You are on page 1of 2

Kahulugan, Kalikasan at Katangian ng Sulating Teknikal

Ang Teknikal na Pagsulat ay isang espesyalisadong uri ng pagsusulat dahil ito ay tumutugon
sa nga kognitib at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at mismong
manunulat, malawak itong uri ng pagsulat at sumasaklaw dito ang iba pang sub-kategorya
tulad na lamang ng feasibility study at ng mga korespondesyang pangangalakal at dito
magkakaroon o makakabuo pa ng mas malinaw at mabisang pagpapaliwanag. Ito ay isang uri
ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na
layunin.

And Teknikal na Pagsulat ay ginagamit sa mga larangang panteknikal o sa trabaho katulad ng


inhenyeriya o ang paglalapat ng agham upang matugunan ang pangangailangan ng
sangkatauhan, kapnayan o ang pag-aaral ng mga bagay na bumubuo sa ating katawan at ng
mundong ating ginagalawan, ang robotika na sakop ng inhinyeriyang mekanikal,
inhinyeriyang elektrikal at agham pang-kompyuter na may kaugnayan sa pagbuo,
pagpapatakbo at pag-gamit ng mga robot, ang panlalapi kung saan pinag-aaralan at sinusuri
ng mga tao kung paano nagkakamit ng salapi o pera ang mga tao, negosyo at pangkat, at
marami pang iba.

Ipinaliliwanag ng Society for Technical Communication ang teknikal na komunikasyon


bilang anumang uri ng komunikasyon na nagpapakita ng isa o higit pa sa mga sumusunod na
katangian: "una, pakikipag-usap tungkol sa mga teknikal o dalubhasang paksa, gaya ng mga
aplikasyon sa kompyuter, mga prosesong medikal, o mga regulasyong pangkapaligiran;
ikalawa, pakikipag-usap gamit ang teknolohiya, gaya ng mga web page, mga help file, o mga
site ng social media; o ikatlo, pagbibigay ng mga panuto sa kung paano gawin ang isang
bagay, hindi alintana kung gaano kateknikal ang gawain."

Bagaman kinilala lamang bilang isang propesyon mula pa noong ikalawang digmaang
pandaigdig ang teknikal na pag-sulat, binanggit ng mga kritiko ang mga gawa ni Aristoteles
bilang mga pinakamaagang anyo ng teknikal na pag-sulat. Ang gawain ni Geoffrey Chaucer,
ang Treatise on the Astrolabe, ay isang maagang halimbawa ng isang teknikal na dokumento,
at itinuturing ito na unang teknikal na dokumentong inilathala sa Ingles. Ang mga imbentor at
siyentipikong gaya nina Isaac Newton at Leonardo da Vinci ay naghanda ng mga
dokumentong nagsasalaysay ng kanilang mga imbensyon at natuklasan. Bagaman hindi
kailanman tinawag na mga teknikal na dokumento noong panahon ng kanilang paglalathala,
may mahalagang papel sa pagbuo ng mga modernong anyo ng teknikal na komunikasyon at
pagsulat ang mga dokumentong nagawa nila.

Samantala, ang Teknikal na Sulatin naman ay ang produkto ng Teknikal na Pagsulat. Ito ay
madalas na simple lamang at direct to the point o walang paligoy-ligoy pa. Layunin din
nitong magpaliwanag ng ibat-ibang paksa sa mga mambabasa, naglalahad at nagpapaliwanag
ng paksang-aralin samalinaw, obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan. Gumagamit din
ito ng deskripsiyon ng mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at bunga,
paghahambing at pagkakaiba, analohiya at interpretasyon. Panghuli, upang masuportahan ang
mga talakay tekswal,gumagamit rin ito ng mga talahanayan, grap at mga bilang.
Ito ang ilan sa mga katangian ng isang Teknikal na Sulatin:

• Nagbibigay ng mahalagang impormasyon.

• Direktang nagbibigay ng ideya ng manunulat.

• Nagbibigay ng instraksyon o direksyon.

• Naghahawan ng daan para sa pagdedesisyon.

• Ang kadalasang paksa'y nakapokus sa sabjek na may kaugnayan sa industriya at sayantipik.

• Ikatlong panauhan ang ginagamit.

• Ang tono ay Objectiv, walang pagkiling at impersonal Mahalaga ang Teknikal na Pagsulat
dahil ito ay payak at hangarin nito ang makalikha ng teksto na mauunawaan nang malinaw,
makapagbigay alam, makapag-analisa ng mga pangyayari at makapanghikayat.

You might also like