You are on page 1of 2

SH1673

Pangalan:Steven Justin Agad Leyson Seksyon: Grade 12 STEM


Petsa: 20/09/21 Iskor:

Liham ng Pag-ibig
ANG PAGSUSULAT, TEORYA, AT KONSEPTO

Direksyon: Basahing maigi ang liham at sagutin ang mga tanong. Maaring gamitin ang likuran
nitong papel.

Sa Aking Mahal,

Wala naman masyadong ginagawa ngayon. Sumulat lang ako para kumustahin ka at ipaalam sa iyo
kung gaano kita kamahal.

Nakikinig kami ngayon kay Bob Hope at nakalimutan ko palang sabihin sa iyo na bumili kami ng
isang radyo sa Italya. Nagpunta kami doon at marami kaming ginawa. Buti na lang din at
nagkaroon ng kaunting oras para mamasyal at makabili ng ibang gamit. Huwag ka mag-alala,
malayo naman kami sa mga tropa ng Aleman at konting araw pa ay mahuhulog na rin ang buong
Italya at mababawi ito ng Alyadong Pwersa.

Ako ay bahagyang nangingitim kasi lagi na lang namin kinukumpuni yung mga eroplano. Nakabilad
kami sa araw kaya rin siguro ganoon. Namumula na ang aking mukha. Sana matapos na ito at
makauwi na rin ako.

Kailangan ko na munang magpaalam at wag ka makakalimot lumiham sa akin. Medyo may


katagalan na ang pagdating ng sulat ngayon. Tatlong araw na akong hindi nakakakuha ng liham sa
iyo o kung kanino man. Mahal na mahal kita ng buong puso, katawan, at kaluluwa.

Ang iyong

asawa, Fernando

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa likuran ng papel na ito.

1. Ano ang iyong naramdaman sa pagbasa ng liham?

2. Mas makabuluhan ba ang liham o pagsulat kaysa kung sinabi ito ng piloto sa kanyang asawa
nang personal?

3. Sa inyong palagay, gaano kaimportante ang pagliham o pagsulat lalo na noong mga panahon
na iyon?

01 Worksheet 1 *Property of STI


Page 1 of 1
Kasagutan

1. Ano ang iyong naramdaman sa pagbasa ng liham?

Answer: Ang nararamdaman ko sa liham ni Fernando, Ay sya ay nagbibigay ng (update) o


pagpapaalala sa kanyang asawa upang mapanatag ang loob nilang isa’t isa at mas mapalakas ang
kanilang loob sa gitna ng giyera. At ang kanyang mga ginawa sa Italya

2.Mas makabuluhan ba ang liham o pagsulat kaysa kung sinabi ito ng piloto sa kanyang asawa
nang personal?

Answer: Oo, mas maikekwento ni Fernando sa kanyang asawa ang buong pangyayari at mas
malinaw na pangyayari sa Italya dahil sa liham ay kaunti lamang ang maisulat ni Fernando dahil
ika nga na matagal ang pagdating ng mga liham sa Italya. At makikita rin ng Asawa ni Fernando
ang reaksyon sa muka at pagkwento neto ni Fernando

3. Sa inyong palagay, gaano kaimportante ang pagliham o pagsulat lalo na noong mga panahon
na iyon?

Answer: Wala pang telepono o cellphone na pede makatawag sa ibang bansa tulad ng italya sa
pilipinas maari lamang na makapagpadala ng Sulat o Liham nung sinaunang panahon at dahil
nadin sa giyera. Lalo’t nasa giyera ang italya sa sumasakop at nangangamba din ang mga
magkalayo na mag asawa sa kanilang sitwasyon.

You might also like