gaano kaimportante ang pagliham o pagsulat lalo na noong


mga panahon na iyon?
 Napaka importante ng liham sa mga panahon na iyon dahil sa
pamamagitan ng lihan na lamang kayo mag kakaroon ng kumonikasyon
ng iyong minamahal o ng iyong mga mahal sa buhal at para maipaalam
ang mga kaganapan sa nang yayare sa iyo.

4. Ano ang naging epekto ng mga napansin mong hindi angkop sa liham na iyong
nabasa?
 Hindi po naging maayos ang pagpaparating ng liham na kanyang ginawa para sa
kanyang asawa

You might also like