You are on page 1of 3

SANAYSAY NA NAGHAHAMBING SA TEKNIKAL, REFERENSYAL,

AKADEMIK, AT DYORNALISTIK NA PAGSULAT

Ano nga ba ang pagsulat? Bakit ito mahalaga sa atin bilang mag-aaral? Ano-ano ang mga uri
nito?

Ito ang aking nakalap na impormasyon sa aking sariling pananaliksik

Una ay ang Teknikal na Pagsusulat ano nga ba ito?

Ang teknikal na pagsulat ay pagsulat o pag-draft ng teknikal na komunikasyon na ginagamit sa mga


larangang panteknikal at pantrabaho, gaya ng hardware at software ng kompyuter, inhenyeriya,
kapnayan, eronautika, robotika, pananalapi, medisina, consumer electronics, biyoteknolohiya, at agham
pangkagubatan. Saklaw ng teknikal na pagsulat ang pinakamalaking subfield sa teknikal na
komunikasyon.

Ang teknikal na komunikasyon bilang anumang uri ng komunikasyon na nagpapakita ng isa o higit pa sa
mga sumusunod na katangian:

(1) pakikipag-usap tungkol sa mga teknikal o dalubhasang paksa, gaya ng mga aplikasyon sa kompyuter,
mga prosesong medikal, o mga regulasyong pangkapaligiran

(2) pakikipag-usap gamit ang teknolohiya, gaya ng mga web page, mga help file, o mga site ng social
media

(3) pagbibigay ng mga panuto sa kung paano gawin ang isang bagay, hindi alintana kung gaano
kateknikal ang gawain"

Pangalawa ay ang Referensyal na Pagsusulat ano nga ba ito?

Referensyal na pagsulat ang tawag sa uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian hinggil sa isang paksa. Makikita ang ganitong uri sa mga bibliography, index, at note cards.

Naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa.

Madalas, binubuod ng isang manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan
niyon na maaaring sa paraang parentikal, footnotes o endnotes

Pangatlo ay ang Akademikong Pagsusulat eto ang mga sumusunod.

Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung saan kinakailangan
ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng akademikong pagsulat ang magbigay ng
makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas


mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na
mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap, talata, at seksiyon upang maging malinaw ang
pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong
sulatin ay may simula na karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag,
at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng
akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong sanaysay,
sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.

Panghuli ay ang Dyornalistikong Pagsusulat

Ang dyornalistik na pagsulat ay tumutukoy sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag. Madalas
itong naisusulat sa mga pahayagan tulad ng broad sheet o tabloid. Kabilang dito ang pagsulat ng balita,
editoryal, tanging lathalain at iba pa.

Naiiba ang pagsulat ng dyornalistik sa iba pang uri ng pagsulat. Ang pagsulat ng balita ay tuwiran at
hindi paligoy-ligoy. Ang pangunahing punto ay inilalagay sa unahan at ang ibang impormasyon ay
isinisiwalat mula sa pinakamahahalaga patungo sa di-gaanong mahalaga. Pinipili nang maingat ang mga
salita at pinananatiling simple at tuwiran ang estilo ng pagsulat (Alejo, et al., 2005).

Sa lahat ng Uri ng Pagsusulat na ito, Ano nga ba ang Pagsusulat o Pagsulat ito ay ang sumusunod:

Ang salitang pagsulat ay galing sa salitang ugat na sulat. Maaring ito tumutukoy sa gawain ng
paggamit ng panulat, papel  at mga sagisag. Maari ding tumutukoy  ito sa proseso ng pagsasama-
sama ng ideya upang makabuo ng kwento, sanaysay at iba pang akda.

Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ediya ng tao ay
isinasalin sa pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng
mga tao ang kanilang mga saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.

Mahalagang mapag-aralan ang pagsulat. Ang kasanayan na ito ay makakatulong sa pang-araw-


araw na buhay lalo na sa pakikipagkomunikasyon.

Halimbawa:

1.Natutunan na ng anak ko ang pagsulat. 

2.Ang kanyang paraang ng pagsulat ng kwento ay nakaaaliw.


Sanggunian:

https://www.slideshare.net/drintotsky/uri-ng-pagsulat-13582540

https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Teknikal_na_pagsulat

https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/07/dyornalistik-na-pagsulat.html

https://study-everything.blogspot.com/2014/07/dyornalistik-na-pagsulat.html

https://www.pinoynewbie.com/pagsulat/

You might also like